*Narrator*
Nang makarating si Kath sa Mcdo, agad niyang nakita si Arisse dahil nakapila na ito sa counter.
"Ito talagang babaeng 'to napakasama, 'di man lang ako hinintay," sa isip ni Kath.
Nagtungo na siya kay Arisse at agad niyang kinurot ito sa tagiliran.
"Aray! Ano b—- Bessy naman, ang sakit nun ha!" galit na pabulong ni Arisse. Hindi na nakasagot si Kath dahil may kumalabit sa kanya.
"Excuse me miss pero alam mo bang masama ang nakikisingit? Pumila ka ng maayos!" ani ng lalaki.
Hindi na lamang ito pinansin ni Kath at sinabi na lang kay Arisse ang kanyang oorderin.
Naghanap na si Kath ng mauupuan nilang dalawa pero wala ng space, may nakita siyang upuang pag-apat na tao pero naunahan na siya ng isang lalaki.
"Kuya may kasama ka ba?"- Kath
"Ah meron pero dalawa lang naman kami, nag-order kasi 'yung kasama ko" sagot ng lalaki.
"Pwede po bang makiupo? dalawa lang din naman kami ng best friend ko e." sabi ni Kath. Agad naman pumayag ang lalaki.Nang makita niyang hinahanap siya ni Arisse ay agad niya itong kinawayan at nakita naman agad nito ni Arisse. Kasunod nito ang lalaking sumita sa kanya kanina sa counter.
"Don't tell me, ito yung kasama ng lalaking nasa harapan ko?" Sa isip ni Kath. "Daniel! Dito!" sabay kaway naman ng lalaking nasa harapan niya.
"Hay naku, mukhang makakasabay ko pa sa pagkain itong mayabang na ito." sa isip ni Kath.
Habang kumakain sila, hindi naiwasang tingnan ni Kath si Daniel.
"Ang gwapo naman pala kaya siguro mayabang," bulong ni Kath.
"Ano yun bessy?" takang tanong naman ni Arisse sa kanya."Ha? Wala, sabi ko bilisan mo para makapagshopping na tayo!" Palusot naman ni Kath.
"Ah teka lang, kanina pa tayo magkakasama pero hindi pa pala tayo magkakakilala hahahaha btw, I'm Pat" sabay lahad ng kanyang kamay.
"Ah ako si Kath." "I'm Arisse." sabi nilang dalawa at nakipagshake hands kay Pat.
"Bro, magpakilala ka naman." sabi ni Pat kay Daniel.
"Hindi lang pala mayabang itong lalaking to, masungit din pala."sa isip ni Kath.
"Daniel." simpleng sabi ni Daniel sa kanyang pangalan at tumayo na."Sige una na kami Kath at Arisse, may pupuntahan pa kami e. Nice to meet you." paalam ni Pat sa dalawang babae.
"Argh! Napakayabang!" Gigil namang sabi ni Kath pagkatapos umalis ang dalawang lalaki.
BINABASA MO ANG
Just in Time
FanfictionSa tamang oras, tamang pagkakataon, mangyayari ang pinakamagandang panahon. Hindi sa lahat ng oras, kailangang magmadali. Minsan, kailangan mong pag-isipan at sulitin ang oras para sa tamang pagpapasiya. Makikita mo rin ang hinahanap mo, just in ti...