Kath's POV
Ang bilis talaga ng araw. Pasukan na naman bukas at dalawang buwan na lang kasal na ni ate at kuya Gino. Hays umagang-umaga nalulungkot na naman ako dito. Pero wala naman akong magagawa dahil nakapag-desisyon na si ate at kailangan kong suportahan iyon.
Ang kailangan kong isipin ngayon ay ang pag-aaral ko dahil pasukan na nga bukas at tinatamad pa rin ako.
Nakabili na ako ng gamit ko sa school last week at sinamahan ako ni ate. Wala kasi si kuya Gino.
Makapag-ayos na nga at kailangan ko na ring bumaba para matulungan ko si Yaya Cel sa pagluluto. Oo, may mga kasambahay kami kaso gusto ko rin namang matuto sa gawaing bahay para naman may alam ako. Hindi naman porket mayaman kami ay iaasa ko na lang lahat sa mga katulong namin ang mga gawain dito sa bahay na alam kong kaya ko naman. Ewan ko lang kay ate kung bakit hanggang ngayon ay 'di pa rin marunong magluto hahahaha.
"Oh magandang umaga iha, kumain ka na."- Yaya
"Good morning Yaya! Si ate po?" tanong ko.
"Maaga siyang umalis iha dahil darating daw ang Mommy at Daddy mo ngayon, siya na ang sumundo sa kanila sa airport." - Yaya
"Ang daya naman ni ate." sabi ko sa tabi.Alam kong paborito talaga ng mga magulang ko si ate Kia kaya minsan naiinggit ako sakanya, bukod sa mas matalino at mas talented siya sa akin, mas gusto rin siya ng nakakarami. Pero kahit minsan hindi ako nagalit kay ate dahil alam kong mahal niya ako at yun ang importante.
Pagkatapos kong kumain ay lumabas muna ako ng bahay dahil wala naman akong ginagawa. At habang naglalakad ako ay may sumabay sa akin. Matangkad, maputi, maganda.
"Hi!"- Siya
"Hello?" takang sagot ko."Btw I'm Julia, Julia Montes. Bago lang kami dito at wala pa akong kaibigan hehe kakapalan ko na ang pagmumukha ko. Pwede ba kitang maging kaibigan?" Hahahahaha nakakatuwa naman siya.
"Oo naman!" sagot ko sakanya. Hindi naman ako mapili sa kaibigan eh, basta alam kong mapagkakatiwalaan at mukha naman siyang mabait.Marami kaming napagkuwentuhan ni Julia at napag-alaman ko ring sa school pala namin siya mag-aaral at pareho rin kami ng kursong kinukuha.
"Sige Julia, kita na lang tayo sa school bukas." pagpapaalam ko kay Julia at umuwi na.
BINABASA MO ANG
Just in Time
FanfictionSa tamang oras, tamang pagkakataon, mangyayari ang pinakamagandang panahon. Hindi sa lahat ng oras, kailangang magmadali. Minsan, kailangan mong pag-isipan at sulitin ang oras para sa tamang pagpapasiya. Makikita mo rin ang hinahanap mo, just in ti...