CHAPTER 14

3.1K 82 7
                                    

PAANO SUPILIN ANG LIHIM NA PAG IBIG

RUBI BOOK 2

"ACE"

BY...EMMZ

CHAPTER 14..

Dahil sa gulong iyon ay nagsidatingan ang mga tsismoso't tsismosa sa at nakita nila ang nangyari sa magpinsan at pati narin ang pagsuntok ni Axe sa anak nitong si Ace at nasaksihan din ng mga ito ang tagpong magkayakap si Yvonne at Ace kaya nagbulungan nag mga tao sa labas...

"Diba si Mam Yvonne eh girlfriend ni sir Rhodney?...wika ng isang tsismosang empliyada sa kapwa nito empliyada sa kompanyang iyon na pag aari ni Axe at tanging kasosyo lang nito ang papa ni Yvonne...

"Oo!..pero bakit magkayakap si sir Ace at mam Yvonne at galit na galit si sir Rhodney?...ibig bang sabihin noon eh pinagtataksilan ng dalawa si sir Rhodney kaya nagalit ito dahil siguro ay nahuli niya ang dalawa sa akto!...muling sabi ng isang empliyada na hindi nakaligtas sa pandinig ni Axe...

"You busy body!..shut up your mouth or else i gonna fire you out of my company!...sigaw ni Axe sabay duro nito sa mga tsismosa nitong empliyada at sa takot nila sa amo ay agad na tumalilis ang mga ito at naiwan ang apat sa kwarto at maya maya pa'y kuyom ang mga palad na lumabas ng kwarto si Rhodney at tuloy tuloy sa papuntang lift para makalabas na sa gusaling iyon dahil parang hindi niya kaya nag nasaksihang iyon...

"How dare you Ace!..,sa dinami dami ng tao sa mundong ito bakit ikaw pa na itinuring kong kapatid at kadugo ko ang siyang nag traydor sa akin!..bakit mo ito nagawa sa akin?..at ikaw Yvonne ang taas ng paggalang ko sa iyo ngunit bakit mo ito nagawa?..bakit ninyo nagawa ito sa akin!..bakit!!!...nanggagalaiting turan ni Rhodney habang kuyom ang mga palad at ng bumukas ang elevator at agad na pumasok ito papunta ng carpark para lisanin ang gusaling iyon...

Samantala awang awa si Yvonne sa sinapit na bugbog ni Ace kay Rhodney at sa daddy nito kaya hindi niya mapigilan ang umiyak habang pinagmamasdan nito ang mga putok sa kilay at labi ni Ace...

"Shh tahan na it's ok i'll be fine and don't worry everything will gonna be alright!...ani Ace kay Yvonne ng umiiyak ito at alam niyang siya ang dahilan ng kanyang pag iyak...

"Ace!...tanging wika ni Lyn saka dahan dahan niyang idinampi ang tissue paper na hawak nito para punasan ang mga dugong umagos sa mukha ni Ace...

"Kaya natin ito!...i will be fight for our love!...hinding hindi ako susuko at hinding hindi kita isusuko dahil ikaw ang buhay ko Yvonne mahal na mahal kita"...madamdaming pahayag ni Ace kay Yvonne saka hinagkan nito ang kamay ng katipan saka tumitig sa mga mata ng dalaga...

"I love you too Ace!....sagot ni Yvonne saka hinagkan nito ang labi ni Ace saka niyakap nito ng buong giliw upang ipadama kung gaano niya kamahal ang lalaking pinakamamahal...

"I love you more Yvonne...tanging saad ni Ace saka yumakap din sa kanyang mahal...

Dahil sa gulong nangyari sa opisina ni Yvonne ay naging usap usapan ang nangyaring iyon sa kanila at kumalat ang balita dahil sa mga taong makakati ang dila kaya ilang sandali pa ay nakatanggap ng tawag si Yvonne mula sa kanyang papa...

"He..hello pa..papa!... kinakabahang sagot ni Yvonne sa tawag mula sa kanyang ama sa kabilang linya...

"Yvonne will you come home right now!!... Maawtoridad na utos ni Roman sa anak nito kaya naman halos mamutla na sa niyerbiyos si Yvonne ng mga sandaling iyon...

"Calm down mahal ko i send you home and i will talk to your father!...ani Ace saka niyakap nito si Yvonne na umiiyak sa takot na nadarama ng mga sandaling iyon...

"Wag na Ace baka mas lalo pang lumala ang gulo baka mapahamak ka lang kay papa"...tanggi ni Yvonne kay Ace..

"No mahal ko hindi kita pwedeng pabayaan at ayokong may mangyaring masama sayo at kahit na anu pang mangyari sa akin basta alam kong ligtas ka ay iyon ang mahalaga sa akin kaya sa ayaw at gusto mo ay sasamahan kita para masiguro ko na ligtas ka....pilit ni Ace kay Yvonne saka hinila na niya ang kamay ng dalaga saka lumakad palabas ng gusali kaya naman walang nagawa si Yvonne kundi sumang ayon nalang at bawat empliyada at empliyado ay pinagtitinginan silang dalawa ngunit baliwala kay Ace ang mga taong makakati ang dila dahil ang mahalaga sa kanya ay ang ipaglaban ang pag iibigan nila ng babaeng pinakamamahal niya...

Tensiyonado si Yvonne habang nasa kotse at lulan ng kotse ni Ace,..kinakabahan siya dahil ramdam niya sa boses ng kanyang ama na ito ay galit kaya naman ganon na lamang ang kanyang kaba at ng itigil na ni Ace ang kotse sa tapat ng kanilang bahay ay biglang namalisbis ang kanyang mga luha....

"Tahan na mahal ko kaya natin ang pagsubok na ito sa ating dalawa basta ang isipin mo ay mahal na mahal kita at hinding hindi kita iiwan andito lang ako para ipaglaban ka because i love you so much!...Yvonne your my everything i couldn't live with out you!..i can't mahal ko!'...madamdaming saad ni Ace saka muli niyang inangkin ang labi ni Yvonne ng ilang ulit saka ito lumabas ng kotse at ng makalabas ay lumigid ito upang buksan niya ang punto ng kotse sa may gawi ni Yvonne ng biglang...

"Aagghh!!....biglang usal ni Ace ng hindi nito napaghandaan ang pag atake sa kanya ng papa ni Yvonne..

"Walang hiya ka traydor kaa!!..nanggagalaiting sigaw ni Roman kay Ace sabay suntok ulit at tinamaan ang panga ni Ace at muling dumugo ang labi nito...

"Papa tama na po!!...sumisigaw na awat ni Yvonne sa kanyang ama at agad na yumakap kay Ace...

"Yvonne umalis ka diyan at ng maturuan ko ng keksiyon ang lalaking ito na walang modo at traydor!....bulyaw ni Roman kay Yvonne saka muli nitong uundayan sana ng suntok si Ace ng sumigaw si Yvonne...

"Tama na sabi eh!!!...hindi lang si Ace ang nagkasala rito pati ako dahil mahal ko siya at mahal niya ako nagmamahalan kami papa kaya sana ay maintindihan ninyo ang aming kalagayan papa!..hindi namin sinadya ang mapaibig sa isa't isa pilit naming pinaglabanan ang aming damdamin ngunit kay hirap iwasan ang lalaking itinitibok ng iyong puso..,pinilit naming pigilan ang damdaming nararamdaman namin ngunit sadyang kaysakit at kayhirap dahil alam naming pareho na iisa ang nilalaman ng aming mga puso kaya kahit alam naming bawal ay sumugal kami para mabigyang katuparan ang isinisigaw ng aming puso kaya sana papa ay maintindihan ninyo kami sa aming pag iibigan dahil mahal na mahal namin ang isa't isa!...humihikbing pahayag ni Yvonne ngunit...

"Pak!..pak!..suwail na anak!!.....mag asawang sampal ang dumapo sa magkabilang pisngi ni Yvonne...

"Aayy!!...biglang tili ni Yvonne na halos napaliyad ng dumapo ang kamay ng kanyang papa sa pisngi nito at maya maya pa ay nalasahan nito ang mainit na likido na dumaloy sa kanyang bibig at ng alamin niya'y dugo ito mula sa pumutok nitong labi at ng muli na naman sanang sampalin ng papa ni Roman si Yvonne ay....

"Tama na po!..wag na wag ninyong sasaktang muli si Yvonne lalo na sa harap ko at kahit na magulang niya kayo ay hindi ko pahihintulutang gawin ninyong muli ito sa kanya!....naniningkit ang mga mata ni Ace sa galit habang sangga sangga nito ang kamay ng papa ni Yvonne na sana ay dadapo sa pisngi ng dalaga...

"At sino ka para pagsalitaan ako ng ganyan huh!...galit na turan ni Roman saka buong pwersa na itinulak nito si Ace na napasadsad sa may kotse at hindi sinasadyang naumpog ang ulo ni Ace sa may hawakan ng kotse at napalakas ang pagkakaumpog nito kaya naman biglang umagos ang dugo sa ulo ni Ace at ng makita ni Yvonne ay nagtitili ito sa takot....

"Aceee!!!...nanginginig sa takot na sigaw ni Yvonne saka dinaluhan nito si Ace at ng sakto sana niyang yayakapin ang nobyo ay biglang hinila siya ng kanyang papa...

"Halika dito babae ka at mula sa araw na ito ay hinding hindi na kayo magkikita pa ng lalaking ito at ilalayo kita sa kanya!....sigaw ni Roman kay Yvonne sabay hila nito ngunit nagpapalag si Yvonne..

"Wag Mr.Roman wag mong ilayo sa akin si Yvonne mahal na mahal ko siya!...hindi ko kayang mawala siya sa akin!..please nagmamakaawa ako wag mong ilayo sa akin si Yvonne!...sigaw na samo ni Ace habang napapangiwi ito sa kirot ng sugat sa kanyang ulo...

"Tonto!...wala akong pakialam kung anong gawin mo sa sarili mo basta buo na ang pasya ko at ilalayo ko ang anak kong suwail sayo dahil sa kagagawan mo ay nailagay sa kahihiyan ang aking pamilya!....

"Mr.Roman nakikiusap ako wag mong ilayo si Yvonne plea"....hindi na naituloy ni Ace ang sasabihin dahil biglang nagdilim ang kanyang paningin ng biglang may mabigat na bagay na tumama sa kanyang batok at ang tanging narinig lamang niya ay ang malakas na tili ni Yvonne sa pagbanggit nito sa kanyang pangalan...

ITUTULOY!!!...

RUBI 2...Paano Supilin ang Lihim na Pag Ibig...by...emalbinoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon