Kath's POV
Uwian na namin at kailangan kong magmadali dahil nagtext sa 'kin kanina si ate. Magdi-dinner daw kami sa labas. Excited na ako dahil ngayon na lang ulit namin makakasama sina Mommy at Daddy na kakain sa labas.Nagpaalam na ako sa mga kaibigan ko at papunta na ako ngayon sa parking lot. Papasok na sana ako sa aking kotse nang makita ko si Daniel na papasok rin sa kanyang kotse. Nauna na siyang umalis kaysa sakin at sumakay na rin ako sa aking kotse. Wala naman akong pake dun.
*Kriiiiiiiing kriiiiiiing* Tumatawag si ate.
"Hello ate?" "Kath nasaan ka na? Bilisan mo sabi ni mommy!"- Ate.
Hay naku 5:30 P.M pa lang naman, bakit kaya sila nagmamadali?
"Oo na ate, on the way na ako!" At ibinaba ko na yung phone ko, mahirap na baka maaksidente pa ako.Pagdating ko sa bahay, agad akong nag-ayos dahil nakaayos na sila ate. Hinihintay na lang nila ako sa baba.
Papunta na kami sa Hana's Restaurant, doon daw kami magdi-dinner. Tahimik lang ako sa likod ng kotse habang sina mommy, daddy at ate naman ay nagkukwentuhan tungkol sa business namin.
"How about you Kath? Pinagbubuti mo ba ang pag-aaral mo?" Tanong sakin ni mommy.
"Oo naman po mommy." Nakangiti kong tugon sakanya.
"Mabuti naman kung ganun. Umiwas ka sa mga 'di nakakabuti sayo. Tularan mo itong ate mo." Tumahimik na lang ako sa sinabi ni mommy.Nakarating na kami sa restaurant at sinalubong kami ni Kuya Gino. Ha? Akala ko ba family dinner 'to? Sabagay fiancé na nga pala ni ate si kuya Gino kaya kapamilya na rin namin siya.
Pumasok na kami sa restaurant at laking gulat ko dahil nandito si Daniel. Wtf?! Anong ginagawa ng lalaking 'to dito? Papalapit na kami sa kinauupuan nila at bumeso si ate sa kasama niyang babae.
"Ah si Franki at Daniel po pala, mga pinsan ko." Pagpapakilala ni kuya Gino sakanila.
"Sorry po kung isinama ko sila, nagpumilit po kasi sila para daw makilala na po ni Daniel si Kiara." Pagpapaliwanag ni kuya Gino.
Wow! Bakit naman kailangang kilalanin pa ni Daniel ang ate ko? Nagpakilala na rin ako kay ate Franki at umupo na.Nag-order na sila ng makakain at nagkukwentuhan na. Tumingin ako kay ate at kinalabit siya ngunit sinamaan naman ako ng tingin ni ate dahil 'di pa ako nagpapakilala kay Daniel.
"Ate, kilala ko na siya. Schoolmates kami okay?" Inis kong bulong kay ate. "Wow! Schoolmates pala sina Daniel at Kath. Ang liit nga naman talaga nga mundo." Masaya namang sabi ni ate na ikina-irap ko. Tsk!
"Mabuti 'yan para mag taga-bantay itong si Kath." Sabat naman ni Daddy.
"Oo nga, minsan kasi pasaway itong kapatid ko."- Ate.
"Don't worry po, ako po bahala kay Kath sa school. Babantayan ko po siya." Nakangiting sagot ni Daniel sabay ngisi sakin na kaharap ko. Sumang-ayon naman ang parents ko pati na rin si ate sa sinabi ni Daniel. What?! Anong akala nila sakin? Bata?! Grrrr nakakainis talaga 'tong Daniel na 'to!Daniel's POV
Hahahahaha, akalain mo nga naman kapatid pala ni Ate Kia itong si Kath. 'Di kaya meant to be kami nitong si Kath? Ano bang pinag-iisip ko dito? Ako magkakagusto sa napakaarteng babae? No way! Babalik na lang ako sa Canada no!Alam kong inis na inis na sakin si Kath dahil sinakayan ko yung sinabi ng Dad niya na ako ang magbabantay sa kanya hahahahaha. Sarap palang pagtripan nito, ang bilis niyang mapikon. Ang cute niya. Hindi! Ang panget niya pala. Tsk!
(Hay nako Daniel! 'Dyan nag-uumpisa 'yan. Sige ka. Hahahahahah)
Manahimik ka nga 'dyan author. Ituloy mo na ginagawa mo. Heheh.
Habang nagkukwentuhan kami sinipa ko yung paa niya pero 'di naman malakas para lang mapatingin siya sa'kin. Nginisian ko na naman siya, sinamaan naman niya ako ng tingin at tinuloy niya lang ang pagkain ng ice cream. Hahahahaha pikon! Hmm, saya pala talagang asarin nito. Hahahhahhaha.
BINABASA MO ANG
Just in Time
Hayran KurguSa tamang oras, tamang pagkakataon, mangyayari ang pinakamagandang panahon. Hindi sa lahat ng oras, kailangang magmadali. Minsan, kailangan mong pag-isipan at sulitin ang oras para sa tamang pagpapasiya. Makikita mo rin ang hinahanap mo, just in ti...