Chapter 1.2

93 4 0
                                    

Bago ako lumabas ng bahay tinawagan ko muna si Arisse, best friend ko. Agad naman niya itong sinagot.

"Hello bessy?" sabi ko sa phone.
"uhmmmm" mukhang kagigising lang ng babaeng ito.
"BESSY!! SHOPPING TAYOOOO!!"- ako
"Aray naman bessy! Napaka-ingay mo talaga! Kagigising ko pa lang okay? Mag-aayos muna ako. Kita na lang tayo sa mall." Sabay baba ng kanyang telepono.
"Bastos!Di naman lang ako pinagsalita hmp!" Naglakad na ako papunta sa sasakyan ko at nag-drive na papuntang mall. Yes, marunong akong magdrive hehe. Tinuruan ako ni ate noong 15 yrs old ako pero last year lang ako binilhan ng kotse dahil nasa tamang edad naman na raw ako sabi ni ate. Naalala ko nga, ayaw pa akong ibilhan ni Dad noon pero pinilit lang siya ni ate kaya pumayag siya.

Btw, kaya ko naisipang pumunta sa mall dahil mahilig talaga kasi kaming magshopping ni Arisse. Madalas kaming lumabas kapag walang pasok o kaya kapag trip namin, isa na rin yun sa bonding namin. Mayaman din naman sina Arisse at business ang parents niya at parents ko magmula noong bata pa lang kami. Kaya rin kami nagkakilala dahil sa parents namin. May isa pa kaming best friend pero nakatira na sila sa Canada ngayon at wala na kaming communication. Hays! Ewan ko ba! Tama nga yung sinabi nila na 'hindi lahat ng nakapaligid sayo ay permanente, may umaalis at may dumarating' pero sino naman kaya yung darating?

Nandito na ako sa mall pero hanggang ngayon wala pa rin si Arisse, napakakupad talaga ng babaeng 'yun, parehas ni Ate.
Speaking of my Ate. Ano na kayang ginagawa nila ni kuya Gino sa bahay? OMG dapat pala hindi ko sila iniwan doon.Wala naman siguro silang gagawing masama no? Okay self, magtiwala ka sa Ate mo!

Wala kasi sila Yaya Cel at iba pa naming kasamabahay dun. Pinagbakasyon muna namin sila ng isang linggo para naman makasama nila yung pamilya nila. May day off naman sila, isang araw sa isang linggo pero dahil bakasyon ko at nakaleave si ate sakanyang trabaho dahil sa pagplaplano nila sa kanilang kasal ni kuya Gino kaya okay lang naman na pauwiin muna namin sila sa kanilang pamilya. Sila mommy at daddy kaya? Kailan kaya sila uuwi dito sa Pilipinas?

Habang hinihintay ko si Arisse, iikot muna ako dito sa mall. Tumingin-tingin ako sa mga damit, sapatos at mga gamit sa eskwela. Oo nga pala, isang buwan na lang ulit pasukan na naman at 3rd year college na ako sa pasukan.

*kriiiiiing kriiiiiiing* (phone rings)
"Hello bessy? Nasaan ka? Nandito na ako. Kita na lang tayo sa Mcdo gutom na ako e, 'di na ako kumain kasi alam ko namang ayaw mong naghihintay ng matagal." sabi ni Arisse.

Bakit parang kasalanan ko pa na di siya nakakain? Itong babaeng 'to talaga tsk.

"Kasalanan ko bang late ka na gumising? Osige na papunta na ako sa mcdo." sagot ko naman sa kanya. Sabagay gutom na rin ako, kanina pa ako paikot-ikot dito at sa kahihintay sa kanya.

Just in TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon