Chapter 11: Bakla o Gusto

1.8K 95 0
                                    


[PJ's POV]
.
"Uy pare, tara na! Sumama ka na sa'min sa Gym!" Si Marcus, kasama si Ino na kaibigan Kong ugok. Kanina pa nila ako kinukulit na sumama daw sa Gym para manood ng Volleyball. Eh, wala naman akong hilig dun.
.
"Ano ba! Ayoko nga, eh!" Inis kong tugon.
.
"'Wag ka na ngang mag-inarte! Manonood lang naman, eh. At tsaka andun naman yung best friend mo eh!" Pangungulit pa ni Marcus.
.
"Sinong best friend?" Di ko naman talaga kilala. Kasi sila lang yung kaibigan ko dito.
.
"Tss. Yung baklang lagi mong kaaway. Yung kyle ba yun?" Si Ino naman.
.
"A-ano naman. Pakielam ko dun. At tsaka di kami mag best friend noh." Hindi ko alam pero nung malaman kong andun yung buhay na crinkles parang nagkainteres akong manood.
.
"Eh, bakit naman kasi galit na galit ka dun? Parang anytime gusto mo na syang patayin." Si Ino.
.
Oo nga, bakit nga ba? "Hindi ko alam. Siguro kasi napapangitan ako sa kanya.
.
"Ano?! Eh, kahit bakla yun halata mo na yung ganda niya eh. Baka nga kung hindi ako straight pinatos ko na yun." Si Marcus. "Tsaka pare parang alam ko na kung bakit ka galit na galit sa kanya...." Dugtong niya.
.
"Anlibog mo talaga!" Pero maganda naman talaga si Kyle kahit pa simple lang sya. "Oh, bakit, ano yun?" Tanong ko. Gusto ko rin kasi malaman kung bat ako galit sa kanya eh.
.
"Dalawa lang 'yan pare, eh. Una, galit ka sa kanya kasi, bakla ka--" agad ko na syang pinutol.
.
"Gago ka ba! Eh, kung kutusan kita dyan!" Tawa lang ang naging tugon niya sa sinabi ko. "Oh, ano naman yung pangalawa?" Tanong ko pa.
.
"Una, bakla ka. Pangalawa........... gusto mo sya!" Mahabang tonong litanya niya.
.
Huh, ano raw? "Aba! Tarantado ka pala talaga, eh!" Sabay kutos na talaga. Si Ino naman tawa lang ng tawa.
.
"Eh, bakit--" pinutol ko na agad ang sasabihin niya.
.
"Oo na, oo na! Sasama na ko! Tumigil ka lang dyan sa kaululan mo!"
.
"Sus, if I know, gusto mo lang sumama kasi nalaman mong andun si Kyle bebe mo eh!" Tumatawang sambit ni Marcus.
.
Kahit kailan talaga 'to. Nagkibit balikat na lang ako para di na humaba pa. Di ko alam pero apektado ako sa mga sinabi niya eh.
.
Una, bakla ka. Pangalawa........... gusto mo sya!
Una, bakla ka. Pangalawa........... gusto mo sya!
Una, bakla ka. Pangalawa........... gusto mo sya!
Una, bakla ka. Pangalawa........... gusto mo sya!
.
Nang makarating kami sa gym ay hindi naman ganun karami yung tao. Nakita ko si Kyle. Kasama niya yung lalaking isa niya pang bayaran, at magta-tryout din. Mark ata yun.
.
Umupo na kami sa hindi naman kataasang pwesto para mas malapit. Sapat na para makita yung kabuoan ng laro. May mga dalawang lalaki naman na malapit lang samin na rinig mo yung pinag-uusapan.
.
Nakaka-asar naman itong dalawa kong kasama dahil sila yung nag-aya sakin pero sila tong puro daldalan at cellphone lang yung inaatupag.
.
"Uy pare, tignan mo yung Jersey number 7, ang ganda niyang babae noh." Rinig kong sabi nung isang lalaki sa kausap nito. "Oo par, makinis pa oh, mukhang masarap." Sagot nung isa naman.
.
Hindi ko alam pero nagpintig yung tenga ko sa mga narinig ko. Nakakagago yun. Kahit inis ako dun sa baklang yun, wala pa rin silang karapatan na sabihin yung mga yun. Hindi ko man lubos na kilala si Crinkles pero alam kong iba sya sa pangkaraniwang bakla. Sya nga lang yung nagsabing pangit ako, eh. Pero dahil good vibes ako, hinayaan ko na lang muna.
.
Hindi ako marunong mag-laro pero base sa pinapakita ni Kyle alam kong magaling sya. Nagpatuloy pa rin sa pag-uusap yung dalawang lalaki pero hinayaan ko na lang.
.
Nakita ko naman na si Kyle na yung magse-serve ng bola. "Uy pare, ayan sya na yung papalo." Sabi nung lalaki. "Oo nga. Tignan mo oh, simpleng tuwad pa lang habang dinidribol yung bola halata mo nang ang sarap pasukan ng alaga ko.
.
Puta! Ano raw?! Eh, gago pala to eh! Dahil sa narinig ko ay hindi na ko nakapagpigil at agad ko nang sinugod yung lalaki at mabilis na sinuntok sa mukha. Hindi rin nagtagal ang suntukan namin dahil may umawat. Kapag nagkataon papatayin ko talaga tong lalaking to.
.
"Tigilan niyo sya!" Galit na bulong ko sa kanya bago pa kami mapaghiwalay. Nanlilisik talaga yung mga mata ko. Nakakabanas.
.
Dahil sa nangyari ay napalabas tuloy kami ng wala sa oras. Alam ko namang makakapasok si kyle pero gusto ko pa ring manood.
.
Aantayin ko na lang ulit sya sa labas para ihatid. Kung hindi lang naman dahil sa kahilingan ni Daddy ay hahayaan ko na lang yang umuwi mag-isa. Nabasag pa tuloy niya yung kotse ko nung mga nakaraang araw. Kakaiba talaga sya.
.
Halos isang oras pa 'ko nag-antay dito sa labas kasama yung dalawang pugong kaibigan ko nang makita ko na syang lumabas din. Ngiting-ngiti, mukhang tama nga yung hinala ko. Pero nakita kong kasama niya yung dalawang bayaran niya. Mukhang hindi pa magkasunod eh. Hinayaan ko na lang muna dahil baka magse-celebrate.
.
"Uy pare, titig na titig ka nanaman ah." Si Marcus. "Alam mo pare dalawa lang 'yan, eh. Bakla ka, o gusto mo sya--- aray!" Dugtong niya na nabatukan ko na. Paulit-ulit. Sinabi ng wala nga dun.
.
"Ang kulit mo ah! Sinabi na ngang hindi yan yung dahilan eh!" Inis kong asar sa kanya. Nakita ko naman na sumakay na sila sa kotse nung hambog na lalaking Mood ata yung pangalan. Kahit anong ganda ng sasakyan ko ay wala talaga itong sinabi sa sasakyan niya. Yayamanin!
.
Dahil wala naman na kong gagawin ay umuwi na lang ako. Habang nakahiga ako ay iniisip ko pa rin ang dahilan kung bakit nga ba ako naiinis sa bakalng crinkles na yun. I'm not homophobic by the way kaya nakapagtataka.
.
Una, bakla ka. Pangalawa........... gusto mo sya!
Una, bakla ka. Pangalawa........... gusto mo sya!
Una, bakla ka. Pangalawa........... gusto mo sya!
.
Putcha! Ayan nanaman!
.
Itutuloy.....
.
Ano nga kaya ang dahilan ng pagka-inis ni PJ kay Bidang Kyle?
.
Thanks for reading!

The MVP's Happy Pill [BxB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon