PAANO SUPILIN ANG LIHIM NA PAG IBIG
RUBI BOOK 2
"ACE"
BY:EMMZ
CHAPTER 1...
8 YEARS LATER....SAN DIEGO CALIFORNIA U.S.A.
Sa tagal na inilagi ni Ace Meneses sa San Diego California ay marami siyang natutunan lalo na sa pagiging independenti...at ngayong papauwi na siya ng bansang kinamulatan niya'y pakiramdam niya'y parang nagkaroon na siya ng mga pakpak para makalipad sa kanyang sariling pugad at ngayon ay pabalik na naman siya sa bansang sinilangan para ipagpatuloy ang sinimulang negosyo ng kanyang ama dahil sa mayroon itong inaasikasong iba pa nilang negosyo at ang pinakabago nilang negosyo ang siyang kanyang imamanage para mahasa ang kanyag pinag aralan na siyang ginugol niya ng mahabang panahon sa states....
Muling nilingon ni Ace ang labas ng airport habang bitbit niya ang kanyang hand carry luggage at papasok na siya immigration at katatapos na niyang magcheck in....
"Thanks God dahil sa wakas ay makakauwi narin ako sa bayang sinilanagan ko at salamat sa mga paggabay mo sa akin sa mga panahong kinailangan kita at sa mga susunod pang mga sandali at sana'y lagi kang nandiyan PANGINOON ko sa aking tabi upang itama ako kung ako'y nalilihis ng landas !,..piping dasal ni Ace saka dumiretso sa may boarding area upang hintayin ang pagdating ng eroplanong kanyang sasakyan...
PILIPINAS... NEW MANILA.....
Abala si Rubi at ang kanyang biyenan na si donya Liza sa pag aasikaso sa kanilang mansiyon dahil darating na ang panganay na anakni Rubi na si Ace kaya puspusan ang kanilang paglilinis sa bawat sulok ng bahay...
"Manang Lagring pakilinis po ng mabuti yung kwarto ni Ace,..palitan po yung kobre kama at yung mga punda ng unan saka yung kurtina,..yung sky blue na kulay ang ilagay ninyo manang Lagring dahil alam mo naman ang anak kong iyon eh may pagka banidoso kaya't pasensiya na po kayo ha!,...natatarantang wika ni Rubi sa kanilang katulong...
"Naku po mam sa totoo lang po gustong gusto naming umuwi na si sir Ace dito kasi kahit na istrikto siya pagdating sa sarili niya ay mas maganda pong tingnan dahil napakamasinop niya halos daig pa niya ang babae kung magsinop ng kanyang kwarto,..hindi gaya ng kambal na sina AUDREY at ANDREA na talaga namang napakaburara kababae nilang tao eh!,...walang preno ng bungangang wika ng matandang kasambahay nila Rubi ang mommy ni Ace at ng kambal....
"Hay naku mamang Lagring sinabi mo pa kung minsan nga eh sumusuko na ako sa pagkaburara nila eh kung saan binagsak ang mga gamit doon din nila pupulutin kung kailangan nila!,...buntong hiningang saad ni Rubi saka iiling iling ng muling maalala ang mga anak niyang kambal..
"Pero mam mababait naman sila yun nga lang pasaway sa loob ng bahay at higit sa lahat napakaganda nila kagaya ninyo na kahit nagkaedad na rin kayo ay taglay ninyo parin ang kagandahang umaakit sa inyong asawa.....nakangiting puri ni manang Lagring kay Rubi..
"Hmm nambola ka pa manang anyway salamat hah!...ani Rubi at nagulat ng may magsalita sa kanyang likuran,..
"Talaga namang walang kasing ganda ng aking misis kaya't habang tumatanda kami'y mas lalo pa akong naiinlove sa kanya eh!....ani Axe sabay yakap sa likuran ni Rubi..
"Hay naku mahal kong asawa magtigil ka nga diyan at nakakahiya nasa harapan mo si manang Lagring baka kung ano ang isipin niya hi hi hi!,...natatawang wika ni Rubi dahil nakikiliti siya sa pagkakahawak ni Axe sa may balakang nito...
"Naku sanay na ako sa mga ganyang lambingan dahil napagdaanan ko rin ang mga iyan!,...natatawang sabi ni aling Lagring sa mag asawang Axe at Rubi...
"See sweetie nakita mo na kaya pwede pa tayong humabol ng isa pa baka magkaroon pa tayo ng another junior eh di magiging dalawa na ang anak kong lalaki ,..diba manang Lagring?,...saad ni Axe sabay baling nito sa matandang katulong na halos hawak hawak ang kanyang tiyan sa katatawa sa mga biro ni Axe sa asawa nito...
BINABASA MO ANG
RUBI 2...Paano Supilin ang Lihim na Pag Ibig...by...emalbino
Любовные романыPAANO SUPILIN ANG LIHIM NA PAG IBIG “ACE” …RUBI BOOK 2… BY: EMMZ TEASER….. …Mahiwaga ang pag ibig dahil hindi mo ito natuturuan kusang kakatok at titibok sa puso ninuman walang pinipili basta ang madapuan ay tiyak na tatamaan,.. At kung minsan kahit...