Chapter 9: Lesson: 'Wag magloko sa Gutom

1.7K 90 1
                                    


[Kyle's POV] 
.
Last subject na namin ng tinawag ako ng aming professor, "Mr. Martinez, the dean wants you to meet him in his office now."
.
Agad naman akong tumayo at pumunta sa office. Kumatok muna ako tsaka pumasok.
.
"Good afternoon, dean!" Nakangiti Kong bati. Agad naman niya akong pinaupo.
.
"The reason that you are here is because of the tutor session for my son, PJ." Tumango naman ako para ipakitang naiintindihan ko. "I just want to inform you that the tutor session will not start today, but, next week." Pagpapatuloy niya. Bigla naman akong nakaramdam ng saya pagkatapos niyang sabihin yun.
.
Sinabi niya sa'kin ang dahilan kung bakit kailangang i-move. Naintindihan ko naman ito. Nagpapasalamat pa nga ako dahil madedelay ang demonyo sa paligid ko ng isang linggo. Hehehehehehe.
.
Pagkabalik ko sa room ay sakto namang palabas ng isang babaeng nakasalamin. Mukhang nag-announce lang ito. Pagkaupo ko sa aking upuan ay bigla namang nag-salita si Mark. "Uy, Kyle, may try-out na ng Volleyball bukas! Come on let's try!" Nakangiti niyang saad.
.
"Really? Okay, namiss ko na ring maglaro eh. Hays. Sana lang magaling pa ko! Hahaha" natatawa kong saad.
.
"Nice! Sabay tayo punta ah, saan meeting place natin?" Tanong niya.
.
"Dun na lang sa Cafeteria." Tugon ko.
.
Maya-maya pa ay tapos na ang aming klase at uwian na. Naglalakad kaming tatlo nila Mood at Mark habang nagkekwentuhan.
.
Nauna nang makauwi ang dalawa dahil sa kanya-kanyang kotse nito. Nakaka-inggit lang. 
.
Habang nag-aantay ako ay may bumusinang kotse sa gilid ko. Di nagtagal ay may lumabas na ulo ng demonyo. "Sakay." May striktong saad nito.
.
Tinignan ko lang sya tsaka inirapan. Medyo matagal na pero hindi pa rin sya umaalis. May dumating na jeep at agad ko naman iyong pinara pero mabilis niyang iniharang ang kotse niya doon. Walang nagawa ang driver kundi ang umalis na lang.
.
Sa sobrang inis ay naghanap ako ng bagay na pwedeng magamit sa kanya. Nagugutom na ko ng sobra at gusto ko na talagang makauwi. Kaya nang makakita ako ng bato na kasing laki ng kamao ko ay agad ko itong pinulot.
.
Lumapit ako sa kanya para bantaan sya. "Aalis ka na o babasagin ko yang pinagmamalaki mong sasakyan?" Mataray Kong saad habang nakataas pa ng kilay.
.
Nagugutom na talaga ako kaya ayusin mo ang sagot mo!!!!
.
Tinitigan niya lang ako ng blankong ekspresyon bago nagsalita. "Sakay" walang kagana-ganang sagot nito.
.
Aba! Akala siguro neto hindi ko kayang gawin yung ssinasabi ko ah. Kapag gutom ako wag mo kong hinahamon!!!! Tinarayan ko lalo sya.
.
Umatras ako ng konti tsaka bumwelo. Binato ko yung hawak kong bato na kasing laki ng kamao ko sa harap ng sasakyan niya ng ubod ng lakas.
.
Nakita kong nanlaki yung mata niya sa gulat dahil sa hindi inaasahang ginawa ko. Agad naman akong tumakbo para makalayo ako sa demonyong nakasakay sa basag ng salamin.
.
Halo-halo ang emosyon ko. Tumatalon-talon yung puso ko sa galak pero kinakabahan na yung utak ko. 
.
'Paano na lang kung ipapatay niya ko?!??!'
'Paano kung ipagahasa niya ko??!?!' 'Omg!!! I don't wanna die virgin!!!'
.
Mga pumasok sa utak ko habang nagagalak ang puso ko. Baliw lang diba?!
.
'Eh, bakit?! Binalaan ko naman sya ah? Sya rin yung nangungulit sa'kin!' Sabi ng utak ko. 'Kasalanan niya yun. Gutom na gutom na ko eh!'
.
Lumingon ako sa likod ko at nakita ko yung sasakyan niyang hinahabol ako. Malapit na sya ng makakita ako ng eskinita. Agad naman akong pumasok doon. 
.
Masikip...
.
Madumi....
.
Mabaho...
.
Ganyan ko ilarawan ang lagusan ko.
.
Charooooot! Syempre paglalarawan ko yan sa lagusan nang eskinitang pinasok ko. Nakakatakot. Dikit dikit na maliliit na bahay na puro gawa sa kahoy. 
.
Babalik na sana ako nang maalala ko yung demonyong sumusunod sa akin. Lumingon ako sa likod ko at nakita ko yung demonyo na nakasunod sa akin pero medyo malayo pa.
.
Tumakbo ulit ako at naghanap ng matataguan. Takbo ako ng takbo ng bumangga ako sa isang lalaki.
.
Moreno, matangkad, maganda ang hubog ng katawan at may laban ang itsura. Nakita kong parang aambahan niya ko ng magsalita sya. "Ayos ka lang ba?" Nakahinga naman ako ng maluwag. Kasing-luwag ng lagusan ko. Chz
.
"A-ayos lang ako." Tugon ko na lang. "Sorry" dugtong ko pa. 
.
"Parang nagmamadali ka? San ba ang punta mo? Bago ka lang sa paningin ko dito ah. " 
.
"Ah, oo, eh. Mahabang kwento." Hinatak ko na sya agad. "Pwede bang itago mo muna ako, may tinataguan ako. Bilis! Mamaya na ko magpapaliwanag" saad ko habang natakbo kami.
.
"Saglit, bakit ikaw ang nauuna, hindi mo naman alam ang lugar na to." Natauhan ako bigla. "Tara dito!" Hinatak niya ko sa mas masikip na eskinita.
.
Pumasok kami sa isang maliit na bahay ngunit malinis. Kulay asul na sementadong bahay ngunit renolyum lamang ang gamit sa kanilang aapakan.
.
Pinaupo niya ko sa kahoy na sofa at kinuhaan ng maiinom. Ako naman tong hingal na hingal. "Oh, inom ka muna." Uminom naman ako. "Ano ba talaga ang nangyayari?" Tanong niya ulit.
.
Gutom na gutom na talaga ako. "Teka lang, pwede ba mamaya na yan. Nagugutom na talaga ako, may pagkain ka ba dyan?" Daing ko. Pakapalan na ng mukha wala akong paki basta nagugutom na ako. "Don't worry, babayaran ko yan."
.
Pailing-iling naman syang naglakad sa malapit lang nilang kusina habang natatawa. "Alam mo, kakaiba ka!" Sabi niya habang nakuha ng pagkain at natatawa pa.
.
"Sorry, nagugutom lang talaga ako. Bwisit naman kasi eh." Sabi Kong medyo naiinis pa.
.
Maya-maya pa ay dumating na sya na may bitbit na pagkain. Kanin na may pinritong manok. Ayos!
.
Habang nakain ako ay bigla syang nagsalita. "Ngayon, pwede ka na bang magkwento?" Tanong niya. Ayoko pa sanang magkwento kaya lang nakakahiya na sobra. Baka isipin niya nakikain lang talaga ako.
.
"Ganito kasi yun. May nakabanggaan akong demonyo dati. Lalaki pala....."
.
Kinwento ko sa kanya lahat ng eksena namin ni Espasol hanggang sa umabot ako sa nangyari kani-kanina lang na pagbasag ko sa sasakyan niya. Nakakainis nga dahil walang ibang ginawa itong kasama ko kundi tumawa lang.
.
"Ah, may pagkain pa ba dyan?" Tanong ko pa ulit.
.
Kumunot naman yung noo niya. "Naku, wala na, eh. Teka lang, bibili lang ako ah."
.
"Wag na! Sobrang nakakahiya na. Ayos lang. Baka wala naman na kasi yung humahabol sakin eh. Uwi na rin ako. Hinahanap na ko ng mama ko sa malamang." Saad ko. 
.
Tumayo na ko tsaka kumuha ng pera ko sa wallet. Inabutan ko sya ng 100 pesos. "Naku, wag na. Bukal naman sa loob kong tulungan ka." Saad niya.
.
"Sige ikaw bahala." Sagot ko agad. Sayang eh, 100 din yun. Hahhahaha. "Ah, una na pala ako. Salamat."
.
"Hatid na kita." Hindi na sana ako papayag kaya lang nauna na sya at nagpumilit na. Wala na kong nagawa. Hinatid niya ko sa labas at doon nakita ko yung basag na sasakyan ni PJ habang nakatayo doon. Pursigido talaga syang magantihan ako.
.
Itutuloy.
.
Thanks for reading❤

The MVP's Happy Pill [BxB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon