Chapter 3.2

40 2 0
                                    

Kath's POV

Pagdating namin sa canteen agad na kaming naghanap ng mauupuan.
"Ako na bibili ng pagkain. Ano gusto niyo?" boluntaryo ni Alden. Total tinatamad din naman akong maglakad, magpapabili na lang ako. Sinabi na namin yung mga gusto naming kakainin at nagbigay na rin ng pera dahil nakakahiya naman kung magpapalibre kami kay Alden.

"Kath! Arisse!" Ha? Sino yun? May tumatawag sa aming lalaki sa 'di kalayuan at may kasama rin siyang dalawang lalaki. Papalapit na sila sa amin.

Ah si Pat lang pala at si Daniel. Ano!? Dito rin nag-aaral yung lalaking mayabang slash masungit na yun?!
"Hi Kath! Hi Arisse! Hello----?"
"Julia" Pagpapakilala naman ni Julia sa kanila.
"Ito naman si Marco, kaibigan din namin ni Daniel."

                                                                  *Narrator*
Pagdating ni Alden ay agad din naman siyang nagpakilala kina Daniel. Habang sila'y kumakain ay marami na silang napag-uusapan gaya na lamang ng kanilang kinukuhang kurso. Sila Pat, Marco at Daniel pala ay kumukuha ng kursong Civil engineering. "Hmm, mukhang matatalino rin pala ang mga ito," ika ni Kath sa kanyang isipan. Si Kath at Daniel ay tahimik lamang.
"Kath, himala hindi ka madaldal ngayon." Asar sakanya ni Arisse.
"Busog lang ako." Palusot naman ni Kath, pero sa katunayan ay nahihiya siya kay Daniel dahil kanina pa siya tinititigan nito.
"Malapit na mag-time, tara na at baka malate tayo, 'yung terror na teacher pa naman teacher natin ngayon." sabi ni Julia. Nagpaalam na sila at dumiretso na sa kanilang susunod na klase.

Habang hinihintay nila ang kanilang guro, naisip ni Kath yung pagtitig sa kanya kanina ni Daniel.
"Bessy, siguro iniisip mo yung pagtitig sayo ni Daniel kanina no?"- Julia. Yung totoo? Mind reader ba 'tong si Julia?
"Oo nga, napansin ko rin yun. Crush ka siguro nun! Yieeeee" Asar naman ni Arisse kay Kath.
"Crush ka diyan! Baka pinagtatawanan na ako sa isip nun kamo, eh napakayabang nun e!" Inis namang sagot ni Kath sa mga kaibigan.
"You mean Daniel Padilla ba?" tanong naman ng isa nilang kaklase?
"Ha? Hindi namin alam apelyido nun e, tsaka wala kaming oras para alamin dahil napakayabang din naman ng lalaking 'yun. So why would we waste our time to know his surname 'diba?" sagot ni Kath sa kaklase.
"Ah baka iba nga, mabait naman kasi si Daniel Padilla. Btw I'm Zharm Santos." pagpapakilala sa kanila ni Zharm. Nagpakilala na rin si Kath at ang kanyang mga kaibigan kay Zharm.

Julia's POV

Hi! Ako nga pala si Julia Montes. Best friend ako ni Kath. Parang hindi maganda yung feeling ko sa Zharm na 'to.
"Kath, parang feeling ko plastic yang Zharm na yan!" Bulong ko kay Kath. Nag-uusap kasi ni Arisse at Zharm, mahirap na baka marinig pa ako ng Zharm na yan. "Hoy, wag ka naman judgmental diyan bessy!" Bulong naman pabalik sa'kin ni Kath.

Hays ewan ko ba! Parang mapapahamak kami kapag kinaibigan namin 'yang Zharm na 'yan pero ang sama ko naman kung ipagtatabuyan ko siya 'diba? Kaya makikigo with the flow muna ako. I will observe her pa since parang gusto niyang makipagfriends sa amin. Malalaman ko rin kung ano talaga ang balak niyang Zharm na 'yan.

Meanwhile, nag-umpisa nang magturo 'yung teacher namin pero kaming lahat walang kagana-ganang makinig sa kanya. Ikaw ba naman magkaroon ng teacher na terror na matanda, sinong hindi makakatulog?!

Just in TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon