Chapter 14: Afreet vs Brutta

1.8K 96 2
                                    

[Kyle's POV]
.
Naglalakad ako papasok ng school. Naalala ko na naman yung nangyari kahapon. Punyeta talagang demonyo yun! Tutor niya na nga ko next week ginawa pa 'kong alalay. Anong akala niya sa'kin? Haleeerr!
.
"Beeeeeep!"
.
"Ay punyeta!" Napatalon ako dahil sa gulat. Napalingon ako sa sasakyang bumusina sa gilid ko at lalo lang nag-init ulo ko. "Ano na naman bang problema mo?!" Inis kong singhal kay PJ.
.
Tinitigan niya ko ng masama. As in sobrang sama. "Tinatanong mo 'ko kung anong problema ko?" Inis na sabi niya tsaka tumawa ng parang adik. "Hindi ba sinabihan kita na susunduin kita? Anong ginagawa mo ngayon?!"
.
Napaisip ako bigla. Oo nga noh? Agad naman akong nag-isip ng sasabihin ko. Isip! Isip! Isip!..... "A-ahm ano bang sinasabi mo? Saan ka nakakita ng alalay na sinusundo ng amo?!" Inis rin na argumento ko sa kanya.
.
"Hmmmm. Touché. Pero wala kang paki dahil kagaya ng sinabi mo, amo ako! Kaya ako at ako lang ang masusunod!" Sagot niya.
.
"Hmmmm. Touché too." Sagot ko. May magagawa pa ba 'ko? Amo na ang nag-utos. "Sige, masusunod, Afreet!" Nakangiti kong saad.
.
Nakita ko naman ang pagkunot niya ng noo ng makapasok na ko sa sasakyan niya. "Anong afreet?" Tanong niya.
.
"Wala! Ibig sabihin nun sa Arabic, gwapo!" Tugon ko.
.
Kinuha niya ang cellphone niya tsaka nag-type. 'Pag ako talaga na-late!
.
Nabingi ako dahil sa malakas na bunganga ng katabi ko. "DEMONYO?!" Sigaw niya.
.
Natawa ako ng palihim kaya kinunutan ko sya ng noo. "A-anong si-sinasabi mo?" Pagmamaang-maangan ko.
.
"Yung afreet," Sigaw na naman niya. "Demonyo ang ibig sabihin! Sinasabi mo bang demonyo ako?!" Nangangalaiti niyang sambit habang maitim ang matang nakatingin sa akin.
.
Naku! Mukhang mapapahamak ako sa loob ng kotse neto bago pa ko makapasok. Bakit kasi kailangan niya pang i-search ang meaning! "H-huh? Hindi ko alam yun. Ang alam ko talaga gwapo ang meaning nun!"
.
"Wag mo nga kong daanin sa pagmamaang-maangan mo! Alam ko na 'yan! Brutta!" Sigaw niya.
.
Ako naman ang napakuha ng cellphone ko tsaka nag-search. Pagkakita ko sa resulta ay nawala ang takot ko at napalitan ng inis! "Hoy! Ikaw ang brutta!!!" Inis na sigaw ko ng malaman kong Brutta pala ang salitang pangit sa Italian.
.
Nanlaki naman ang mata niya ng bigla ko syang hampasin sa kanyang braso. "Aray! Ano bang problema mo?! Totoo naman ah, bakit ka nanghahampas?!" Lalo lang akong nainis sa sinabi niya.
.
Aba! Tarantado talaga to eh. Mabilis at malakasan ko ulit syang hinampas sa braso kaya nakita kong naningkit ang mga pangit niyang mata.
.
"Nakakadami ka na ah! Hindi porket bakla ka ay ituturing na kitang babae para hindi gantihan! Isa pang hampas mo--- Aray!" Agad kong pinutol ang sasabihin niya ng hampasin ko ulit sya. "Sumosobra ka na, ah!" Dugtong niya.
.
"Eh bakit--- aray!" Naputol din ang sasabihin ko ng hampasin niya din ako sa ulo. Batok, rather. "Ansakit nun ah!"
.
Kaya ayun, ending nagrambulan kami sa loob ng sasakyan. Kahit naandar na ang sasakyan niya papuntang school ay hindi pa rin kami natigil sa bugbugang nasimulan namin. Nang makarating sa gate ng school ay pinahinto ko sa kanya ang sasakyan dahil nakita ko sila Mood at Mark na nag-aantay. Mukhang close na nga sila.
.
Hinampas ko muna sya sa ulo bago magsalita. "Hoy! Afreet, itigil mo na yang sasakyan dahil bababa na 'ko!"
.
"Alam mo, sumosobra ka na talaga ah!" Dabog niya.
.
Hinampas niya rin ako sa ulo. Hay nakoooo. Wala talagang nagpapatalo sa'min. "Fine! Talo na 'ko basta itigil mo na!" Tumumba ako paharap ng bigla niyang ipreno yung sasakyan. "Aray ko naman! Mag-ingat ka nga!" Singhal ko. Bago pa sya makapag-salita ay mabilisan kong binuksan ang pinto para makalabas. Hindi ko namalayang nag-aabang na pala sa labas ng pinto si Mood at Mark.
.
"Oh, anong nangyari sayo? Bakit ganyan itsura mo?" Nag-aalalang tanong ni Mood.
.
"Ah-eh,--" biglang naputol ang pagsasalita ko ng putulin ni Mark.
.
"Binully ka na naman ba ng lalaking 'yan?!" Tukoy ni Mark kay PJ.
.
Magsasalita sana ako ng gumatong agad si PJ. "Eh, ano bang pakialam mo?" Tsk. Yabang talaga ng PJ na 'to. "Baka nakakalimutan niyong we have a deal. Alalay ko sya sa loob ng isang linggo!"
.
"Pero hindi yun dahilan para saktan mo sya!" Ganti naman ni Mark. Si Mood naman nakatupi na yung kamay at parang gusto ng suntukin si PJ.
.
"Sino bang nagsabi sa'yong ako nanakit saming dalawa? Well, just for the information of your stupid mind, sya pa ang nananakit sa'kin." Si PJ.
.
Well, sang-ayon naman talaga ako. Eh, bakit? Gumaganti lang naman ako sa mga pinagsasabi niya ah?
.
"Eh, gago ka pala eh! Kung suntukin na kaya kita dyan?" Nagulat ako sa pagmumura ni Mood kay PJ. Doon ko lang nalaman na sobrang concern niya pala sa akin.
.
"Akala mo ba uurungan kitang mas gago ka!" Ganti ni PJ na pasugod na sana kaya lang napigilan ko.
.
"Sige! Subukan mo! Hindi ako magdadalawang isip na isumbong ka sa Papa mo!" Pananakot ko Kay PJ.
.
Tinitigan ko yung mata ni PJ. Ano ba 'tong nakikita kong reaksyon niya? Bakit parang nasaktan sya sa pag-kampi ko kila Mood? May nasabi ba kong mali, o namamalikmata lang ako?
.
Nagulat na lang ako ng hatakin niya ko papasok sa kotse niya. "San na naman ba tayo pupunta?" Mas malumanay na sambit ko. Feeling ko 'twas my fault why does PJ has this kind of emotion. Nakikita ko yung lungkot sa mata niya. Teka, lungkot? Pa'no, bakit?
.
Kaysa sagutin ako ay pinaharurot niya na lang ang kotse niya sa parking lot ng school. I can't resist myself to feel the conscience. It's like, I made the biggest mistake in my whole life. "Ma-may problema ba?" Hindi ko maiwasang tanong sa kanya.
.
"Ano ba namang tanong 'yan? May dapat ba 'Kong problemahin?!" Pagsigaw niya na naman sa akin. Kahit kailan talaga 'to, hindi na marunong kumalma.
.
"Eh, bakit ba naninigaw ka?! Nagtatanong lang naman ako!" Pagtataray ko sa kanya. Maya-maya lang bumalik na sa dati yung emosyon ko, nawala na yung inis. "Napansin ko lang naman na baka may problema ka at baka makatulong ako." Malumanay na sambit ko habang nakatingin sa labas ng bintana.
.
"Wala." Maikling tugon niya.
.
Kahit kailan talaga 'to! Maya-maya pa ay nakarating na kami sa parking lot. "Bumaba ka na at kunin mo yung mga gamit natin sa likod ng kotse." Utos sa'kin ng demonyo.
.
Aba! Ang kapal ng budhi neto ah! "At bakit ko nama----" bigla akong natigil ng maalala ko ang deal namin. "Fine." Wala na 'kong nagawa at bumaba na ng sasakyan. Nakooooo! Mukhang matagal akong magtitiis sa kumag na 'to!
.
Ending, bitbit ko yung isa Kong bag pati na ang dalawang bag ni PJ dahil may laro raw sila ng basketball. Alalay na alalay ang dating ko habang papasok ng school. Pinagtitinginan pa kami.
.
Pagkapasok namin sa locker room ay nanlaki talaga ang mata ko sa nakita ko. May lalaking may hawak ng chocolates at letter sa tapat ng locker ko. Napalingon din sya sa'min at halatang gulat. Kilala ko ang lalaking 'to. Kilalang kilala dahil isa sya sa pinakamalapit na kaibigan ko. Posible kaya na sya ang secret admirer ko?
.
.
.
.
Itutuloy...
.
Thanks for reading. Grabe naman kayo! Isang araw lang naman ako hindi naka-update parang isang buwan na. Lol. Labyu
.
Pero, sino nga kaya ang secret admirer ng maganda nating bida na si Kyle? Comment down kung sino sa tingin niyo? Biliiiiiis!!!!!

The MVP's Happy Pill [BxB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon