Chapter 1

200 7 0
                                    

Maagang nagising si Kath para maghanda ng almusal para sa kanilang magkapatid. Oo, alam niyang magluto dahil kasalukuyan siyang nag-aaral sa kursong HRM. Nasanay na rin sila sa simpleng buhay kahit alam nilang sobrang yaman nila. Mayroon silang business na kasalukuyang pinapatakbo ng kanilang mga magulang.

Pababa na ng hagdan si Kath nang may maamoy siyang nasusunog. Agad- agad siyang bumaba para tingnan kung ano ito.

"Oh my God!Anong ginagawa mo!?" sigaw niya sa hindi inaasahang tao na nasa kusina nila ngayon.
"Sorry sissy, gusto sana kitang isurprise eh kaya nagluto ako per—" "Nasurprise talaga ako Ate, muntik mo nang masunog 'tong bahay natin!" Pagalit na sagot ni Kath.
"Ang OA mo naman sissy, oh ikaw na!" sabay alis ni Kia sa kusina.

Kath's Point of View

Nakakainis naman si Ate, itlog na nga lang 'di niya pa alam lutuin. Tapos gusto na niyang magpakasal. Ano na lang ipapakain niya sa magiging asawa't anak niya? Sunog na itlog? Jusko! Baka iwan siya ni Kuya Gino!

Btw, ako nga pala si Kathryn Mercado, 19 years old. Hindi naman sa pagmamayabang pero kami ay mayaman. Marami kasi kaming business na pinapatakbo ng aming mga magulang. Physical attribute ko? Hmm, sabi ni Ate maganda ako, alam ko naman 'yun hehe. Matalino,  mabait, simple at higit sa lahat may takot sa Diyos.

So mabalik tayo sa nangyayari. Magluluto na nga pala ako para makakain na kami ni Ate dahil sigurado akong pupunta na naman si Kuya Gino dito sa bahay para pag-usapan 'yung kasal nila. Aminado naman akong hindi ako sang-ayon sa pagpapakasal ni Ate kay Kuya Gino dahil alam kong iiwan na ako ni ate dito sa bahay at magsasama na sila ni Kuya Gino. Suportado ako sa relasyon nila pero ayoko muna silang magpakasal. Oo, selfish na kung selfish pero nasanay na kasi akong nandiyan lagi si Ate sa tabi ko.

Masyado pang maaga para magpakasakal si ate no, 24 yrs old palang kaya siya, kaya ayaw ko muna siya maikasal. Dalawa na nga lang kaming anak nina mommy at daddy tapos mailalayo pa siya sakin. Ano na lang mangyayari sa akin? Mag-isa sa bahay sa tuwing wala sina mommy at daddy? Well aside sa mga katulong namin na pwede kong makasama. Pero mas masaya pa rin na kasama si ate. Siya lang kasi ang nakaka-usap ko dito sa bahay tungkol sa maraming bagay. Wala naman kasi ang parents namin. Laging subsob sa trabaho. Wala na nga rin silang time para makapagbonding kaming family. Kung meron man, minsan lang. Nasa Korea kasi sila para sa business namin.

Tatawagin ko na nga si ate at nang makakain na kami. Nakakagutom din kaya magluto. Hahahaha.

"Ate! Kain na!" sigaw ko.
"Teka lang Sissy, nag-aayos pa ako" sigaw ni Ate.

Hay naku kahit kailan talaga ang bagal bagal kumilos. Paano na lang kung magkaka-anak na sila ni Kuya Gino? Hala, ang advance ko na naman. Sabing ayaw ko pa nga ikasal si ate e. Hay naku! Kung ano na naman pinag-iisip ko.

Katatapos lang namin kumain at nandito kami ngayon sa sala. Kasalukuyan kaming nanonood ng It's Showtime nang biglang tumunog 'yung doorbell.

*dingdong*

"Ate baka si Kuya Gino na yan." Dali dali namang lumabas si ate para buksan ang aming gate at hindi nga ako nagkamali dahil magkahawak-kamay silang pumasok sa bahay.

"Hello Kathyyyy!" bati sa'kin ni Kuya Gino sabay beso.
"Hello Kuya!" Oo, close kami ni Kuya Gino kahit ayaw ko munang magpakasal si ate.

Mabait naman kasi si Kuya Gino eh, gwapo, matalino at mayaman din 'yan. Actually, business partners ang parents niya at parents namin kaya no wonder, boto rin sila mommy at daddy sa kanya.

"Ate, Kuya, magshoshopping muna ako. Maiwan ko muna kayo rito," sabay beso kay Ate Kia.  Pumunta muna ako sa room ko para mag-ayos.

Just in TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon