Daniel' POV
Nandito ako ngayon sa field. Maaga akong pumasok dahil excited na akong inisin si Kath hahahahaha. Saya niyang asarin. Hahaha. At kung tatanungin niyo ako kung seryoso ako kagabi, oo, seseryosohin ko talaga 'yung napag-usapan namin kagabi ng ate at parents ni Kath 'yun nga lang iba yung gagawin ko hahahahaha. Wala lang, ang boring naman kasi sa school 'diba kung wala lang pinagtritripan sa school 'diba? Tsaka atleast ngayon, nakahanap ako ng aasarin. Hahaha."Bro, ang aga natin ngayon ah!" Bungad sakin ni Pat. Hindi ko na lang pinansin si Pat at Marco dahil inaabangan ko si Kath. Hoy! Baka iniisip niyo crush ko siya!? Hindi no! Basta gusto ko lang siyang inisin. At alam ko namang magiging success pang-aasar ko sa kanya. BWAHAHAHHAHAH.
Kathryn's POV
Kasalukuyang naglalakad ako ngayon sa hallway papunta sa una kong klase nang may umakbay sakin."Hay naku, kailan mo ba ako titigilan?" Inis kong tanong sakanya sabay tanggal ng kamay niya sa balikat ko.
"Good morning din!" Nakangiti niyang bati sakin at sumabay sakin.
Nakakainis talaga 'tong lalaking 'to."Tigilan mo na nga ako Alden! Ilang beses ko bang sinabi sa iyo na ayoko munang magpaligaw?Atsaka hindi kita gusto. Hanggang kaibigan lang talaga turing ko sa'yo kaya pwede ba tumigil ka na?"
Tuloy-tuloy lang lang ako sa paglalakad nang may sumabay ulit sa'kin. Isa pa 'to! Hindi pa ako nakakaganti sakanya. Humanda siya, magagantihan ko rin siya pero 'wag muna ngayon dahil may klase pa ako. Baka ma-late pa ako no!
"Ano na naman bang trip mo at sumasabay ka pa sakin ngayon?" Tumigil ako sa paglalakad at hinarap ang dalawang lalaking sumasabay sa'kin sa paglalakad.
"Bakit? Sa iyo ba 'tong daanan? Tsaka 'wag ka ngang assuming, hindi ako sumasabay sa iyo." Nakangising sagot sa'kin ni Daniel. Argh! Ano bang problema ng lalaking 'to?!
Binilisan ko na lang ang paglalakad at hindi ko na sila pinansin hanggang sa makarating na ako sa klase ko.
Hays, buti naman at hindi ako late. May 5 minutes pa kasi bago ang first class ko.
Nandito pa rin ako sa room. Patuloy na nagdidiscuss 'yung teacher namin eh kaso parang wala namang nakikinig sa kanya maliban sa akin. Kasi 'yung ibang classmates ko tulog kung hindi tulog, nagphophone at kung hindi nagphophone nakikipagharutan. Eh 'tong teacher naman namin hindi napapansin. Well, parang nababagot na rin ako. Puro sulat lang naman ata at pakikinig gagawin. Wala man lang paactivity. Kahit kailan talaga napakaboring ng teacher na 'to. Hahaha. Magtatanong na sana si Sir nang biglang........
*kriiiiiiiiiing*
Hahaha saved by the bell na naman kamiiii. Hahaha so ayun, nagdismiss na si Sir. Palabas na mga classmates ko pero nagpahuli muna ako.
BINABASA MO ANG
Just in Time
FanfictionSa tamang oras, tamang pagkakataon, mangyayari ang pinakamagandang panahon. Hindi sa lahat ng oras, kailangang magmadali. Minsan, kailangan mong pag-isipan at sulitin ang oras para sa tamang pagpapasiya. Makikita mo rin ang hinahanap mo, just in ti...