Prologue

192 2 0
                                    

Sabi nila may oras para sa lahat ng bagay, pero bakit may mga tao pa ring nagmamadali para sa isang bagay?

Bakit may mga taong handang iwan ang kanilang nakasanayang buhay para lamang sumubok ng panibagong hamon?

Bakit hindi natin hinahayaang ang oras ang magdesisyon para sa atin at magtiwala sa plano ng Diyos para sa atin?

Bakit masyadong sabik ang iba sa atin at hindi na makapaghintay ng bukas?

Marami ngang 'bakit' sa ating buhay.

Ngunit paano kung isang araw magsisisi ka na lang dahil hindi mo nagawa sa mga oras na iyon ang dapat mong gawin?

Dahil sabi nga 'nasa huli ang pagsisisi'.

Paano kung may mga taong hadlang sa iyong nais?

Susundin mo ba ang sinasabi ng iyong puso o ang sinasabi ng nakapaligid sa iyo?

Makakaya mo kayang maging masaya o tuluyan mo nang ilulugmok ang iyong sarili?

Magpapatalo ka ba o patuloy na lalaban hanggang sa makamit ang tunay na tagumpay?

Malalaman lamang ang mga kasagutan sa napakaraming katanungan when the right time comes.

Just in TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon