CHAPTER 9

3.5K 94 2
                                    

PAANO SUPILIN ANG LIHIM NA PAG IBIG

REVENGE BOOK 2

"ACE"

BY:EMMZ

CHAPTER 9...

Dumating ang araw ngconference meeting nila Ace at Roman Martinez sa Baguio at gaya ng sabi nito ay si Yvonne na nag ginawa niyang halili nito at itinuturo na rin ni Roman sa anak nito ang tamang pamamakalad sa kompanya para hindi na siya alangan sa pag upo nito sa kompanya ng kasosyo bilang assitant manager....

Kabado si Yvonne habang hinihintay nito si Ace sa pagsundo nito sa kanya dahil usapan nilang susunduin siya ni Ace para iisang sasakyan nalang ang gagamitin nilang papunta ng Baguio at kahit na tutol siya ay walang nagawa si Yvonne dahil sinang ayunan naman ng kanyang ama ang sinabing iyon ni Ace kaya't tumahimik nalang ang dalaga

Makalipas ang biente minuto ay natatanaw na ni Yvonne ang sasakyan ni Ace mula sa sala dahil nakabukas ang pinto kaya naman bago pa pumasok ng bahaysi Ace ay lumabas na ang tatlo na sina ginang Levy at asawang si Roman at si Yvonne...

Agad na sinalubong ni Ace ang tatlo at napangiti siya dahil kahit naka skinny jeans at simpleng t shirt ang suot ni Yvonne ay talagang maganda ito at parang mas maganda pa sa paningin ni Ace ang simpleng suot nito kaysa sa nakaayos ng todo....

"Magandang umaga po sa inyong lahat pasensiya na po kung naghintay kayo...bati ni Ace sabay hingi ng paumanhin...

"Magandang umaga naman sa iyo iho hindi namna masyadong matagal ang ihinintay namin mga biente minutos lang naman o paano ingat nalang kayo sa biyahe at sana ay makuha natin ang simpatya ng mga tayo roon para maipatayo natin doon ang branch ng ating kompanya....pahayag ni Roman kay Ace...

"Oo nga po eh at salamat po sige po at lalarga na kami para hindi kami abutan ng masyadong trapik sa daan,..Yvonne ok na ba lahat ng gamit mo baka may nakalimutan ka?....saad ni Ace sabay ngiti ito sa dalaga....

"Ah eh nasa bag ko n alahat ng mga kakailanganin ko at salamat sa paalala,..sige po mama papa aalis na po kami....sagot ni Yvonne kay Ace sabay baling sa kanyang mga magulang at humalik sa mga pisngi nila....

Habang nasa daan ay pasulyap sulyap si Ace sa kanya na siyang dahilan ng pagkabog ng kanyang dibdib dahil kada titingin sa kanya ay kay tamis na ngiti ang pinapakawalan nito at waring inaakit ang kanyang puso na siyang dahilan ng pagkatuliro nito at biglang siyang nagulat ng ihinto ni Ace sa isang tabi ang kotseng minamaneho at gagapin nito ang kanyang kamay at maya maya pa'y dinala nito sa kanyang labi at hinagkan ng paulit ulit...

"Yvonne na miss kita ng sobra,.hindi ko kaya ng hindi kita makita ng ilang araw para akong mababaliw sa pangungulila sayo,..mahal na mahal kita Yvonne,..maniwala ka mahal na mahal kita... paglalahad ni Ace ng kanyang damdamin sa dalaga na noon ay pinamulahan na ng mukha...

Parang kinikiliti ang puso ni Yvonne ng hagkan ng paulit ulit ni Ace ang kanyang mga kamay at habang nakatitig siya sa kanyang mga mata..na para bang tinutukso nito ang kanyang puso ngunit parang gustong gusto naman niya lalo na kapag sinasabi nito ang mga katagang mahal siya ni Ace parang nais niyang maglambitin sa leeg ng lalaki at hagkan ng matagal ang mga labi nitong mapupula na kaysarap hagkan...

"Yvonne are you ok?....nag alalang tanong ni Ace dahil nakatulala ang dalaga habang nakatingin sa kanya...

"Hah ah eh im o- im ok!...nauutal na sagot ni Yvonne ngunit hindi kubensido si Ace kaya inilapit nito ang mukha sa dalaga hanggang halos magkadikit na ito at langhap ng bawat isa ang kanilang mga hininga...

Parang hindi makahinga si Yvonne sa lapit nilang dalawa at mas lalo siynag kinabahan ng todo ngunit ng mapatingin siya sa mga labi ni Ace na para bang naghihintay ng halik ay hindi niya napaglabanan ang bugso ng damdamin at hinagkan nito ng banayad....

RUBI 2...Paano Supilin ang Lihim na Pag Ibig...by...emalbinoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon