Daniel's POV
Naalimpungatan ako dahil sa ingay sa baba. Pababa na akong ng hagdan nang makita ko si Ate Franki at Jordan. Mas matanda lang siya ng isang taon sa akin at 8 yrs old pa lang si Jordan.
"Baby Boy! I miss youuuu!" sigaw ni Ate sabay yakap sa akin. "You're so gwapo na at matangkad." Oo, conyo talaga si Ate.
Lumaki sila sa Canada at minsan lang silang magbakasyon dito sa Pilipinas. Nakakaintindi si Ate ng tagalog at marunong din naman siyang magsalita ng tagalog pero konti lang. "Ate, stop calling me baby boy!"
Ang kulit kasi ni Ate eh, hanggang ngayon binibaby niya pa rin ako. Tatlo kaming magkakapatid. Si Ate Franki, ako at si Jordan.
"Bakit di mo sinabing uuwi kayo ate? Sana sinundo ko kayo sa airport." tanong ko kay ate.
"You know naman na mahilig ako magsurprise 'diba? So 'di ko na sinabi, surprise! Hahahaha btw, I have a pasalubong for you."- ate Franki. Agad naman akong na-excite sa sinabi ni ate.
"Pumunta pala si Gino and his fiancé kanina dito. Sayang di mo sila nakita." Sabi ni ate.
"Ba't di niyo ako ginising? Matagal ko nang di nakikita si kuya Gino tsaka di ko pa nakikila yung fiancé niya." Inis kong sagot kay ate. Paano ba naman kasi, hindi man lang sinabi sa amin ni kuya Gino na may girlfriend na pala siya tapos ngayon malapit na pala silang ikasal.Close kami ni kuya Gino pero minsan lang kami magkita at hindi naman siya nagkukwento tungkol sa buhay pag-ibig niya, di rin naman kasi ako nagtatanong hahahaha.
Alas syete na pala, gutom na ako. Pagdating ko kasi sa bahay kanina, natulog na ako. Pumunta muna ako sa kusina para tingnan kung may pagkain.
"Ate, kain muna tayo." Tawag ko kay ate Franki dahil panigurado gutom ito.
"We ate na kanina nila Gino at Kia." Hays dapat kasi ginising nila ako para nakilala ko na yung fiance ni Kuya Gino.Kumain na ako mag-isa dahil busy naman sila Jordan at Ate Franki sa sala. Kung tinatanong niyo kung nasaan yung parents namin, nasa Canada sila. May business kasi kami doon kaya nandoon sila. Naiintindihan ko naman sila kasi di naman sila nagkukulang sa amin. Sa tuwing may okasyon, lagi silang umuuwi. Pinipilit na nga nila akong bumalik sa Canada para sama-sama na kami doon pero hindi ako pumayag.
Ayoko nang balikan ang nakaraan ko doon.
BINABASA MO ANG
Just in Time
FanficSa tamang oras, tamang pagkakataon, mangyayari ang pinakamagandang panahon. Hindi sa lahat ng oras, kailangang magmadali. Minsan, kailangan mong pag-isipan at sulitin ang oras para sa tamang pagpapasiya. Makikita mo rin ang hinahanap mo, just in ti...