Chapter 1

917 7 0
                                    

Chapter 1.

Kath.

"Eh ayun nga, lilipat na din ako. Walang choice eh. Baka magalit lang si mama pag nagpumilit pa kong wag na lang" i sighed. Nagtataka siguro kayo kung sino kausap ko no? Si Aria Clemente, bestfriend ko. Anong pinag-uusapan namin? well, si mama kasi. Ililipat niya ko sa Praline Academy (A/n gawa-gawa lang yang PA ha?) 3rd year highschool na ko tapos ililipat pa ko. Ang ganda nga ng grades ko dun eh, parang ako lang. Chos. Nagta-top 1 nga ako dun tapos kung kelan nasa gitna ako ng pagka-highschool ko tsaka naman ako lilipat? ang hirap din kayang mag-adjust.

"Eh yaan mo na. Kasama mo naman ako dun eh. Tutulungan din kita, promise. Tsaka, ayaw mo ba kong kasama? " tanong niya. "Hindi naman sa ganun. Pero kasi, ano. Basta mahirap i-explain. " sabi ko. Tinamad akong i-explain eh. Hehe.

"Ay nako. Basta, sabay tayong bibili ng school supplies ha? " "Of course" sabi ko. Biglang may kumatok sa pinto. Eh alangan namang sa sahig. Hay Kath, common sense. Nauubusan ka na ng common sense. Penge nga.

"Pasok" sabi ko. Katamad buksan eh tatayo pa ko eh ang sarap sarap ng pagkakahiga ko. The door opened, revealing my mom. "Oh ma, what do you need? " i asked. "Ah nak? ano sana eh, sabay na sana kayo mag-enroll ni Ria. Tsaka, bili ka na rin ng supplies niyo. Eto na yung money, aalis kasi kami ng dad mo. Nagka-problem kasi sa company namin " sabi niya tapos inabot saken yung pera. I nodded and, "Actually ma, bibili na talaga kami ni Ria ng mga gamit so, yeah" i said while smiling tapos lumabas na din si mommy. Tinabi ko muna yung pera. At, yung kompanya na sinasabi ni mommy? Yun yung Bernardo Company. Oo na, mayaman kami pero hindi ko naman pinapamukha sa lahat na 'hoy lumuhod ka sa harap ko. Mayaman ako' with matching pamewang pa. Hindi naman ako ganun.

"Helloooo! kath, still there? " ay, nag-uusap pa pala kami ni Ria. "Ay oh, Ria? " sabi ko. "Anong oh? Sabi na eh di ka nakikinig" sabi niya "Eh sorry naman. Si mama kasi eh, sabi mag-enroll na daw tayo at bumili na ng gamit" sabi ko "Ah"

"Eh, ano ba yung sinabi mo? " tanong ko "Nako, wala. Sa sobrang haba ba naman ng sinabi ko, lahat yun uulitin ko pati yung mismong space, comma at period? " napaka pilosopa talaga nito "Hay nako, bye na nga. Maliligo na ko para maaga tayo dun. Sabi mo kasi diba? Ang daming tao dun lalo na pag enrollment na" sabi ko. And um-oo at nag-goodbye na lang din siya.

Time check: 9 am

One hour to prepare. 10 kasi nagbubukas yung school.

--

Beep Beep

Si Ria na yun. That means, aalis na kami. Inayos ko muna yung buhok ko. I put some part of my hair in front and the rest, sa likod. I just wore a white sleeveless crop top with a number '39' at maong shorts. Nag-vans na lang ako and kinuha yung sling bag ko. Kinuha ko muna yung phone ko para i-text si mama.

To: Mommyyy

Alis na kami ni Ria ma. x

Nilagay ko na yung phone ko sa bag then headed downstairs. Pero bago ako umalis, nag-bilin muna ko kay Manang.

Pagka -labas ko, nandun na yung car ni Ria. Yeah, gift ko sakanya yun. We're bestfriends kasi since we were little kids. Kaya nung nag-birthday siya three years ago, niregaluhan ko siya niyan since sanay nanaman siya mag-drive. Ako, may kotse din ako pero hindi pa ko pinapayagang mag-drive ni dad. Sabi niya wag muna daw basta pag 20 na ko, okay na. Kaya, may driver din ako.

Steal my boyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon