Kath's POV
Argh! Nakakainis na talaga! Kanina pa itong Daniel na 'to! Kung wala lang family ko dito, kanina ko pa siguro 'to nasapak.
Mukhang nagugustuhan na niya ang pang-aasar sa akin ah. Hinihintay niya talagang magantihan ko siya ah. Hmm, wait ka lang. Hindi ko na lang muna siya pinansin at pinukos ko na lang ang sarili ko sa mga pagkain.
Kanina ko pa napapansin na panay tingin Daniel sa phone niya nang bigla siyang tumayo at nagpaalam na sa amin. Tsk 'di na ako makakaganti sakanya. Humanda ka sa'kin sa school.
Marami-rami na rin kaming pinag-uusapan at 'di nagtagal ay umuwi na rin kami.
Pagdating namin sa bahay, kinausap ko si ate.
"Ate, seryoso ba kayo sa sinabi niyo kay Daniel kanina?" Tanong ko kay ate. Ngumiti naman si ate.
"Yes sissy! Bakit? Mabait naman si Daniel eh tsaka ayaw mo 'nun ang pogi ng taga-bantay mo!" Ano?! 'Yung Daniel na yun mabait?! Oo pogi siya pero 'di siya mabait. Jusko! Hindi ko na lang sinagot si ate at pumunta na ako sa kwarto para makapagpahinga na dahil may pasok pa ako bukas.Hindi ako makatulog dahil iniisip ko pa rin 'yung usapan nila ate at Daniel kanina. Hays! Ano ka ba Kath?! Pwede mo namang iwasan si Daniel eh! Pero 'di ko pa siya nagagantihan.
Mag-aalas dose na at 'di pa rin ako inaantok. Sana naman 'di ako malate gumising bukas. Nakakahiya kapag nagkataon tsaka baka pagalitan pa ako ni Mommy. Speaking of Mommy, 'di ko na sila nakausap kanina dahil dumiretso na agad sila ni Daddy sa kwarto nila. Hays, 'di ko pa natatanong kung hanggang kailan sila dito. Tatanungin ko na lang bukas, ang mahalaga ngayon ay makatulog ako dahil ayoko talagang ma-late.
BINABASA MO ANG
Just in Time
FanfictionSa tamang oras, tamang pagkakataon, mangyayari ang pinakamagandang panahon. Hindi sa lahat ng oras, kailangang magmadali. Minsan, kailangan mong pag-isipan at sulitin ang oras para sa tamang pagpapasiya. Makikita mo rin ang hinahanap mo, just in ti...