Chapter 6: Deadma mode: Died

1.8K 131 0
                                    

[Kyle's POV]

Mabilis natapos 'yung first two subjects namin at break time na. Naglakad na kami ni Mood para pumunta sa Canteen. Saglit na kwentuhan lang at tawanan ang ginawa namin at narating na namin ang canteen.

Napapansin kong nagtitinginan 'yung mga babae dito sa loob ng canteen sa'min. Malamang dahil yun kay Mood. Agaw pansin naman kasi talaga sya.

Nang maka-upo kami ay nagtanong na sya, "What do you want to eat?" Tanong niya. Ayan nanaman sya sa kaka-english niya. Kaloka!

"Kung ano na lang sa'yo." Tugon ko. Tumayo sya sabay sabing sya na bibili. Inabot ko yung pera ko sa kanya pero di niya yun pinansin at pinagpatuloy ang pagpunta sa canteen.

Nagbabasa ako ng marinig ko ang bulungan ng malalanding babae. "Look girls, andyan na si PJ! Ang gwapo niya talaga!" Malanding saad ng isa. "Sinabi mo pa. Pero pogi rin yung mga kaibigan niya noh!" Nang marinig ko yung pangalan ng hambog, nagsimula nanamang mag-init yung kalamnan ko. Pakibilis Moood

Tumingin ako sa direksyon niya at nagtama ang tingin namin. Nakita ko ang inis sa mata niya kaya naman tinirayan ko lang sya.

Deadma mode: on

Naramdaman kong umupo sila sa gilid ng table namin. Bwisit naman, nang iinis ba talaga sya? "Oh, look who's here!" Sambit niya kaya napalingon ako sa kanya.

Tinaasan ko lang sya ng kilay tsaka muling pinagpatuloy ko na lang 'yung pagbabasa ko ng story.

Deadma mode: Still on

"Aba, wala ata yung super hero mo." Alam kong si Mood yung tinutukoy niya. "Siguro wala ka nang pangbayad noh?" Dagdag niya.

Deadma mode: Still on

"Can I join you?" Tanong ng isang lalaki. Napataas ako ng ulo, si Mark! Omg! Namumula na ata ako.

"Ah, yeah, of course!" Tugon kong natataranta. Agad naman siyang umupo.

Pinagpatuloy ko na lang ulit ang pagbabasa ko dahil ang ganda na ng story. "Wala ka bang kasama?" Tanong ni crush, si Mark.

"Ah-eh meron. Si Mudille, remember him?" Tumango naman sya bilang pagsang-ayon.

Bigla nanaman nagsalita 'yung demonyo sa gilid ko. Sino pa nga ba, edi si PJ! "Aba, kaya naman pala wala yung super hero kasi may bago nang nabili. At mas malaki pa talaga ang katawan ng pinili ah, iba rin!" Nang aasar niyang sambit sa hangin. Narinig ko namang nagtawanan yung dalawang ugok niyang kasama.

Deadma mode: Still on; Almost dying

"Ahm, asan nga pala si Mudille?" Tanong ni Mark. Nahihiya talaga ako kaya hindi ako makapagkwento. Hays.

Tumingin ako sa kanya bago magsalita. "Ah ayun ba, sya na kasi bumili ng pagkain namin, eh. Medyo natagalan lang." Nakita ko ang haba ng pila.

Maya-maya nagsalita sya, "I heard, you love playing volleyball?" Nakakahiya kung magbabasa lang ako kaya tinago ko na ang phone ko tsaka ngumiti sa kanya.

"Ah-yeah. I also heard, you love playing volleyball?" Nakangiti kong sambit.

"You also love music." Sambit niya.

"You also love music" panggagaya ko sa kanya.

Natawa na lang kami sa kalokohan namin.

Hindi nagtagal ay dumating na si Mood. Tumikhim si Mood dahilan ng paglingon din ni Mark sa kanya.

"Ah, Mood, si Mark nga pala. Mark, si Mood." Pagpapakilala ko sa kanila at nag-kamayan. "He want to join us here." Dugtong ko kay Mood.

"Sure!" Nakangiting sabi ni Mood.

Maya-maya ay may bumulong nanaman na demonyo sa paligid. "Aba! Akala mo 'yun, mukhang maraming pera ah. Dala-dalawa pa!" Mapang-asar na sambit nanaman ni PJ.

Tarantado. Pero....

Deadma mode: Still on; Almost dying

Naikwento namin ni Mood kay Mark ang tungkol sa banggaan namin ni PJ Hambog pati na rin yung sagupaan namin sa CR ng Korean resto kaya tawa lang kami ng tawa. Patuloy pa rin sa pagbulong bulong yung demonyo sa paligid pero deadma mode is on pa rin.

"Ano, resbakan na ba natin?" Tanong ni Mark sa akin.

Natawa naman ako. "Naku! Hindi na, gaya ng mga naikwento ko, kaya ko sya. Hahahaha! Sya pa tong masasaktan sakin." Natawa naman din sila.

Napansin kong ubos na yung pagkain namin kaya nagpresenta na kong bumili pa dahil nagugutom na rin ako. Nagpresenta naman sila na samahan din ako pero di na ko pumayag.

Nang tumayo ako ay napansin kong madadaanan ko ang table nila Hambog. Wala na kong magagawa kaya pinagpatuloy ko na lang ang aking paglalakad. Nang nasa gilid na ko ng table nila hambog ay bigla syang tumayo kasabay ng pagtapon ng Iced Tea sa polo ko.

"Ooops... Sorry, di ko sinasadya." Medyo nang-aasar niyang sambit kaya alam kong sadya yun. Nakita ko rin kasi na natawa yung mga ugok na kasama niya.

Napa-tango na lang ako tsaka ngumisi dahil may naisip akong gawin. Bumalik ako sa table namin at nakita ko silang galit na galit.

"Don't worry, gaganti ako." Sabay ngisi. Ngumiti na lang sila sa akin. Nagpunas muna ako ng towel sa damit ko. Tengene

Deadma mode: Died

Kinuha ko yung iniinom kong Iced Tea kanina, may laman pa naman. Kinuha ko din yung chocolate na kinakain ni Mood at nilagay ko din sa basong may Iced Tea. Dinurog ko 'yun habang nakangiti. Nakita ko ring nasisiyahan sila Mood sa ginagawa ko.

Nagsimula na Kong maglakad para sa plano ko. Nang malapit na ko sa table nila hambog ay nagkunwari akong napatid at tinapon iyon sa buong ulo ni PJ kasama na rin ang polo niya.

Success.

Nakita ko kasi yung inis sa mukha niya. "Oooops.... Sorry, hindi ko sinasadya." Panggagaya ko sa sinabi niya kanina. Narinig ko naman ang pag 'ooooh' ng mga kaibigan niya kaya lalo akong nangisi.

Hinding-hindi ako magpapa-under sa mga katulad niyang tarantado.

Lumapit sya sa akin na parang nanghahamon. Hindi naman ako magpapatalo kaya nilakihan ko sya ng dibdib ko atsaka tinaasan ng kilay.

"Nananadya ka ba?" Tanong niyang inis. Nakadikita na sya sakin na gusto na kong bugbugin.

"Wooooow! Nung tinapunan mo ba ko ng Iced Tea mo nagreklamo pa ba ko nung nag-sorry ka tsaka nagsabing hindi sinasadya yun?!" Mas inis kong tugon. Napa 'oooohh' na naman 'yung mga kaibigan niyang gunggong.

Magsasalita pa sana si Hambog ng dumating si Mood kasama si Mark. "Tama na 'yan" Sabi ni Mood.

"Aba, talagang may super hero nga itong Crinkles na 'to oh!" Sambit ni Hambog.

Hinawakan ko ang braso ni Mood para pakalmahin sya at naintindihan niya naman iyon. "Ako na lang ang bibili ng makakain natin. Mark, upo na lang ulit kayo." Kalmadong sabi ni Mood samin ni Mark. Umupo na lang kami para wala nang gulo.

Narinig kong bumulong si Hambog pero hindi na namin iyon pinansin.

Nang makaupo kami ay tumawa si Mark. Tumingin ako sa kanya ng nagtatanong. "Ibang klase ka! Hahahahah" tawang tawa niyang sambit.

"Tss." Sambit Kong natatawa.

Natapos kaming kumain na puno ng kwentuhan at tawanan. Siguro dahil iyon sa nangyari kanina. Ramdam ko ang gaan ng loob ko sa kanilang dalawa. Para bang matagal na kaming magkakakilala.

______

Don't forget to vote, lalabs!

Isang click na lang gagawin niyo 'wag nang umarte! Bayad niyo na lang sa'kin yun. Thanks.

The MVP's Happy Pill [BxB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon