Tulad kahapon nag buss uli ako dahil di pa tapus yung pinapagawa kong kotse hamakin mo makati to cainta magbubuss lang ako diba ang layo nun piro dadaan pa nga ako ng cubao siguro mag tataxi nalang ako or mag LRT to santolan para mabilis at makamura narin.
Hhhmmm baka isipin nyo kuripot ako? Di naman sa ganun nag titipid lang at maganda rin yung ganito madami kang mag matutunan. dahil pag nagkataon first time kong sasakay ng LRT. Kagaya kapon may kakatag puin nanaman ako sa cubao dios ko ayaw ko naman masyang ang kadandahan ko kong mapunta lang ako sa kung sinong lalake lalo na di ko naman mahal noh! kaya sana sa pagkakataong ito dinggin na ng dios ang panalangin ko na magkakaboyfriend ako ng saganun may ihaharap ako sa papa ko para tigilan na nya ako dun sa anak ng kumpare nya.
Tulad kanina? kaya pa tumawag sa akin para daw agahan ko ang pag uwi dahil magmamanhikan nadaw yung anak ng kumpare ng papa ko. Ano yun ganun ganun nalang yun eh isang bisis ko ngalang nakita yung sinasabing anak ng kumpare ng papa ko tas mamanhikan na agad agad. Anak ng pandesal naman oh! ayan tuloy napasubo nanaman uli sa gimek ng pinsan ni karen.
Nang baba na ako baba ng buss bigla naman sumigaw ang konduktor ng buss.
Ano daw? tama ba ang naririnig ko may tumawag sa aking na sexy na kana blue? Alam kong ako yun dahil ako lang naman dito ang naka blue at sexy hehehe. At napalingon ako at bigla...
At sapol ang mukha ko.
Heyyy ano ba di mo ba nakikita na may tao sa unahan mo? Sabi ko sa lalaking nakabangga ko. Dios ko ang gwapo pala ng lalakeng ito at ang tangkad pa. Sabay sapo ng bunganga na nakakatulala. Sa harapan ng binata.
Ooyyyy kayong dalawang kong di nyo rin lang kayang alagaan ang anak nyo wag na kayong mag anak tas iiwanan nyo nalang basta basta dito sa sasakyan namin. Sigaw uli ng konduktor sa pag kakataong yun sabay na napalingon si Devon at ang lalaking nakabangga at sabay sabing....
Anak namin! At tumingin sa isat isat.
Oo anak nyo nga dalawa kayo ha? nag dadahilan pa kayong dalawa eh kayo lang naman ang malapit nakaupo dito kanina tas kayo rin ang huling baba para di kayo mapansin. Sabi ng kundoktor ng buss.
Nako manong nagkakamali po kayo ng sinasabi eh pano ko po maging anak yan eh ni bf nga po wala anak agad. Oyyy lalake baka anak mo yan dahil di mo kayang alagaan iiwan mo nalang dyan. Sabi ni Devon sa lalake na ikinalake naman ng mata ng binata.
Ohhh bakit mukha ba akong may anak sa lagay kong ito at wag mong ibintang sa akin yan dahil wala akong kinalaman sa mga sinasabi mo. Sabi din ng binata kay Devon.
At dahil sa pagtatalo ng tatlo nagkabuhol buhol tuloy ang trapic at may mga pasahiro din na sasakay sa naturang buss at napapatingin ito sa dalawa.
Ano kukunin nyo ba yung anak nyo dalawa or hahayaan nalang ito dito kawawang bata nagkarun ng mga magulang na walang pusot kaluluwa. Ng tatalikod na sana ang donduktor na bitbit ang baby sa isang lagayan bigla naman ito hinila ng binata. At ng humarap na sya sa dalaga wala na ito nakaakyat na ito sa hagdanan paakayat ng farmers flaza kaya dali dali rin syang bumaba para habulin ang dalaga.
Heyyy miss blue.. Sigaw ng binata kay Devon piro di parin nililingon ng dalaga ang binata bagkos binilisan pa nito ang pag lakad.
Oyyy babae na kablue. Di kaba titigil ka sakalalakad ha? Pano na yung bata ooooyyyy... At itinaas pa nito ang bata. At agaw pansin naman sa mga tao ang pag sigaw ng binata at may mga nag bulong bulongan pa.
Heeyyyy ano ba kong ayaw mo iiwan ko tung bata na ito dito di ako nag bibiro pakialam ko ba dyan. At dun naman biglang nagising ang baby at umiyak kaya lalong nagkakagulo sa naturang mall. At lalo pa atang dumami ang mga tao para lang makiasyuso sa mga nagyayari.
Piro sige parin ang lakad ni Devon ng biglang may tumama sa ulo nito na isang matigas na bagay kaya napahawak sya sa ulong natamaan. At ng makita nya kong anong bagay ang tumama sa kanya bigla nalang nya itong pinulot at bumalik kong san nanggaling.
Anak ng pandesal naman oh? Bat mo ako binato ng buti na baby ha? At sabay pukpuk din sa ulo ng lalake.
Heyyyy ano ba masakit tama na ano ba? Sabay awat sa kamay ng dalaga.
Masakit pala ha piro binato mo ako nito.
Eh pano naman di kita babatuhin eh kanina pa ako tawag ng tawag sayo piro sige parin ang lakad mo. Sabi ng binata.
Eh bakit ba? Eh di naman kita kilala noh?
Oo nga di mo nga ako kilala dahil maslalong di rin kita kilala piro itong baby problema natin to dalawa dahil tayo lang naman dalawa ang pinagbigyan nito. Sabay turo sa bata nakalagay sa maliit na stoler na nakalapag sa siminto.
Oyyy mister di ko nayan problema noh sino ba may sabi na kunin mo yan or baka naman anak mo talaga yan. Nakapamaywang nitong sabi sa binata.
Ang kulit naman nito oh sabing di ko nga anak yan eh? Baka naman anak mo yan eh magkatabi lang ata kayo ng upuan nyan kanina eh.
Ewan ko sayo basta ako di ko anak yan at bahala ka na dyan kung gusto mo iuwi mo sa inyo sabay talikod nito.
Nag biglang......
Ohhh my love!!! Devon wag muna kami ewan ng anak mo! Di ko kayang alagaan ang anak natin at lalong di ko kayang mawala ka. Sabi ng binata kay Devon na nakakapit sa isang paa ng dalaga.
Kaya lalong nagkakagulo ang mga tao.
Grabi naman yung babae nayun kunyari pa di nya anak yung bata. Sabi nung isang babae sa kabatabing babae rin.
Oo nga syang gwapo panaman nung lalake tas ang cute pa ng anak nila. Sabi din ng babae.
Heyyy ano ba pinagbabasi mo dyan lalake ka. Tumayo ka nga dyan nakakahiya yang ginagawa mo ha? Ngunit di ito pinansin ng binata.
Please Devon parang awa mo na wag muna kaming ewan ng anak mo, wag muna kami ipagpalit sa lalake mo. Na maslalo pag hinigpitan ng binata ang pagkakahawak sa paa ng dalaga.
Ano ba di kaba titigil dyan.sabay apak sa kamay ng binata piro di ito ininda ng binata mas lalo pa nyang hinigpitan nang pagkakahawak sa paa ng dalaga at dalawang paa na ang hinawakan ng binata.
Please naman namamakaawa ako sayo bigyan mo pa ako ng isang pang pagkakataon basta wag mulang kami iwan ng anak mo promise magbabago na ako di na ako titingin sa ibang babae kundi sayo lang.
Nang biglang may sumigaw..
Oo nga misis wag muna iwan ang asawa't anak mo kawawa naman sila sayang gwapo naman ng asawa mo.sabi ng sumigaw. Sa hiya ni Devon umupo ito at binulongan ang binata.
Pag di kapa tumayo dyan makakatikim katalaga sa akin. Nakita mo tung hawak ko sigurado ako butas yang ulo mo. Pag tingin ng binata sa hawak ni Devon nakita nya itong hawak nya ang kanyang sapatos at mukha atang di nag bibiro kaya bago pa nya ipukpuk sa ulo ng binata may biglang pumito kaya di natuloy ang dapat matuloy at nakahinga naman ng maluwag ang binata.
Mister ano po ba ang nangyayaring kagulohan dito? Di nyo ba alam nakakaabala na kayo sa mga tao. Sabi nung guard na dumating.
Eh manong ito kasing asawa ko nagmamakaawa akong wag na kaming iwan ng anak namin piro ayaw nya makinig eh. Sabi ng binata na nagmamakaawa epic pa ito sa guard.
Piro manong guard di po tutuo ang sinasabi nya eh di ko nga po kilala yang lalake nayan eh? Sabi ni Devon. At sabay lapit sa binata.
Please lang mister baiwin mo yang sinasabi mo at pano mo nalaman ang pangalangan ko. Bulong nito sa binata.
Dyan sa ID mo? Sabay turo nito kong san nakasabit ang ID. At napatapik naman sa noo si Devon.
Tanga ko talaga. Bulong nito sa sarili.
May sinasabi ka? Tanong nang binata. Nang biglang sumabat ang guard.
Mister sa opensina nalang po kayo magpapaliwanag ng asawa nyo nang magkaunawaan kayo di yung dito nakakaagaw attention kayo sa mga tao eh.at sabay kayag naman ng guard sa binata kaya wala ng magawa ang dalawa kundi sumunod nalang dahil lalo na dumadami ang mga tao.
BINABASA MO ANG
THE BABY
RomanceIsang sanggol ang natagpuan sa isang pampasaherong buss, na magpapabago sa normal na buhay ng dalawang tao.. Ngunit sa responsibilidad na di inaasahan ano ang gagawin ng mga ito lalo na pag dating ng panahon higit pa sa tunay na anak ang turing nila...