Chapter 19: Takas, Kyle

3.9K 139 115
                                    

[Kyle's POV]
.
Mabilis natapos ang isang linggong pang-aalipin sa akin ng isang living espasol slash demonyo. Alam kong mababawasan na ang mga isipin ko sa buhay. Kaya lang... may tutorial session pa pala kami. Dalawang araw pa lang ang nagdaan ng session namin pero gusto ko ng sumuko. Ang lakas mang-alaska.
.
Kaya ayun, pumunta ako kanina sa Dean's Office para isumbong yung hambog na iyon sa tatay niya. Tignan na lang natin kung hindi sya mag-tino.
.
"Uy, may practice game kami mamaya. Punta kayo, ha?" Masayang aya sa'min ni Mood, kasama rin namin si Mark.
.
***
.
Nandito kami ngayon sa gym para manood ng practice game. "Galingan mo, ah! Kailangan ikaw yung manguna dyan!" Masiglang pagbibigay lakas ko kay Mood.
.
Lumingon naman sya sa'kin tsaka nagsalita. "Oo naman! Nandito ka, eh." Saad niya. Oh, ano naman?
.
"Ano naman kung nandito ako?" Tanong ko.
.
Sasagot na sana sya ng biglang may mag-bato ng bag sa'kin. Paglingon ko, well, sino pa nga ba? Ang pinaka nakakainis na tao sa balat ng lupa. Ang taong puro problema lang ang hatid. I will proudly introduce to you............................ PJ! *clap* *clap* *clap*
.
"Hoy! FYI, I am not your Personal Assistant---" naputol ang sasabihin ko ng sumabat agad sya.
.
"You mean, Personal Alalay." Saad niya ng nakangisi. Aba!
.
"Yeah, whatever, assistant or alalay or call it yaya. I just want to say that I am not your PA anymore." Ibinato ko naman ulit yung bag niya sa malayo na hindi masasalo ng kahit sino dahilan para maningkit ang kanyang mata. "Kaya you don't have the rights to ask me lifting your demonic bag!" Sigaw ko pa ulit. Palaban to, hmp!
.
Magsasalita pa sana sya ng hawakan ni Mood yung kamay ko papunta sa mas malayong bench. T-teka? Kamay ko? OMG! Holding hands ko bang maitatawag 'to?
.
"MALANDI!" Rinig kong sigaw ni PJ. Teka, sino na naman ba sinasabihan nun? Kung ano-ano talaga pinag-iisip.
.
Nano-nood kami ngayon ni Mark sa kanilang paglalaro habang nagke-kwentuhan. Masaya ako kasi parang wala na lang sa amin 'yung nangyari nung nakaraan. Parang balik sa dati na mag-kaibigan. Habang nagke-kwentuhan kami, may malakas na bola'ng tumama sa mukha ni Mark. Ang lakas talaga!
.
"OMG! Are you okay, Mark?" Tanong ko. Malamang hindi! Agad akong lumapit sa kanya at hinawakan 'yung mukha niya. Namumula!!!
.
Pansin kong nahihilo sya pero nagawa niya pa ring mag-salita. "A-ayos lang ako." Saad niya tapos tumayo. Napansin kong may tinitignan sya ng matiim. Sinundan ko 'yung tinitignan niya at nakita ko ang isang espasol na naka-ngisi. Sabi ko na nga ba, si PJ na naman! Susugudin sana sya ni Mark kaya lang pinigilan ko na.
.
"Hayaan mo na! Please! Mas mag-mumukha kang kawawa kapag pinatulan mo pa!" Pakiki-usap ko sa kanya. Susugod pa talaga sya pero lumapit na sa amin si Mood at tinulungan ako sa pag-awat kay Mark. Maya-maya pa ay unti-unti na syang kuma-kalma. "Saglit lang, kukuha lang ako ng yelo para magamot natin 'yan!" Natataranta kong turan.
.
Pagka-balik ko ay naglalaro na ulit ang Basketball team. Agad akong lumapit kay Mark para gamutin sya. Habang ginagamot ko sya, nakita ko namang naka-titig sya sakin. "'Wag mo nga akong titigan ng ganyan." Naiilang kong saad. Hindi pa din sya tumigil sa pag-titig kaya diniinan ko yung yelo sa namumulang parte ng mukha niya. Dumaing naman sya sa sakit dahil sa ginawa ko. Tinawanan ko na lang sya saka ipinag-patuloy.
.
Hindi ko pa nasisiguro na maayos na sya ng biglang hablutin ang kamay ko ng kung sino man at hinatak ako. "A-ano na naman ba! PJ!" Sigaw ko habang hinahatak niya ko palayo.
.
Paglingon ko sa likod, nakita ko sila Mark at Mood na nasunod at nahabol sa amin. Dun ko lang napansin na tapos na 'yung practice game.
.
Hina-hatak ko ng bongga 'yung kamay ko, pero sobrang lakas talaga niya. Nakaka-inis! Bakit ba kasi nabiyayaan ako ng mahihinang braso! Nasa labas na kami ng gym ng may humatak naman sa kabilang braso ko. Si Mood.
.
"Pare, nasasaktan na! Ano bang problema mo?" Halatang inis na sambit ni Mood. Hays, napaka-buti mo talagang kaibigan.
.
Imbis na sagutin ni PJ ang tanong ni Mood ay nangdarag pa. "Bitawan mo sya." Malumanay ngunit maistriktong saad ni PJ. Hay nako, napaka-hambog talaga kahit kailan! Asar!
.
"Teka nga! Sa'n mo ba kasi ako gustong dalhin?!" Naaasar na sambit ko. Naba-badtrip na 'ko! Hanggang ngayon pinipilit ko pa ring hatakin yung kamay ko.
Imbis na sagutin din ako ay hinatak niya na naman ako. Hindi pa kami nakakalayo ay pasugod na sa kanya si Mark kaya pinigilan ko na. "Hey, wait! Okay! Kalma tayo! Please!" Pagmamakaawa ko. Tumingin muna ako kila Mark at Mood bago nagsalita. "Hayaan niyo na, I can take care of myself. Please."
.
Susugod pa sana si Mark ng pigilan na rin sya ni Mood. "Hayaan mo na, pre." Tumingin na rin si Mood kay PJ tsaka nagsalita. "Malaman lang namin na nasaktan sya dahil sayo, sisiguraduhin kong hindi ka na makakalapit sa kanya." Matapang na saad nito. Nagpapa-salamat talaga ako kay Mood dahil marunong syang kontrolin ang sarili niya.
.
"As if naman na gagawin ko yun." Bulong ni PJ pero hindi ko na narinig kung ano yun. Nagsimula na namang hatakin ako ni PJ pero this time, mas malumanay na.
.
Nang makarating kami sa parking lot ay nag-simula na 'kong basagin ang nakakabinging katahimikan. "Saan ba talaga tayo pupunta? Hindi na talaga ako natutuwa sa mga trip mo ah." Pagtataray ko.
.
"Nagugutom ako." Saad niya habang binubuksan ang kotse. Ano? Eh, gago pala talaga 'to eh! Muntik nang magaway-away tapos nagugutom lang pala? Halos makipag-suntukan na si Mark sa kanya ayan lang pala dahilan niya.
.
"Ano?! Abnormal ka ba talaga? Bakit hindi mo na lang sinabi agad?! Ang lakas din ng trip mo ah! Alam mo, isusumbong na naman kita sa papa mo!" Walang hingahang sambit ko. Naiinis na ko.
.
Dinala niya ko sa, as usual, isang mamahaling kainan. Dahil sa badtrip ko, hindi ko na makayanan na makasama pa ang kumag na 'to. Bahala sya dyan. Inaantay namin yung pagkain namin ng magdesisyunan ko nang simulan ang plano ko. "Ah, PJ, ihi lang ako ah?" Pagpapaalam ko.
.
"Bilisan mo lang. Malapit na dumating 'yung pagkain." Saad niya habang naka-tingin sa cellphone.
.
Tumayo na ako tsaka naglakad papunta sa CR. Pero wala pa ako sa CR ay nilingon ko na sya. Nagse-cellphone. Dali-dali akong tumakbo papunta sa exit para gawin ang plano ko. "Yes!" Saad ko habang natakbo papunta sa sakayan. Mag-dusa kang unggoy ka! Kainin mo yang pagkadami-daming in-order mo! Akala mo ah. Lintik lang ang walang ganti.
.
"Para po!" Medyo pasigaw na saad ko sa jeepney driver. Naglalakad na ako papunta sa bahay ng may matanaw akong sasakyan at sa gilid ay may nakatalikod na lalaking mahahalataan mo na ang pagka-inip. Dahil naka-talikod sya ay nag-simula na akong maging Ninja. Bubuksan ko pa lang 'yung gate ng may nag-salita.
.
"Ang layo mo naman mag-CR." Saad ng isang lalaking nagpa-kaba sa akin.
.
"Patay!" Bulong ko sa hangin.
.
Itutuloy....
.
I am a Grade 12 student guys, meaning, graduating. So, I do not have enough time to write chapters of this story that quick. Sorry sa late update. Hehe. Konting pag-intindi.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 20, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The MVP's Happy Pill [BxB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon