Chapter 1: Enrollment

6.2K 239 7
                                    

[Kyle's POV]

Naglalakad ako ngayon patungong eskwelahan na gusto kong pasukan dahil ngayon ang isa sa mga araw ng enrollment.

Inagahan ko na lang ang page-enroll para na rin hindi na 'ko mahirapan at ma-rush.

Malapit lang naman ang aming eskwelahan kaya hindi na 'ko nag-abalang sumakay pa ng jeep. "Tsk, gastos lang 'yan!" Bulong ko.

Ako nga pala si Kyle Angelo Martinez, 18 years old, mag-aaral bilang isang 1st Year College - scholar sa isang pinakasikat na paaralan sa Manila, ang "El Grande International School" (Keme lang 'yang school). I am gay, at alam naman 'yun ng mga nakakakilala sa akin, pero hindi ladlad. Well, study first before harot. Mahahalata mo lang na bakla ako 'pag nagsalita na ko. May pagka suplada rin pero sa mga hindi ko lang kakilala.

Halos maligaw na 'ko rito sa laki ng eskwelahan na 'to. "Asan na ba kasi 'yung Information Building - room 304?" inis na buga ko.

Maraming mga estudyanteng kagaya ko kaya lang nakakahiyang lumapit kasi halatang mayayaman. Baka mapaaway pa 'ko. Hahaha.

In fairness, maaraw pero mahangin. May nakita akong isang lalaki na nakaupo sa bench. Mukha namang mabait kaya eto na lang yung pagtatanungan ko.

"Excuse me." Nakangiting sabi ko.

Inangat niya ulo niya then tumingin sa'kin. "Yes, what may I help you?" Nakangiti niyang sabi rin. Wow, just wow! Grabe, ang pogi pala neto ni Kuyaaaa! I need aiiiir! Kaso inglishero. But hey, I can speak in English fluently, ano pang sense ng pagiging scholar ko?

Hindi ko ipinahalatang na-attract ako sa kanya, baka ilag sa bakla at suntukin ako. Hahahahaha.

"I'm just a new student here, I just want to ask if you know the Information Building - room 304?" Kinakabahang saad ko na napakamot pa sa ulo.

Lalo namang ngumiti 'tong kaharap ko at tumayo. "Yeah, I know. Actually, I am also new here but I have gone there kasi I enrolled a while ago. Are you going to enroll?"

Kyut talaga neto! "Ah, yes po!" Masigla kong sabi. Nakakahawa sya ng good vibes.

Nagsimula syang humakbang kaya nagulat ako, "Come on, samahan na kita."

Whoah! Marunong palang magtagalog 'to! Pasalamat ka pogi ka! "Naku, nakakahiya naman po." Nahihiya kong saad.

"Tsk! Life will be harder if you're just going to be ashamed. Tsaka, baka mapano ka pa, 'di ko gusto mga tao rito." Medyo iritable niyang tugon.

"Okay." Bulong ko, baka bugbugin pa 'ko neto pag nag inarte ako.

Tahimik lang kaming naglalakad habang nasa likod niya ko. Nakasuot naman yung dalawa niyang kamay sa bulsa niya. "Cool," 'yan na lang nasabi ko sa isip ko sa kanya.

"We're here." Sabi niya ng hindi pa rin inaalis 'yung kamay niya sa bulsa.

"Thanks!" Nakangiti kong saad. "Ahhmm... Ano ba ang pwede kong gawin para mabayaran naman kita? 'Wag lang pera, ah. Wala kasi ako nun." Nahihiya kong dagdag.

Tumikhim sya bago magsalita, "None, it's fine. 'Di naman kita tinulungan para lang sa kapalit." Seryoso naman ngayon. Mood swing lang ang ganap? Parang Babae! HAHAHAHAHA

Sumimangot naman ako, "Nakakahiya, eh."

Tinanggal niya 'yung dalawang kamay niya sa bulsa niya tsaka nagsalita. "Sure ka ba?"

Tumango naman ako, "Basta 'wag sa pera ah?" Nahihiya ko pa ring tanong.

"Okay. Kasi We have try-out for Basketball this coming Saturday. I just want to see you there and that's it." Nakangiti niya uling sabi. Bipolar. Baliw!

Nagtataka naman akong tumingin sa kanya. "Are you serious?"

"Mukha ba kong nagbibiro?" Pambabara niya sakin.

"Hindi." Ako.

"Soooo...." Tinignan niya ko ng parang inaantay yung magiging sagot ko.

"Okay, I'll come. What time?"

"3 p.m. Remember, huh? 'Pag hindi ka nakapunta, hanapin mo na lang ako next time tsaka ka magbayad ng pera." Sabi niya.

Teka, nananakot ba 'to? Pwes natakot ako! Wala na nga 'kong pera, eh! Scholar lang ako, haler! May binibigay naman sa'king 10k every month pero binibiyayaan ko rin sila mama dun. "Fine." Sabi ko.

Papasok na ko ng room ng bigla niya 'kong tawagin. "Wait!" Tawag niya.

Lumingon naman ako.

"Mudille," (Mudil) Sabay abot ng kamay, "Mood na lang" dagdag niya.

Wow, unique! Very unique! Sang lupalop ba galing 'tong pangalan neto? Hahahahaha. Mood?! Bagay na bagay dahil paiba iba sya ng mood!

Inabot ko yung kamay niya tsaka ngumiti ng konti. "Kyle, kay na lang for short."

Ako na unang bumitaw kasi baka di na 'ko makaabot sa enrollment. Pumasok na 'ko pagkaalis niya.

May nakita akong isang babae na nakasalamin. Mga early 30's na sya. Mukhang mabait naman.

Tumingin muna ako sa relo ko, it's already 12:45 p.m. "Good afternoon, Ms." (Ms. and Sir yung tawag namin sa mga Teacher dito kahit may asawa na.)

"Take a seat". Nakangiti niyang sabi, 'di ako nagkamali. Mabait nga. "What school were you from?"

"I was from San Antonio National High School, Ms." Nakangiti kong sabi. "I am the scholar of this school. Here Ms." Sabay abot ko ng paper na patunay ng pagiging scholar ko.

"Oh, I see! You must be very smart" sabi niya.

"Not that much, Ms." Ako.

".. And humble" dagdag niya.

Hindi nagtagal 'yung page-enroll ko dahil madalian lang kapag scholar.

Nagsimula muna akong maglakad-lakad bago umuwi. Hinanap ko agad 'yung library. Gustong gusto ko talaga sa library. I don't know but I badly love the ambiance there. Nang mahanap ko na ay nagpaikot-ikot ako sa loob. Malaki, maganda, tahimik, mukhang gaganahan ako lalo.

Lumabas na 'ko para umuwi. Naglalakad ako sa hallway ng may marinig akong bulungan ng mga mahaharot na babae.

"Look, girls! Si PJ!!!" Kilig na kilig na saad ng isang babae sa tatlong kasama nito. Tsk. Kati! "Hala! OMG! Oo nga! Ang pogi niya talaga!!!" Dagdag pa ng isa.

'Di ko alam kung bakit gustong gusto nila 'yang PJ na 'yan, eh, mukha namang mayabang! Oo. Kilala ko 'yang PJ na 'yan! Sino ba namang hindi, eh, sobrang galing 'daw' niyang mag basketball. Pogi, mayaman, maputi pero di masyado, at maganda ang pangangatawan. Paki ko?! Mukha pa ring mayabang.

Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad dahil 'di ko na matiis yung kalandian ng apat na babae.

Pagkauwi ko sa bahay, walang tao. May trabaho si Papa at baka namili lang si Mama. Yep! I'm the only child. Only princess na rin. Hahaha.

Kinuha ko na lang 'yung isang bote ko ng stick-o. Favorite ko talaga 'to! Sobrang adik ko dito! Hahahaha.

Nang makuntento ako sa pagkain ay naidlip muna ako.

_______

Don't forget to vote, lalabs!

Isang click na lang gagawin niyo 'wag nang umarte! Bayad niyo na lang sa'kin yun. Thanks.

The MVP's Happy Pill [BxB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon