Chapter 7: Blessing

1.8K 107 0
                                    

[Kyle's POV]
.
It's Saturday! As usual, ang BORING!
.
"Anak, eto oh, bili ka muna ng pang-ulam natin!" Sabi ni mama habang pinupunasan yung lamesa namin.
.
"Ma, ano to? 100 pesos? Anong ulam gusto mong bilhin ko dito?" Tugon ko.
.
"Naku, anak! Pagkasyahin mo na muna, wala pang naiaabot ang papa mo sa'kin, eh. Tsaka kailangan nating magtipid."
.
Lumabas na 'ko ng bahay para bumili ng uulamin namin. Naalala ko yung magandang balita ni Mama kagabi.
.
[Flashback]
.
"Oh baby, andito ka na pala. Magbihis ka na at may ipapakita ako sa'yo." Excited na saad ni mama.
.
Umakyat na agad ako dahil mukhang magandang sorpresa 'yan galing Kay Mama. Pagkababa ko nakapwesto na si mama at papa sa aming sofa at inaantay ako.
.
"Oh anak, Tara na rito, may sasabihin daw sa'tin ang mama mo." Si papa.
.
Umupo na ko sa tabi ni Papa at inantay ang sasabihin ni Mama. May inilabas si Mama na Pregnancy Test at dun na ko nakapansin ng kakaiba. Sana tama ang iniisip ko.
.
Tinignan namin iyon ni Papa at nakita kong may dalawang guhit. Tinignan namin ni Papa si Mama at nakita naming sobrang saya niya.
.
"Buntis ka ma?" Sabay na sambit namin ni Papa na nakangiti.
.
Tumango si Mama bilang tugon kaya't napatayo kami ni Papa at niyakap sya. Grabe, sobrang saya! Ibig sabihin madadagdagan na ng anghel sa bahay namin.
.
Dahil sa nangyari ay mas inalagaan namin ni Papa si Mama. Ang saya talaga. Kailangan Kong magsumikap lalo.
.
Nagising ako ng maaga dahil gusto Kong tulungan si Mama sa gawaing bahay. Bilin sakin ni Papa na 'wag masyadong pagurin si Mama.
.
Naglalakad ako ngayon sa Mall para makapag hanap ng pwedeng ulamin para sa hapunan. Pagkatapos Kong mamili ay pumunta muna ako ng Burger King para kumain ng Burger. Sabagay.
.
Nakapila ako ngayon nang may tumapik sa'kin. "Uy, kakain ka rin ba dito?"
.
"Ah oo eh, ikaw? Tsaka may kasama ka ba?" Tanong ko Kay Mudille.
.
"Ah, wala. Gusto mo sabay na tayo?"
.
Nakaupo ako ngayon dahil inaantay ko si Mudille na nagpumilit na sya na raw ang o-order. Naku! Kung hindi ko lang sya tinuturing na best buds ko, baka niligawan ko na 'to. Choz! Ako pa talaga manliligaw sa ganda Kong to?
.
As usual, antagal nanaman ni Mudille. "Aba! Kita mo nga naman oh! Kapag minamalas ka makakakita ka pa ng Crinkles kahit sabado!" Saad ng demonyo! Si PJ!
.
Tinignan ko lang sya habang papalapit sya sa table na napili ko para samin ni Mudille.
.
"Oh,  tatambay ka lang ba dito? For sure wala kang pambili." Pang-asar niya. "Wala kang super hero ah?"
.
Bwisit talaga 'to eh, nakiupo na nga lang ng walang paalam nang-asar pa. Kapag ako naasar ibabalibag ko 'to!
.
Sa wakas dumating na rin si Mudille. "Aba, matindi. Kasama niya nga nanaman oh. Iba rin talaga ang isang to eh." Nababanas na ko ah.
.
"Ano bang problem mo?!" Inis na tanong ni Mood kay Hambog.
.
"Hayaan mo na lang. 'Wag nating pansinin para magmukhang tanga." Natatawang bulong ko kay Mood nung tumabi sya sakin. Kaharap naman namin yung demonyo.
.
Magkekwento na lang ako kay Mood para ma-op ang saling pusa sa paligid. "Ah Mood, may sasabihin ako sa'yo." Sabi ko kay Mood na excited.
.
"Diba nakwento ko sa'yo na only child ako? Ngayon buntis si Mama kaya magkakaroon na 'ko ng pamngakin!" Masyaang sabi ko sa kanya.
.
"Talaga? Kunin mo kong Ninong ah! Maganda ako magbigay ng regalo." Natatawa niyang tugon.
.
Tinignan ko si Hambog. Halatang naiinis na sya kasi kanina pa sya pang-aasar pero hindi namin siya pinapansin. Buti nga sayo.
.
Kwentuhan lang kami ng kwentuhan at nakalimutan na namin na nasa harapan pala namin si Hambog. Hindi ko kasi alam kung ano ang ginagwa niyan dito.
.
"Hindi niyo ba ko papansinin?!" Inis na tanong ni hambog. Pero nagkunwari pa rin kaming walang naririnig.
.
"Ah, subukan niyong hindi niyo pa ko pansinin tatadyakan ko yung sunod na dadaan dito sa gilid natin." Aba, nanakot pa. Edi tadyakan niya.
.
Nagpipigil na kami ng tawa ni Mood dahil halata na kay PJ ang pagkaasar.
.
Nakita naming may padaan na babae sa gilid namin. Lumaki talaga ang mata ko ng makita kong tadyakan nga ni PJ yun!
.
Mabilis ang pangyayari kaya biglang sinampal ng babae yung demonyong kaharap namin.
.
"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!" Halakhak namin ni Mood. Tumingin naman samin si Pj ng masama.
.
May dumating na gwardya na ikinatuwa namin. "Kuya, palabasin niyo to! Bigla-bigla na lang nananadyak!" Sigaw nung babae sa guard patukoy Kay PJ.
.
"Sir, sa ibang lugar na lang muna kayo kumain para wala nang gulo." Sabi ni kuyang guard.
.
Tumingin samin si Kuyang guard na agad naman naming tinugunan. "Ah Kuya, hindi po namin kilala 'yan!" Nagpipigil na tawang sambit ko. Hahahahahaha laptrip talaga.
.
Walang nagawa si Hambog kundi ang umuwi. Buti nga! Kaya ayun, puro pango-okray ang ginawa namin sa nangyari kay Hambog.
.
.
.
Nandito ako ngayon sa loob ng room, katabi ko si Mood at Mark na puro tawanan lang ang ginagawa namin. Ang saya nila kasama. Di ko na lang pinansin yung tensyon na parang nagaganap sa pagitan ni Mood at Mark.
.
"Kyle, pinapatawag ka raw ng Dean sa office niya." Sigaw sakin ng president namin. Kinakabahan ako pero sa pagkakaalam ko ay wala naman akong kasalanan.
.
"Samahan na kita?" Sabay na sabi ni Mood tsaka Mark. Yan nanaman nagsusungitan nanaman. Parang kanina lang ang saya-saya namin eh.
.
Nandito kami ngayon sa tapat ng office ni Dean. Mapilit kasi talaga tong dalawang mokong na 'to kaya hinayaan ko na lang. "Pasok na 'ko!" Sabi ko sa kanila. Kinakabahan na talaga ako.
.
"Good Afternoon, Dean! You're looking for me?" Magalang na bati ko.
.
"Yes, take a seat." Umupo na ko sa katapat niya. "Hindi na ko magpapaligoy-ligoy pa. I saw your grades and I am not doubting why are you chosen to be one of the scholar. I also ask some of your teachers and classmates about your behavior and attitude. And yes, you got a good feedback from them." Tumikhim sya bago nagpatuloy. "I want you to be the tutor of my Son."
.
"It would be a pleasure to help the person that gave me a chance to have a better education, Dean." Nakangiti kong tugon.
.
"Okay, don't worry, I'll add another 10,000 pesos for your allowance." Sa narinig ko ay parang hinaplos ang puso ko. Whoah! Dagdag pera! "Just wait, my Son will come soon."
.
"Thank you, dean!"
.
Biglang bumukas ang pinto ng office at tumambad sa'kin ang pigura ng isang demonyo. 'Wag mo sabihing........
.
"Mr. Martinez, meet my Son, Mr. PJ Montenegro." Nakangiting saad ni Dean.
.
WTF?! Ano toioo? Mahirap tanggihan ang biyaya! Anong gagawin ko!
.
"PJ, he's gonna be your tutor starting now. And I will tell you this, kapag nakarinig ako ng hindi magandang ginagawa mo galing sa kanya, I will remove your allowance in a Month! Understand?!" Striktong saad ni Dean kay Hambog.
.
"Yes, pa. I mean, Dean." Walang emosyong sagot ni PJ.
.
"Kyle, wag kang magpapasindak kay PJ ah? I'm at your back." Nakangiting sabi sakin ni Dean.
.
"Yes, Dean! I will." Tsaka ko tinitigan si PJ. Halata mo yung galit sa mukha niya. Naku po......
.
Itutuloy
.
Don't forget to vote. Thanks for reading!

The MVP's Happy Pill [BxB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon