Chapter 3

53 3 0
                                    

KINAUMAGAHAN...

Maagang nagising si Kath dahil ayaw niyang malate sa klase. 8:00 A.M kasi ang unang klase nito. Palabas na siya ng kanilang bahay nang makita siya ng kanyang ina.

"Kath, hindi ka man lang ba magpapaalam sa amin?"- Mommy Min
"Ah good morning mom, papasok na po ako sa school."Paalam niya sa kanyang ina. 'Bakit kaya ganun si Mommy at Daddy sa akin? Ano bang maling nagawa ko? Bakit ganon nila ako itrato?' Ang laging tanong ni Kath sa kanyang sarili.

Pagdating ni Kath sa kanyang classroom ay agad niyang nakita si Arisse na kausap si Julia.
"Good morning mga bessy, wow naman magkakilala na sila!" Bati ni Kath sa dalawa.
"Hahahaha oo naman, friendly kaya ako!"- Julia.
Bago pa sila makapagchikahan ay dumating na ang kanilang guro.

Samantala si Daniel naman ay papasok pa lang sa kanyang klase at agad napatingin sa kanya ang kanilang guro at mga kaklase.
"First day na first day, late agad! Anong pangalan mo Mister?" Tanong ng guro.
"Daniel Padilla." Simpleng sagot ni Daniel at naghanap na ng mauupuan si Daniel habang tawang-tawa naman ang kanyang tropa sakanya.
"Bro, first day pa lang napahiya ka na HAHAHAHAHAHA"- Marco
Hindi na lamang sila pinansin ni Daniel at itinuon na lang ang pansin sa sinusulat ng guro. Kahit naman badboy si Daniel ay responsable pa rin naman ito pagdating sa pag-aaral.

Break time na nila. Habang naglalakad sila Kath at ang kanyang dalawang kaibigan sa corridor biglang may umakbay sakanya at ito ang kanyang 'feeling jowang manliligaw' si Alden. Ilang beses na niyang binasted si Alden ngunit napakakulit nito.
"Ano ba Alden?!" Galit na sabi ni Kath sabay tanggal ng kamay nito sa kanyang balikat.
"Hahahahaha ito naman, napakasungit mo talaga buti na lang talaga gusto kita kundi hmmp." sagot naman sa kanya ni Alden.

Sumabay na si Alden sa kanila sa paglalakad papuntang canteen at hinayaan na lamang ito ni Kath.

Daniel's POV
Papunta na kami ngayon sa canteen ng mga tropa ko at may nakita akong babae, parang familiar siya sakin. Ah naalala ko na, 'yung maarteng babae sa Mcdo last month.

Ang liit talaga ng mundo, talagang pareho pa kami ng pinapasukang paaralan ha. May kasama pa siyang lalaki, boyfriend niya siguro 'to.
"Bro, bilisan mo naman diyan! Sino bang tinitignan mo?"- Tanong ni Pat sakin sabay tingin kung saan ako nakatingin.
"Teka, 'diba si Arisse yun? 'Yung magandang nakilala natin sa mcdo?"- Pat. Hay naku, itong si Pat basta talaga maganda, napaka-maalalahanin niya.
"Nasaan bro?" Agad namang tanong ni Marco. Pag nagsama talaga itong dalawang ito, napakabilis ng mga mata. Ba't ko ba naging kaibigan 'tong dalawang 'to? Tsk.
"Tara na nga, gutom na ako." Pag-iiba ko na lang para hindi na nila maisipang lumapit pa sa kanila.

Just in TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon