Chapter 16: Possesive Afreet

1.8K 77 2
                                    

[Kyle's POV]
.
Sabay-sabay na kaming lumabas ng locker nina Mark at Mood. Masasabi ko bang unfair ako kung wala na 'kong maramdamang sparks sa'min ni Mark pero hinayaan ko pa rin siya? I don't know. You really can't explain the mystery of love. Love will fool around if it's not your time to be with 'the one'.
.
Habang naglalakad kami papunta ng classroom, hindi ko maiwasang tumingin kay Mood. Bakit ganun? Ako lang ba nakakapansin na wala sya sa sarili? Kakausapin ko na lang siguro. Hindi ko alam pero parang I'm more likely to help Mood to deal with his emotions rather than dealing with me and Mark. Siguro, I will just talk with Mood.
.
"Ah, Mood, una ka na muna sa room? May pupuntahan lang kami saglit ni Kyle." Ani ni Mark.
.
Tumango na lang si Mood bilang pagsang-ayon tsaka nagsimulang maglakad palayo. May iba talaga akong nararamdaman sa kanya, eh. May nararamdaman akong lungkot sa mga tingin niya. He's my friend by the way, it's my responsibility to help him.
.
Maya-maya pa ay nakarating na kami sa canteen. Nagulat ako sa dami ng binili ni Mark sa akin. Teka, suitor pa lang ito ah? Manliligaw pa lang. "Kain ka ng madami, huh? Don't worry, it's my privilege to bring happiness in you." Nakangiting aniya.
.
Medyo kinilig naman ako doon. Maya-maya pa ay natapos na kaming kumain. Nabusog ako sa mga binili ni Mark. Dapat ko na bang ituring ang sarili ko bilang isang Maria Clara kung papatagalin ko pa ang panliligaw sa akin ni Mark? Eh, gusto ko pang kilatisin 'tong nararamdaman ko, eh.
.
Nakarating kami sa room ng tahimik pa rin si Mood. As usual, ako nasa gitna nila. "May problema ba?" Malumanay na tanong ko kay Mood.
.
"Wala naman." Sagot niya. Hindi ko alam pero parang may iniiwasan sya.
.
Tumango na lang ako bilang pagsang-ayon. Ayoko ng makadagdag sa problema niya.
.
Mabilis natapos ang klase at lumabas kami ni Mark kasama si Mood ng classroom. Naabutan namin sa tapat  si PJ na nag-aantay.
.
"Antagal mo!" Inis na singhal niya.
.
"Edi yung professor namin 'yung sisihin mo!" Inis din na singhal ko pabalik. Mabilis pa sa alas kwatro na ibinato niya sakin yung bag niya.
.
"Pwede mong iabot ng malumanay." Walang kagatol-gatol na sambit ni Mark.
.
"Wala kang paki." Saad naman ni PJ.
.
Hindi na sya pinansin ni Mark at bumaling sa akin. "Ako na ang magdadala niya---" di na niya natuloy ang sasabihin niya ng putulin agad ni PJ ang sasabihin niya.
.
"Hep! Hep! Hep! 'Wag mo ng subukan na hawakan pa 'yan! Hindi ikaw ang alalay ko." Mapang-asar na ani ni PJ.
.
Tututol pa sana si Mark ng mag-salita na ko. "Hayaan mo na, Mark. Kaya ko naman 'to."
.
Nagkibit-balikat na lang sya tsaka sumunod. Nagtataka ako kung sa'n ba kami papunta. Nang makarating sa locker room ay agad syang nag palit. May practice game pala sila nila Mood ng Basketball. Ayos na rin iyon. Tutal si Mood na lang ang susuportahan ko.
.
Nang makarating sa gym ay nagsalita agad si PJ. "Ngayon, pauwiin mo na 'yang alalay mo, alalay." Hindi ko maintindihan ang gusto niyang i-punto. Si Mark ba 'yung tinutukoy niyang alalay ko? Eh, sino pa nga ba? Ang shunga lang! Si Mood naman kasi umihi muna.
.
"Anong sabi mo?!" Inis na bulyaw ni Mark Kay PJ.
.
"Hahahahahaha. 'Di ka lang pala mukhang alalay, bingi ka pa." Mapang-asar na saad ni PJ.
.
"Ano bang pinag-sasabi mo dyang demonyo ka!" Inis rin na singhal ko sa kanya.
.
"Ang sinasabi ko, alalay na nga kita, may alalay ka pa! Aba, ang kapal ng mukha mong bakla ka. Magkano ba bina-bayad mo dyan?!" Pagmamalaki niya. Uy, below the belt na 'yun ah! Bago pa 'ko makapag-salita nauna ng mag-salita si Mark.
.
"Aba, gago ka pala talaga, eh!" Papunta na 'yung kamao ni Mark Kay PJ ng hatakin ko sya dahilan para medyo matumba pa sya. "Bitawan mo 'ko." Maistriktong ani ni Mark. Nakakatakot sya grabe.
.
"Please, calm yourself, Mark. Ako na ang nakiki-usap." Pagmamaka-awa ko kay Mark.
.
"Bitaw." Mas malumanay na saad niya pero nando'n pa rin 'yung pagiging strikto.
.
"Sige, bitawan mo 'yang gagong 'yan para magka-alaman na!" Pag-gatong pa ni PJ. Punyeta naman, oh.
.
Tumingin ako ng sobrang sama kay PJ tsaka bumaling ulit kay Mark. "Mag-usap muna tayo." Mahinahon kong sambit kay Mark na galit na galit 'yung mata.
.
Habang hinahatak ko sya palabas ng gym na nakatingin pa rin kay PJ. Maya-maya pa ay may sinambit na naman si PJ. "Subukan mong lumabas sa gym na 'to kasama niyang pinagmamalaki mong lalaki mo, sisiguraduhin kong hindi mo magugustuhan ang mangyayari!" Pagbabanta niya na naman.
.
As if naman na natakot ako sa kanya. Kaya nagpa-tuloy pa rin ako sa paghatak kay Mark. Nang makalabas sa gym ay hinarap ko na si Mark. "Palampasin mo na muna." Utos ko kay Mark.
.
"Sorry." Pag-hingi niya ng paumanhin kasabay ng pagbuntong hininga. "Hindi ko lang nagustuhan 'yung tabas ng dila ng gagong yun eh. Gusto lang kitang ipag-tanggol." May pagsu-sumamong saad niya.
.
"Naiintindihan ko naman 'yun, Mark. Ang totoo niyan, malaki pa nga ang pasasalamat ko sa ginawa mo. Pero sana, pag-pasensyahan mo muna. Paano na lang kung sa'yo pa may mangyaring masama? Mas hindi ko naman gugustuhin 'yun." Mahabang litanya ko sa kanya.
.
Bumuntong muna sya bago nagsalita. "Fine, fine." Tugon niya. "Pero sa susunod na sabihan ka pa niya ng ganun, hindi ko na papalampasin 'yun. Babasagin ko na talaga yung pagmu-mukha nun!"
.
Pina-uwi ko na lang muna si Mark para walang gulo. Kasalukuyan akong naka-upo sa bench ng team nila PJ ng may lalaking lumapit sa akin. "Hi." Naka-ngiting bati nung lalaki sa akin. Hindi katangkaran pero mas matangkad sa akin. Moreno. Pwede ng ideal man.
.
"Hello." Naka-ngiti ko ring bati.
.
Habang nag-uusap kami ng mga bagay-bagay ay may lumapit sa amin. "Aalis ka sa tabi niya o padu-duguin ko 'yang mukha mo." Seryoso pero matalim na tinig ang sambit ni PJ sa kausap ko.
.
Wala ng nagawa ang lalaki at umalis na lang. "Ano bang problema mo?" Tanong ko.
.
"Wala ka na dun." Saad niya. Tsaka bumalik na sa laro. Nakaka-inis sya. Hindi ko na sya maintindihan. Kapag may gustong kuma-usap sa aking lalaki ay binabantaan niya. Hindi ko na lang sya kakausapin para ipakita na nabi-bwisit na ko sa kanya. Ano bang karapatan niya? Alalay niya ko, hindi anak.
.
Mabilis natapos ang laro nila at hindi rin kami masyadong nakapag-usap ni Mood dahil nga masama pa rin ang aura niya. Dagdagan mo pa ng pangingisali ni PJ kapag nag-uusap kami.
.
Nandito kami ngayon sa sasakyan niya dahil gusto raw niyang samahan ko syang kumain. Nakaka-inis, may mga kaibigan naman sya. Pero hinayaan ko na lang dahil ayoko ngang may lumabas na tinig galing sa bibig ko.
.
Kasalukuyan siyang nagdi-drive ng may itanong sya. "Anong gusto mong kainin?"
.
Deadma mode: On
.
Maya-maya pa ay nag-tanong na naman sya. "Sige, ako na lang maghahanap."
.
Deadma mode: On
.
"May gusto ka bang puntahan pagka-tapos nito?" Tanong na naman niya. Bahala syang mamatay sa kakadaldal niya. Wala akong paki.......
.
Deadma mode: On
.
Kumain kami sa "Rib n' Shack" na resto. Masarap naman pero ayokong ipakita sa kanya na okay na kami. Bahala sya. Nakaka-inis.
.
Nang maka-uwi ay binuksan ko na agad ang pinto ng sasakyan niya tsaka mabilis na bumaba. Hindi pa ko nakakapasok sa gate ng mag-salita sya.
.
"Fine! I'm sorry!" Bumuntong hininga sya bago nagpatuloy. "It's just that, hindi ko alam kung ano itong nararamdaman ko kapag may nalapit sa'yong lalaki. Just, trust me."
.
Hindi ko talaga sya maintindihan. Sige, ako na ang slow. Maglalakad na sana ako ng muli syang mag-salita. "Hey, sige. I admit, it's my fault. Kasalanan ko na. Hindi ko na uulitin kung ano man ang ginawa ko basta 'wag mo na uulitin ang hindi pag-pansin sa'kin."
.
Naramdaman ko naman na sincere sya kaya binigyan ko na sya ng isang tipid na ngiti. Pero hindi pa rin ibig sabihin nun ay okay na kami.
.
Itutuloy....

The MVP's Happy Pill [BxB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon