Chapter 5: Crush <3

2K 115 0
                                    

[Kyle's POV]

Naglalakad na 'ko ngayon papunta sa table namin ni Mood. Tarantado talaga 'yung hambog na 'yon! Tama lang 'yun sa kanya. Ipamukha ba naman saking bayarin ako?!

"Are you okay?" Tanong sa akin ni Mood. Nahalata niya ata na badtrip ako.

"Ah, o-oo. Hehe" sagot ko.

Saglit pa lang kaming nakain ng may napansin akong umupo sa gilid namin. Hinayaan ko na lang dahil malamang si Hambog yun.

Natapos na 'ko agad at sinabing gusto ko nang umuwi. Tapos na rin naman si Mood kaya lumabas na kami. Di na namin pinansin yung demonyong nakamasid samin.

Pumunta na kami ng parking lot para umuwi. Sinabihan niya 'ko na ihahatid niya ako pero hindi na 'ko pumayag. Masyado na kasing nakakahiya. Nauna na syang umalis kaya naman pumunta na ko sa sakayan ng jeep.

"Antagaaal..." Inis na bulong ko. Kanina pa kasi ako tapos wala pa ring jeep na nadaan.

Napatalon ako ng paatras ng may biglang mabilis na kotse ang dumaan sa tapat ko dahilan para magtalsikan yung tubig na nakakalat sa dinaanan ng kotse. Hindi ko na sana papansinin yun dahil hindi naman ako nabasa. Pero laking gulat ko ng lumabas ang ulo ng demonyo sa bintana ng kotse at kumaway pa sabay ngisi.

Unti-unti kong tinaas ang aking kamay kasabay ng pag-angat din ng aking gitnang daliri. "Pakyu" bulong ko. Tumawa sya nang nakaka-asar tsaka muling pinaandar yung kotse. Bwisit talagang PJ yun!

'Di nagtagal ay nakasakay na rin ako ng jeep at mabilis na nakauwi. Konting usap lang ang ginawa namin ni mama pagkatapos ay umakyat na ko ng kwarto ko.

Bago matulog ay kinuha ko muna 'yung phone ko tsaka tumingin ng notifs sa FB. May nakita ako, one new friend request.

Sino naman kaya 'to? Bihira namang may mag-add sakin dahil tahimik lang ako sa Facebook. Pagka-open ko, Mudille Villajuan.

Agad agad ko naman itong in-accept dahil wala namang dahilan para hindi gawin 'yun. Natulog na ko pagkatapos nun.

_________________________________________

Mabilis lumipas ang mga araw at unang araw na ng klase namin ngayon. Palabas na ako ng bahay ng paalalahanan ako ni Mamc.

"Baby, mag-ingat ka, ah! Baka maglandi ka kaagad. Tandaan: study first!" Sigaw niya galing sa kusina.

"Ano ba tingin mo sa'kin ma?" Tugon ko. "Una na, 'ko. Labyu ma!" Dagdag ko.

"Sige, labyu too. Wag magpabuntis ng maaga ah!" Sigaw niya ulit. Hindi ko na iyon pinansin at pinagpatuloy na ang pagpasok.

Malapit na 'ko sa school ng may bumusina na kotse sa likod ko. Napatalon ako ng dahil sa gulat. Di ako pwedeng magkamali.....

Lumabas ang ulo ng taong bumusina sa akin. Tama nga ako, si PJ/Hambog/Espasol! Kailan ba ko titigilan neto?

Tumatawa sya na lalong nagpa-init ng ulo ko! "Tantanan mo nga ako!" Inis na sigaw ko sa demonyo.

"Eh, paano kung ayoko?" Nang aasar niyang tanong.

"Eh, tarantado ka pala, eh!" Inis na sigaw ko. Nakakita ako ng plastic bottle na may lamang kaunting tubig kaya dinampot ko iyon. Nanlaki ang mata niya ng ibato ko yun sa kanya kasabay ng pagtakbo ko. Nakita ko pa yung pagtalsik ng tubig sa mukha niya.

Natatawa akong tumatakbo ng matulin dahil alam kong hahabulin ako nun. Habang natakbo ako ay may nabangga akong lalaki. Nanaman?!

Pabagsak na ko ng maramdaman kong nasalo ako sa likod ng lalaking nabangga ko. Tinignan ko sya, si Mood! Nakahinga ako ng maluwag.

Agad naman akong nakaramdam ng awkwardness dahil hindi niya pa rin ako binibitawan at nakatitig lang kami sa isa't isa. Beep! Napa talon ako bigla ng makarinig nanaman ako ng isang malakas na busina.

Punyeta talagang demonyong to. Si PJ nanaman! Nakita ko yung nanlilisik niyang mata sa amin. "Kung maglalandian kayo, 'wag sa daanan." Sambit niya na halata ang inis. "Malaki talaga siguro ang binayad mo?" Tanong niya sakin na halatang hindi naintindihan ni Mood.

Hindi ko na lang sya pinansin dahil na rin baka malate pa 'ko. Maghahanap pa ko ng room ko eh. Nagsimula na lang kami ni Mood na maglakad.

"Anong room mo?" Tanong niya.

"Room 203, sa Accountancy Building," Sagot ko. "Alam mo ba 'yun?" Dugtong ko.

"Talaga?!" Tuwang tuwang sambit niya.

Tumango naman ako bilang sagot. Napag-alaman kong magkaklase pala kami at mabuti na lang dahil wala akong kakilala rito.

Nang makarating kami sa pinto ng room ay napansin naming wala pa yung prof namin. Nagsimula na din akong makaramdam ng hiya.

Pumasok kami ng hindi ako natingin sa mga kaklase namin. Umupo kami sa pinakadulo. May tatlong bakante pa sa tabi ko habang ang nasa tabi ko namang si Mood ay nasa tabi ng bintanang nakasara. Ang lamig dahil air condition ang room na ikinatuwa ko.

Nagpalinga-linga ako sa room. Ang ganda, ang linis at ang bango. Mahahalata mong mga mayayaman talaga ang nag-aaral.

Kaunti lang ang napag-usapan namin ni Mood dahil naninibago pa kami sa lugar. Agad namang dumating ang aming Teacher na babae na nasa early 30's na ang edad. "Good morning!" Masiglang bati niya.

Chorus naman kaming bumati rin sa kanya. Isa-isa kaming tinawag ng aming guro upang kami ay magpakilala. Hindi ko sila pinansin ngunit may isang lalaking nakahatak ng pansin ko.

"Good day!" Nakangiti nitong bati. "I am Mark Jeydon, 18 years old. Not like most of the boys, I love playing Volleyball. I also love music." Mukhang magkakasunod kami neto ah, sabi ko sa isip. Nanatili lang akong nakatitig sa kanya ng tumingin din sya sakin sabay sambit, " Hope we get to know each other." Dugtong niya. Pogi sya at sobrang lakas ng dating. Dumagdag pa siguro dito yung pagkalaki laki ng katawan niya.

Umupo na sya sa kanyang upuan at hindi parin maalis ang tingin ko sa kanya kahit nakatalikod sya. I like him.

Mabilis natapos ang iba naming kaklase at turn ko na. Naglakad ako papunta sa harap ng nakayuko. Grabe yung hiya ko. Humarap ako sa Manila ng nakayuko pa rin tsaka bumuntong hininga.

Kumawala yung kabang kanina pa nakatago sa loob-looban ko kaya naman inangat ko na ang ulo ko at ngumiti ng matamis.

"Good day! My name is Kyle Angelo Martinez, 17 years old. Obviously, I am part of the 3rd world gender-" naputol ang sasabihin ko ng magsalita si Ms.

"What specific gender?" Tanong niya. Pansin mo naman na hindi sya galit.

"To be honest, a queer Ms." Sagot ko. Actually, alam ko naman kasing gay ako. Pero di ko alam kung bakit 'yan yung nasabi ko.

"Hmmm. How do you say so?" Tanong ulit ni Ms.

Nag-isip ako ng dahilan. Isip! Isip! Isip! "Well, I'm not sure if I am a Gay....... or a girl." Medyo natawa ako sa sinabi ko. Narinig ko naman na nagtawanan yung iba Kong kaklase kaya mas lalo akong ginanahan.

"Okay, continue" halatang nagpipigil niyang tawang sambit.

Tumango naman ako tsaka nagsalita. "I love playing volleyball," saad ko na tumingin pa sa crush ko, si Mark. "I also love music 'coz it makes my mind full of love and peace. Lastly, I love reading." Muli akong nagsalita kasabay ng pagtitig ko kay Mark. "Hope we get to know each other." Paggaya ko sa sinabi niya.

Naupo naman agad ako tapos tumayo naman si Mudille at sinalubong ako ng ngiti na may pahampas pa sa balikat. Mabilis natapos si Mood at nagpatuloy lang ang aming klase.

_______

Don't forget to vote, lalabs!

Isang click na lang gagawin niyo 'wag nang umarte! Bayad niyo na lang sa'kin yun. Thanks.

The MVP's Happy Pill [BxB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon