Chapter 1.4

71 2 0
                                    

Daniel's Point of View

Hello everyone! I'm Daniel Padilla, 19 years old. Gwapo, gwapo, gwapo! Nandito kami ngayon ni Pat sa mall dahil nag-aya siyang lumabas para raw maghanap ng chicks. Gwapo ako pero hindi ako babaero. Sinamahan ko lang siya dahil wala rin naman akong magawa sa bahay.
"Bro naman! Sayang, ang ganda nung dalawang babae kanina sa Mcdo. Napakapabebe mo naman kasi bro, sobra-sobra na 'yang pagiging choosy mo ah!"-Pat
"Edi balikan mo sila! Basta alalahanin mo wala kang sasakyang pumunta dito, magcommute ka kung gusto mong umuwi." yung sasakyan ko kasi yung ginamit papunta dito dahil kuripot 'tong kaibigan ko.
"Bro naman——" "Umuwi na tayo!" Putol ko sa sasabihin niya dahil alam kong pipilitin niya nanaman akong maglibot dito sa mall, nakakatamad kayang maglakad at baka makasalubong pa namin 'yung dalawang babae kanina sa Mcdo.
Ewan ko ba, naiinis ako dun sa Kath ba yun? Aba ewan, parang feeling ko napakaarte nun e, hindi nga marunong mag-order ng kakainin. Inutusan pa yung kaibigan niya.

*Narrator*

Habang naglalakad papuntang parking lot si Daniel biglang niyang naalala si Kath habang si Pat naman ay hindi tumitigil sa pagsasalita tungkol sa dalawang babae kanina.
"Ang ganda talaga nung Arisse!"- Pat
"Alam mo napakababaero mo talaga!"- Daniel
"Wow, akala mo naman hindi ka naging babaero noong hiniw——" Biglang nag-iba ang timpla ng mukha ni Daniel dahil sa nasabi ni Pat. Nagpeace sign lamang si Pat sa kanyang kaibigan dahil alam niya hindi ito nagustuhan ni Daniel.

Hanggang sa makarating sila sa kanilang bahay ay hindi umiimik si Daniel.
"Bro, salamat sa pagsama. Sana makapagmove-on ka na!" patawa-tawang sabi ni Pat kay Daniel. Hindi na lang ito pinansin ni Daniel at pumasok na sa kanilang bahay.

Samantala si Kath naman ay kanina pa naiinis dahil sa inasal kanina ni Daniel. "Gwapo nga, wala namang modo! Agh! Nai-stress ako!" galit na sabi ni Kath sa kanyang kaibigan.
"Ni hindi man lang nagpaalam, nakakainis talaga!"- Kath
"Alam mo bessy, ang OA mo na ha! Natural hindi naman kayo close nung tao, tsaka nagpaalam naman yung kaibigan niya e." sagot naman sakanya ng kaibigan niya.
"Hay naku, sana lang 'di na kami magkita ng lalaking yun. Napakayabang! Akala mo kung sino! " Nagikot-ikot at bumili ng mga damit at sapatos ang dalawang magkaibigan hanggang sa naisipan na nilang umuwi.


Pauwi na si Kath at naisip niya ang kanyang Ate.
"Ano kayang ginawa ni Ate at Kuya Gino? Sana 'di pa ako magiging tita huhu." sabi ni Kath sa sarili. Pagdating niya sa kanilang bahay ay agad siyang nagdoorbell at agad naman itong binuksan ng kanyang Ate.
"Buti naman at naisipan mo pang umuwi." sabi ng kanyang Ate.
"Pagod ako Ate, si Kuya Gino? Umuwi na? Ano ginawa niyo kanina?" tuloy-tuloy na tanong ni Kath sa kanyang Ate.
"Oo, kanina pa umuwi si Gino. Wala naman kaming ginawa. Pumunta kami kanina sa bahay nila kasi kararating lang ng pinsan niya galing Canada,ipinakilala ako." Masayang sagot sakanya ng kanyang ate.

"Ah akala ko kung may nagyari na dito e." Biro naman ni Kath. "Sige Ate, pahinga na ako." sabay beso ni Kath sa kanyang Ate at pumunta na sa kanyang kwarto.

Naligo muna siya at nag-ayos nang maisipan niyang mag-online para tingnan kung may message ba ang kanyang mga magulang pero ni isa ay wala itong natanggap. "Okay lang yan Kath, baka busy lang sila sa trabaho." Sabi ni Kath sa kanyang sarili.

Just in TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon