Chapter 7

3.8K 88 0
                                    

Ano ginagawa natin dito? Tanung ni Devon sa binata habang karga naman nito ang baby.

Kung titingnan nyo ang dalawa para silang tunay na mag asawa lalo pa bitbit ng binata ang mga gamit ng baby tapus ang dalaga naman ang may hawak sa bata kaya mapagkamalan mo talaga sila na mag asawa idagdag pa sa napa kacute na baby at kagwapo binata, may mataas itong 5'9, matangus ang ilong, dark bround ang mga mata na kung titigan mo parang nag aakit ito at idagdag kayumanggi nitong kulay kahit pa matagal itong na wala sa bansang pinagmulan kaya kahit mga babaing makakasalubong dito ay napapatingin sa binata lalo na pag ningitian nito ay labas ang maputi at pantaypantay nitong mga ngipin.

Gunun din si Devon, may taas itong 5'4 balingkinitan ang katawan, may katamtaman laki ng hinaharap, maputi, mapupungay ang mga mata at idagdag pa ang magkabilang demple nito na kahit galit na eh lumalabas parin ito kaya kahit sino mang lalake ang papatingin dito siguradong maiinlove. Yun ngalang ang dalaga ang may problema di ang mga lalake.

Oyyy Juan!! Tinatanung kita ano ang ginagawa natin dito at kanito tong condo. Balik tanung ng dalaga sa binata ng papasuk na sila sa elevetor.

Pwedi ba? Wag na wag mo kong tatawagin Juan ang sagwa eh. At wag kanang madaming tanung sumunod kanalang dahil malalaman morin mamaya pag dating natin sa loob. Sabi nalang nito sa dalaga.

Eh bakit pa mamaya pwedi naman ngayun ah. Pangungulit ng dalaga. Ngunit di ito pinansin ang sinasabi ng dalaga.

Ahhhhh ang init.. Sigaw ni Devon.

Maiinit ang ano? Balik tanong ng binata dito.

Anak ng pandesal naman oh? At inabut ang bata sa binata.

Kunin mo si baby dali naihian ako. Bakit naman kasi di mo nilagyan ng diaper yung bata ayan tuloy umihi buti sana kung ikaw ang naihian.

Kinuha naman ng binata si baby piro dumantay ang kamay ng binata sa dibdib ng dalaga kaya parang may nagising na kong ano sa katawan ng binata.

Ano ba? Nananshing kaba ha? Sabi bigla ng dalaga kaya bigla naman natauhan ang binata.

Ano ba pinagsasabi mo dyan. At bat naman kita nananshingan ha? Ni panaginip ata di ko pinangarap na dumantay ang mga balat ko sa balat mo. At buti nga ihi lang eh di ka dimumihan. Sagut naman ng binata. Piro sa kaloob luooban ng binata mula nang mahalikan nya ang dalaga di na ito maalis ka kanyang isipan kahit pa magaspang ito kung kumilos.

Hhhmmm sinungaling. Sigaw naman ng dalaga.

Bat ba lagi kanalang naninigaw ha? Ganyan kaba talaga lagi nalang naninigaw. Tanung ng binata.

Yesss!!! At sayo lang. Sagut naman nito.

Dito natayo. Sabi nalang ng binata pag kabukas ng elevetor. Sumunod naman ang dalaga sa binata.

Pagkapasuk nila sa loob pinagala naman ng dalaga ang mata nito sa kabuohan ng silid. Maganda ito malake kong hindi sya magkakamali may dalawag kwarto ito. Maayus ang lahat ng gamit, nakalagay sa tamang lalagyan, malinis. At lalong bumagay ang kulay ng loob condo dahil lalong umaaliwalas itong tingnan. At yung mga nakasabit ng painting halatang mamahalin ito dahil pinagawa pa ito sa mga sikat ng pentor.

Hhhhmmmm may dating din pala ang mukong na ito pagdating sa mga ganitong bagay. Sabi ng dalaga habang ginagala pa lalo ang mga mata sa kabuohan ng silid.

Pagkalapag ng baby ng binata sa supa pumasuk naman ito sa kanyang silid at pagkalabas nito sa kanyang kwarto agad naman hinagis ang isang damit sa galaga.

Ayan palitan mo nayang damit mo bago kapa mangamuy ihi dyan. Sabi nito sa dalaga na napasimangot dahil sa natamaan sa mukha ng ihagis ng binata yung damit.

Asan dito yung CR? Tanung nito sa binata.

Dun kanalang magbihis sa isang kwarto. Turo nito sa katabing kwarto din nya.

Di na nagtanung pa ang dalaga agad naman itong pumasuk sa sibing kwarto. Pagkapasuk ng dalaga sa naturang kwarto lalo itong humanga sa naturang silid may isang malaking kama at mga magagandang painting na nakasabit sa dingding at isang malaking binta na kita mo ang dagat at ang mall of asia. Pag kabihis ng dalaga lumabas agad ito ng kwarto piro naiilang naman sya sa kanyang suot dahil may kalakihan ito at bakat pa ang kanyang bra sa naturang damit.

Nang lumabas ang dalaga napatingin naman ang binata sa dalaga at naaninag nya ang suot ng bra ng dalaga kaya napalunok nalang sya at ibinalik ang ginagawa sa bata. Ng makalapit ang dalaga sa kanila.

San pala yung loundry mo dito kilangan kung labhan ang damit ko para matuyo agad ng may maisut naako pag uwi ko mamaya. Piro di ito pinansin ng binata.

Heyy kinakausap kita bat ayaw mo sumagot. Tumingin naman ang binata sa kanyang.

Di ka uuwi mamaya dahil simula ngayun dito kana titira. Sabi nito sa dalaga.

At bakit naman? At wala sa usapan natin yan ah. At magagalit ang mga magulang ko.

Eh ayaw mo mo naman iuwi yung bata sa inyo kaya ito nalang ang naisip kong paraan at wag kang mag aalala tinawagan kuna yung mga magulang mo at kinausap kuna sila kaya wala ng problema. Kaya mamayang hapon dito na yung mga gamit mo na pinakuha ko.

Ahhhh....

Oppsss wag kana magsalita dahil wala kanang choice kundi sunod nalang dahil mawawalan ka ng trabaho. Sabi nito sa sasabihin ng dalaga.

Kaya napaupo nalang ang dalaga at tinitingnan ang ginagawa ng binata.

Devon! Tawag ng binata.

Bakit?

Ikaw nga maglagay ng daiper dito sa bata ayaw dumakit eh.

Hindi ako marunong nyan maglagay. Sagut nito sa binata.

Sige na nakanina pa ako dito eh ayaw napapagud na ako at ang kulit ni baby. Agad naman tumayo ang dalaga para lumapit sa binata. Habang nilalagyan ng dalaga ng daiper si baby nakatingin naman ang binata kay devon. Ng biglang lumingon ang dalaga kaya kaunton ang mukha nito sa noo ng binata.

Ano ba? Sigaw ng dalaga.

Bigla naman nilayo ng binata ang mukha nito sa dalaga.

Siya nga pala tulad ng sabi ko sayo kanina apat na araw no gabi pala tutal dito kana sa bahay ko. Matutulog ang baby sayo at talong gabi naman sa akin.

Ok! Matipid na sagut ng dalaga.

Ano pala ang pangalan ng bata? Tanung nito sa binata.

Ewan di ko alam.sagut nito.

Di mo alam? Bakit di mo pinangalanan. Balit tanung nito sa kanya.

Hmmm ganito nalang ako nalang ang magbibigay ng pangalang sa kanya. Baka pag ikaw lalong babantot pa Tulad ng pangalang mong Juan Carlos. Na diniinan pa ang Juan sa pag sabi nito sa buong pangalan ng binata.

THE BABYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon