Chapter 7

433 5 3
                                    

Chapter 7

Kath.

So yun, umalis na si kuyang fishball. Nandito naman ako ngayon, nakaupo. Alangan namang nakaluhod. Tss. Eh yun nga, si Dj bumili ng ice cream. Libre daw niya dahil late daw sya. Sabi ko nga wag na, mapilit eh kaya hinayaan ko na lang.

"Oh, yan na" sabi niya sabay abot ng ice cream "Kath, sorry talaga kung muntik na kong hindi sumipot ha" sabi nya "De okay lang yun" sabi ko "Pasalamat ka nga at hindi pa ko umaalis eh" dagdag ko "Ikaw ang mag-pasalamat dahil kung dumating yung inaantay ko, walang manlilibre sayong gwapo" sabi nya"Psh. Ede nagpunta ka lang pala dito kasi no choice? Haha, de tsaka ano? Gwapo? Tss, gwapo para sa kabayo eh" sabi ko at tumawa "Tawa na ba ko?" sabi niya.

"Ganyan ka na? Ahaha, pikon ka pala eh" sabi ko at nilagyan sya ng ice cream sa mukha. Tumingin sya sakin at ngumiti ng nakakaloko "Hoy, ano yan ha" sabi ko na parang inosente "Gusto mo? Subuan kita oh" sabi niya tapos parang susubuan ako pero imbis na sa bibig dumiretso, sa pisngi pa.

Nagkulitan lang kami dun at naglagay ng ice cream sa mukha. Eh masaya din pala to kasama eh. "Hoy kayo, para kayong mga bata. Susme, mga kabataan nga naman ngayon. Kung maglalandian kayo, wag dito" sabi nung babaeng nagwawalis. Natawa na lang kami dito.

"Hahahahaha! Landi daw eh!" sabi ni Dj na tawa ng tawa. "Haha oo nga eh, tara na nga" sabi ko at tumayo na kami. May dalang sasakyan si Dj kaya yun. Alam niyo? Masarap din talaga to kasama. Minsan kasi, sa isang tao, puro yung flaws, yung mga imperfections o yung bad side nya yung napupuna natin. Try nating tignan yung good side nya, malay mo, dun mo malaman yung totoong sya. In short, wag maging judgemental.

"Um, Dj? San nga pala tayo pupunta?" tanong ko, nakasakay na din kami "Basta, sa malayong lugar" sabi niya, huh? Malayong lugar? San naman yun? Tsaka, ano naman gagawin namin dun? Hindi ko na tinanong yun, baka mainis pa eh.

Pero, may tanong ako na gustung-gusto ko itanong sakanya.

Nahihiya nga lang ako.

Kinuha ko yung phone ko at...

3 new msgs.

2 missed calls

Shoot! Hindi pa pala ako nakakapagpaalam kela mommy, patay! Agad kong tinext si mommy, then si daddy, tapos si Ria.

To: Mommyyy

Ma, sorry hindi po ako nakapagpaalam eh. I forgot. I went out with a friend.

*sent*

To: Daddy

Dad, namasyal lang po ako. Kasama ko naman po yung friend ko eh. Sorry din po :((

*sent*

To: Riaaa

Babae! Ba't naman hindi mo sinabi kela dad na umalis ako. Kusang loob naman bru! Nyway, love you (eww)

*sent*

Ganyan kami mag-text ni Ria. Nagreply na din sila isa-isa, sabi ni mom okay lang daw, tsaka ingat. Si dad naman umuwi daw maaga. Si Ria, nganga! Wala pa rin. Bagal kaya magtype nun.

"Sino yan?" tanong nya. Ay, pakeelamero din pala. "None if your business" sabi ko at pinaglaruan yung phone ko "Woo. Taray mo nansman. Seryoso nga, araw-araw ka bang ay PMS?" tanong nya "What the?!" sabi ko at nag-smirk na lang sya. Putek!

Fr: Riaaa

Ey sorry. Btw, musta lakad naten?

aba, bahala sya di ko sya rereply-an. Makiki-chismis nanaman eh. Pake nya ba hahaha. Tsaka tinatamad na kong mag-type, inaantok pa ko.

Steal my boyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon