Chapter 12: Secret Admirer: Mac?

1.7K 85 0
                                    

[Kyle's POV]
.
Papunta ako sa locker ko para kumuha ng gamit ko. Pagkabukas ko ng locker ay nagulat ako sa aking nakita. "What's this for?" Bulong ko sa sarili ko.

May nakita kasi akong isang rose na kulay pula tapos may maliit na letter ang kasama. May kasama pa syang chocolates. 'Dapat ba 'kong kiligin? Pero pano kung pinagti-tripan lang ako? Hayys. Bahala na nga.'
.
Kinuha ko na lang ang mga nakalagay sa locker ko at mabilis na dumiretso sa room. Umupo na ko sa upuan ko dahil wala pa naman masyadong tao. Wala pa nga si Mood tsaka Mark. Inilabas ko yung letter kanina tsaka binasa.
.
"To my Kyle,
.
Hey, Kyle Angelo Martinez. Have a great day and, I like you.
.
- From Mac"
.
'Huh? Sino kaya 'to?' Mac, eh wala naman akong kilalang Mac eh. Kanino kaya manggagaling ang mga 'to? Pero kahit papano na-appreciate ko naman.

Pagkatapos kong basahin ang letter ay may isang ngiting gumuhit sa aking mapupulang labi. Akala ko I'll never receive this kind of stuff in my entire life. Pero it just happened. Sa isang hopeless romantic na baklang kagaya ko?
.
Maya-maya lang ay dumating na ang iba naming kaklase at dumating na rin si Mark at si Mood. Napapansin Kong mas nagiging close sila. Natuwa naman ako sa isiping iyon.
.
"Uy, ano 'yan?" Tanong ni Mood sabay hablot sa flower at chocolate ko. "Flower and chocolate? When have you start receiving these things?"
.
English nanaman sya! "Actually, ngayon lang. I don't know who gave these to me but at least I love it. Biruin mo, sa isang baklang katulad ko may magbibigay ng ganito." Sagot ko. "Eto nga oh, may letter pa." Sabay abot ko ng letter kay Mood.
.

"Mac? I can't remember any people named Mac." Sagot naman ni Mark na nakangiting parang weird ang dating.

"Ako rin naman. Pero, it's romantic, isn't it?"
.
"You see it as romantic?" May pagkasupladong sagot ni Mood. "Eh, mas romantic pa ko sa ganyan eh."
.
Nagulat naman ako sa sinabi ni Mood. "Oh, edi ipakita mo!" Mapang-asar kong tugon.
.
"Sure!" Confident na sagot ni Mood. Si Mark naman nakikitawa lang.
.
Kinabukasan ay pumunta ulit ako sa locker ko. Pagkabukas ko ay muli na naman akong nagulat sa bumungad sa harapan ko. Isang maliit na teddy bear na may kasamang letter ulit. Mas lalo naman akong kinilig.
.
"Kanino galing 'yan?" Nagulat naman ako sa tanong ng isang pamilyar na tinig.
.

"Eh, ano bang pakialam mo?" Sagot ko. "Inggit ka lang siguro kasi walang nagbibigay sayo ng ganto." Sabay pakita ko ng teddy bear sa kanya.

"Huh, ako maiinggit? Eh, baka kapag ipinakita ko sa'yo yung mga natatanggap kong regalo sa kung KANI-KANINO ay baka magmakaawa ka pang bigyan kita." Sabi ni PJ hambog/Demonyo/Espasol.
.
"Nyenyenyenye.. Eh, bakit ba? Ano naman? Tsaka, 'wag mo ngang sirain ang araw ko!" Naiinis kong saad.
.
Nakangiti naman akong naglakad paalis. "Teka, kinikilig ka ba?" Tanong niya sa'kin.
.
"Eh, pano kung sabihin Kong oo?"
.
"Huh!" Singhal niya. "Ng dahil lang dyan kinikilig ka na? Eh, wala ngang ka-effort effort yan eh." Mapang-asar niyang saad.
.
"Talaga lang ah. If I know puro kayabangan, kahambugan, pagpapagwapo at pangbu-bully lang ang kaya mong gawin." Pang-aasar ko kay Demonyo. "Baka nga walang dumadaloy na ka-sweetan dyan sa dugo mo." Dugtong ko.
.
"Aba! Nakatanggap ka lang ng--" di ko na narinig ang mga susunod niyang sasabihin dahil mabilis na Kong lumabas ng locker room.
.

Para mawala ang inis ko ay ibinaling ko na lang ang tingin ko sa teddy bear na hawak ko. Ang cuuuteeee! Maliit at malambot na pandang teddy bear. Sino kaya yung nagbibigay sa'kin ng mga ito?

Habang naglalakad ako papunta sa bahay namin ay may mabilis na dumaang sasakyan sa gilid ko dahilan para magtalsikan yung putik na nasa gilid ko. Nangyari na 'to sakin dati. Ang pinagkaiba lang ay naiwasan ko dati pero ngayon, may putik na talaga. Grr
.
Bumukas ang bintana ng sasakyan at hindi nga ko nagkamali dahil may ulo ng demonyo ang lumabas. Kumaway sya sakin habang nakangiti ng mapang-asar. Yung good vibes na nararamdaman ko ay parang bulang bigla na lang naglaho.
.
"Sakay" sabi sakin ng demonyo. Imbis na sundin ko ang utos niya ay naghanap ako ng bagay na magagamit ko laban sa kanya.

May nakita akong malaking bato at mabilis na nagtungo papalapit sa kanya. "'Wag mong itutuloy 'yan!" Halatang takot na sambit ng espasol na demonyo.
.
"At bakit hindi? Binigyan mo ba 'ko ng pagkakataong pigilan ka sa pagtalsik ng putik na to!" Saad ko kasabay ng pagtingin sa katawan ko. Lalo lang nag-init ang ulo ko ng makita kong sobrang dumi ko na!
.
"Sige, subukan mong--" bago niya pa ituloy ang sasabihin niya ay malakas kong ibinato ang hawak ko sa bintana ng sasakyan niya. "Tarantado ka talagang crinkles ka!!!!" Sigaw niya habang natakbo ako.
.
Hindi ko alam pero ang sarap sa pakiramdam ng ginawa ko. Brutal na kung brutal pero hindi ako papayag na basta niya na lang ako maisahan. Sabi nga nila, "saltik lang ang walang ganti." Ang resulta, nasa akin ang huling halakhak.

Tumakbo ako ng mabilis na mabilis para hindi niya na ko nasundan. Paglingon ko sa likod ko ay wala na ang sasakyan niya. Agad naman akong nakahinga ng maluwag dahil sa nangyari.
.
Bago pa ko makalapit sa bahay ay may nakita na 'kong pamilyar na kotse na nakaparada sa harap nito. Kitang-kita mo ang basag na bintana nito. Makikita mo rin ang nanlilisik na mata ng lalaking nakasandal doon.
.
Bumilis ang kabog ng dibdib ko. Ayan na ata ang pinaka nakakatakot na tingin ang nakita ko. "Oh nooooooo!" Sabi ko sa isip ko.
.
Itutuloy.....

Thanks for reading. Vote and comment guys.

The MVP's Happy Pill [BxB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon