Chapter 8: Pikon na Espasol

1.8K 99 0
                                    

[Kyle's POV]
.
Naglalakad na 'ko ngayon papasok sa room ko at para akong lantang gulay. Di ko kasi makalimutan yung sagutan nila Mood, Mark at PJ kahapon.....
.
[Flashback]
.
Pagkalabas ko ng pinto ay bumungad sa'kin ang dalawa kong matatalik na kaibigan. "Oh, kamusta?" Tanong ni Mark. "May ginawa na naman ba sa'yo yung hambog dyan sa loob?" Tanong din ni Mood.
.
"Ano ba kayo, ayos lang ako. May pinagawa lang sa'kin si Dean."
.
"Ano naman 'yun?" Tanong nilang dalawa.
.
Di ko alam kung sasagutin ko dahil malamang hindi sila agad papayag lalo pa't si Hambog yung itu-tutor ko.
.
"Magiging tutor ko na sya simula ngayon." Walang ekspresyong sambit ng tao sa likod ko. Di ko namalayan na andyan na pala sya.
.
"Ano?!" Sabay na sigaw ni Mood at Mark.
.
"Bakit, may problema ba kayo dun?" Mayabang na tanong ni Hambog. Di ko naman alam ang sasabihin ko.
.
Oo. At hindi kami papayag na i-tutor ka niya!" Sabi pa ni Mark na sinang-ayunan naman ni Mood.
.
"At bakit naman, ano ba kayo neto?" Tukoy sakin ni PJ.
.
"Ka...kaibigan! Tsaka wala kaming tiwala sayo! Alam naming hindi maganda ang gagawin mo sa kanya!" Singhal ni Mood.
.
Magsasalita pa sana ako ng putulin ko na ang pag-uusap nila. "Tama na 'yan! Wala namang mapapala 'to kung mag-aaway pa kayo dyan!" Kasabay ng pagtalikod ko para umalis.
.
"Oh, san ka pupunta?" Sabay na tanong ni Mood at Mark. Si PJ naman nakatingin lang sakin.
.
"Uuwi na!" Sigaw ko sa kanila. Naglalakad na 'ko ng magsalita ulit ang dalawa.
.
"Hatid na kita!" Si Mark at Mood.
.
Magsasalita pa sana ako ng lumapit sa'kin si PJ at hinatak ako sa'king braso. "Huy! Sa'n mo 'ko dadalhin?" Matapang na saad ko sa kanya.
.
"Ihahatid ka!" Singhal niya ng hindi natingin sa'kin.
.
"Ano?" Sabay na sabi nila Mark at Mood. "Hindi pwede! Ako maghahatid sa kanya!" Sabay ulit sila.
.
Tumingin sa'kin si PJ. "Binilinan ako ni Daddy na kailangan kong makita ang bahay niyo. Para kung sakaling tapos na tayo sa pagtu-tutor ay mahatid kita." Sabi niya na nagpapayag sa'kin.
.
Wala nang nagawa ang dalawa at umalis na kami ni PJ dun sa pwesto na 'yun. Narandaman ko naman 'yung braso ko na hawak niya pa rin kaya inalis ko na.
.
Agad naman siyang pumasok sa sasakyan niya habang ako ay nakatayo pa rin sa tapat ng bintana niya. "Ano mag-aantay ka pa ng lalaki dyan?!" Sabi niya habang nakasilip sa bintana.
.
Di na ko sumagot dahil baka magsabunutan lang kami dun. Pumasok na lang ako. "Tss. Kahit pagiging gentle man hindi man lang nakuha, may maganda pa kaya sa taong 'to?!" Inis na bulong ko.
.
"Alam mo, kapag bumubulong ka, pakilakasan pa! Hindi ko marinig." Sarkastiko niyang saad. "At isa pa, etong mukhang to ang patunay na may maganda sa'kin!" Inis na singhal niya.
.
Aba! Di lang naman pala to hambog eh. May lahing tsismosa din dahil ang tindi ng pandinig! "Tss!"
.
Tinuro ko na lang ang bahay namin para matapos na. Baka pag naurat ako batuhin ko ulit sya ng bottled water. Natawa tuloy ako ng mahina.
.
"Anong nakakatawa?!" Inis na sabi niya.
.
Tinignan ko lang sya. Halatang lalo syang nainis. Hunarap na sya sa daan pero tinititigan ko pa rin sya. Aha! Dito ka pala naaasar ah, pwes! HAHAHAHAHAHAHAHAHA.
.
"Alam kong gwapo ako! Wag mo nga kong pagnasaang bakla ka!" Inis na sya. Hahaha buti nga.
.
Kahit naiinis na sya tinititigan ko pa rin sya. Ganyan nga. Maasar ka! Hahahahaha.
.
Aambahan niya 'ko ng suntok kaya napaiwas na ko ng tingin. Di ko na lang sya pinansin hanggang makauwi kami sa bahay.
.
Wala talagang galang. Hindi manlang nagba-bye oh ano. Basta na lang umalis.
.
[End of Flashback]
.
"Kyle!" Sabi ni Mood habang niyuyugyog ako.
.
"Oh, bakit?"
.
"Kanina pa kita tinatawag. Di ka naman nasagot. May problema ba?"
.
"Ah, wala! May iniisip lang."
.
"Sabihin mo sa'kin kung ano. May ginawa ba si PJ sayo?! Sabihin mo lang reres-" pinutol ko na agad yung sasabihin niya.
.
"Ano ka ba! Walang ginawa sakin si PJ! Sya pa nga yung napikon sakin eh!"
.
Dumiretso na kami ni Mood sa room at tumabi samin si Mark. Simula nung enkwentro sa Canteen ay samin na natabi si Mark. Di ko nga alam kung bakit ako lagi yung nasa gitna eh.
.
Mabilis natapos ang dalawang subject namin kaya't lumakad na kami papuntang canteen. Medyo nasasanay na ko sa tingin ng mga haliparot na parang higad na mga babae. Pa'no ba naman kasi, dalawang hunks lang ang kasama ko!
.
"Ako na lang bibili. My treat!" Sambit ni Mood.
.
Nakakahiya na! Andami ko nang ipon kasi hindi na ko makagastos dahil sa dalawang 'to. Sinabi ko na yung gusto kong kainin.
.
Hindi nagtagal at dumating na rin si Mood. Nagsimula na kaming kumain ng makarinig kami ng mga higad na parang kinikiliti.
.
"Giiirls! PJ is here!!!!!"
"Omg! He's so hot!!!!"
"I'm sure he's gonna marry me!"
.
Lalandi talaga! Ako nga tong bakla eh, hiyang hiya sa ganyan tapos sila akala mo asawa na.
.
Pinagpatuloy lang namin ang kinakain namin ng may lumapit na tatlong lalaki samin. "Hoy, crinkles! Ipapaalala ko lang yung tutor session natin. Mamaya na yun!" Singhal ni Hambog sakin.
.
"Oo! Anong akala mo sakin ulyanin! Tsaka tigilan mo nga ko sa kaka-crinkles mo! Espasol!"
.
"Aba't!" Akma naman syang pasuntok sakin.
.
"Subukan mo! Isusumbong kita sa Daddy mo!" Tugon ko!
.
Wala na syang nagawa kundi ang umalis.
.
"Konti na lang talaga mapapatulan ko na 'yun!" Sabi ni Mood.
.
Hinawakan ko na lang yung kamay niyang nakapatong sa table para kumalma sya. "Yaan mo na."
.
Tinanggal naman ni Mark yun. Wala na Kong nagawa at pinagpatuloy na naming ang pagkain.
.
Mabilis kaming natapos at bumalik na sa room namin. Naging maganda ang oras ng klase ko.
.
Itutuloy....
.
Thanks for reading!

The MVP's Happy Pill [BxB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon