Chapter 13: Personal Assistant (Alalay)?

1.6K 86 1
                                    

[Kyle's POV]
.
Kasalukuyan akong andito sa kwarto at natatakot na lumabas dahil sa nag-aabang na demonyo sa sala. Hindi ko alam kung pano sya harapin. Parang kakainin niya ko ng buhay.
.
[Flashback]
.
"Oh nooooo"
.
Pinakita ko kay PJ na nakatayo sa gilid ng kotse niya na hindi ako natatakot sa matutulis niyang mata. Hinga ng malalim.
.
Inhale
Exhale
Inhale
Exhale
.
Dumiretso na 'ko sa pagpasok sa bahay ng hindi sya pinapansin. Hindi pa ko nakakalapit sa gate ng magsalita sya.
.
"Sa'n ka naman pupunta?" Walang emosyong saad niya. Grabe naman, sobrang seryoso netong taong to!
.
Hinga ulit ng malalim. Inhale, exhale, inhale, exhale. Unti-unti akong humarap sa kanya, "sa inyo. Papasok ako sa bahay niyo! Kasi nga dun ako nakatira. Obvious ba? Malamang uuwi dahil masyado ng madaming naganap na enkwentro sa pagitan ko at ng demonyo!" Hindi ko na hinintay ang sasabihin niya at mabilisang pumasok.
.
Nagulat na lang si mama sa nakita niya. Hindi ko na lang sinabi kung sino ang nagpatalsik sakin ng mga putik sa katawan ko. Habang nasa kwarto ako ay kumatok naman si Mama at sinabing may lalaking naka kotse ang nag-aantay sa akin. Malamang yung living espasol yun. Grrrr.
.
[End of Flashback]
.
Nag-iisip na 'ko ng paraan para lang matakasan ang mga pagbabantang nagaganap ngayon sa buhay ko. Hindi malabong bugbugin niya ko. Masyado na ring madami ang atraso ko sa kanya.
.
'Alam ko naaaa!'
.
Kinuha ko ang cellphone ko at nag-type ng number dun.
.
"Hello?"
"Oh, napatawag ka?"
"Ahm. Can you come here in our house now?"
"Why, what's the matter?"
"Basta. I'll just tell you pag nakarating ka na!"
"Okay. Just message me your full address."
"Sure!"
.
Nakahinga naman ako ng maluwag dahil may kakampi na ko. Mabilisan kong tinext yung address namin para mas mabilis din syang makarating.
.
"Anak, matagal ka pa ba dyan? Kanina pa nag-aantay yung bisita mo rito sa baba!" Sigaw ni Mama sa baba.
.
"Malapit na ma!"
.
Makalipas ang ilan pang minuto ay wala pa rin ang taong hinihintay ko. "Asan ka na baaaa?" Bulong ko sa hangin.
.
Napabalikwas na lang ako ng pagkakaupo ng makarinig ulit ako ng katok kasabay ng pagsasalita. "Hanggang kailan mo balak magtago?" Tanong sakin ng demonyo.
.
"Sinong nagsabi sayong nagtatago ako? May inaantay lang ako!" Sagot ko kay PJ.
.
Maya-maya lang ay may nagpop-up na message sa screen ng phone ko. Agad ko itong tinignan at nakita kong galing iyon sa inaantay ko, nagsasabing nakarating na sya sa tapat ng bahay namin. Agad naman akong tumakbo at hindi na pinansin ang buhay na espasol na nakatayo sa gilid ng pinto ko.
.
"Oh! Mood, buti nakarating ka na!" Sabi ko sa pinapunta ko pagkatapos kong makalabas ng gate. "Tara pasok!"
.
"Wala ka ba talagang balak na papasukin ako?" Tanong sakin ng pamilyar na tinig.
.
"Oh, Mark? Pano--"
.
"Sinama ko sya." Si Mood.
.
Hindi na ko nag-isip at agad na silang pinapasok. Good thing kasi dalawa na ang kakampi ko. Yeeeees!
.
Pagpasok namin sa bahay ay bumungad sa amin ang gulat na mata ni PJ. "Anong ginagawa niyan dito?" Sabay-sabay nilang tanong. As in pare-parehas pa!
.
"Pwede ba manahimik ka muna." Sabi ko kay PJ. "Pinapunta ko sila rito. Ikaw, anong ginagawa mo rito?" Pagtataray ko pa sa kanya.
.
"A-a-aba! Baka nakakalimutan mong may atraso ka pa sa'kin." Tugon niya.
.
"A-anong atraso? Ganti ko lang 'yun sa'yo!"
.
Magsasalita pa sana si PJ ng bigla kong yayain sila Mood at Mark sa kwarto ko. Naiwan naman si PJ na nagtataka.
.
"Ngayon, pwede mo na bang ikwento ang mga nangyayari?" Tanong ni Mood.
.
"Eh kasi ganto....." At sinimulan ko na ngang ikwento ang mga naganap mula sa pagpapatalsik niya sakin ng putik hanggang sa pagbasag ko sa sasakyan niya at sa pag-abang sakin sa tapat ng bahay.
.
"Alam mo! Ang astig mo talaga!" Si Mark na halata ang pagkamangha.
.
"Ano namang astig dun? Eh,---" Di ko na natapos ang sasabihin ko ng tinawag na kami ni Mama.
.
"Kaaaay. Kanina pa nag-aantay yung bisita mo dito! Ikaw talagang bata ka. Bumaba ka na!"
.
Wala na kaming nagawa kundi ang bumaba at puntahan ang nag-aabang na demonyo. Pagkababa namin ay nakita na naming nakain ang demonyo ng meryenda. Aba ang nipis ng mukhaaaa.
.
"Ano ba talagang sadya mo rito?" Tanong ko kay PJ/ Paul John/ Hambog/ Demonyo/ Espasol.
.
Nagulat na lang kami ng humagalpak sya sa tawa. Lah. Abnormal ba talaga to? Mukhang sira na ulo nito eh. "Alam mo, nakakatawa ka! Tinatanong mo ko kung anong ginagawa ko rito?" Halos walang hingahang tanong niya.
.
Alam ko naman kung anong pinunta niya rito eh. Gusto ko lang iliko yung usapan para mapauwi ko na sya. Kaso mukhang malabo ng mangyari yun.
.
"Sige. Let me explain CLEAR it to you." Saad niyang may pagkadiin pa sa isang salita. "Binangga mo lang naman ako dati habang natakbo ka sa loob ng gym."
.
"Aksidente yun!"
.
"Yeah, what ever. Kung tumingin ka hindi mangyayari yun." Panggatong niya nanaman. "Then, tinadyakan mo pa yung paa ko ng ubod ng lakas nung nasa Korean resto tayo!"
.
"Kung ano ano kasi yung mga pinagsasabi mo!" Inis kong argumento.
.
"You should have told me hurtful words para makaganti ka! Sobrang unfair non! Pisikalan ka, eh!" Sagot naman niya sa argumento ko. "Tapos, bumusina lang ako sa gilid mo habang papasok ka ng klase, binato mo na ko ng boteng may lamang tubig!"
.
"Eh, magugulatin ako, eh! Pa'no kung atakihin ako sa puso!" Sagot ko naman din.
.
"I. Don't. Care! Hindi ako ang gumawa ng tunog ng businang yun at hindi ko kasalanan kung magugulatin ka!" Napipikon na ko dito ah! "Then, tinapunan mo lang naman ako sa canteen ng palamig mo na may halong chocolate!" Natatawang may halong inis na sumbat niya.
.
"Baliw ka ba? Eh, ikaw naman ang nauna ah! Gumanti lang ako!"
.
"Diba sinabi kong hindi ko sinasadya---" agad ko namang pinutol ang sasabihin niya.
.
"At sinabi ko ding hindi ko sinasadya!" Sagot ko.
.
"Hindi ako tanga para hindi mapansing hindi sadya yun! Wala silang tinitindang iced tea na may halong chocolate!" Saad niya. Tama nga naman sya. Hahahahaha. "Pero alam mo, yung mga ginawa mong yun, mapapatawad ko pa eh. Pero yung MGA nangyari sa KOTSE ko. Mukhang mahirap eh. Ngayon nga parang naaksidente na ko!"
.
Yung dalawa namang nagpunta dito tawa lang ng tawa! Nakakainis. Kaya nga ko nagpapunta dito para may back-up. "Bakit----" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng putulin niya ko.
.
"Hep! No more excuses! Let's have a deal." Pagputol niya sakin.
.
Ano na naman ba 'to? "What deal?" Walang ganang sagot ko.
.
"Be my personal assistant. Wait, let me rephrase it. Be my personal alalay.... in a month." Nakangiting nakakaloko niyang sambit.
.
"A-ano?" Hindi makapaniwalang tanong ko. Hindi pwede!
.
"Okay, madali akong kausap. Bayaran mo na lang." Huh? Babayaran ko?!
.
"Ano? Ayoko nga! Sige payag na ko! Pero, pwede isang linggo lang?" Pagmamakaawa ko.
.
"Dahil madali naman akong kausap, yeah, deal." Nakahinga naman ako ng maluwag.
.
"You don't have to do it. I'll pay for his cheap car." Saad ni Mood. Nagulat naman kami sa sinabi niya.
.
"No, hindi pwede. May deal na kami at sya lang dapat ang magbabayad dun." Sabi ng demonyo.
.
"Mood, di mo naman na kailangang gawin yun." Saad ko Kay Mood. Tumingin naman ako kay PJ, "Sige, pumapayag na ko" Walang emosyong dugtong ko.
.
"Great! So, I'll just pick you up here tomorrow."
.
Huh? Sinong Personal Assistant/Alalay ang sinusundo ng amo? Baliw ba 'to? Hinayaan ko na lang para makauwi na sya.
.
Itutuloy.....
.
Thanks for reading! Hope you enjoyed this chapter.

The MVP's Happy Pill [BxB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon