Chapter 7

3.5K 91 3
                                    

PAANO SUPILIN ANG LIHIM NA PAG IBIG

RUBI BOOK 2

"ACE"BY:EMMZ

CHAPTER 7...

Ilang gabi ng ayaw dalawin ng antok si Ace lagi siyang balisa at wala sa trabaho ang kanyang isip kundi ukupado ni Yvonne kayhirap sa kanyang kalooban ang nadaramang iyon kahit anong pigil niya sa kanyang damdamin at kahit anong pilit niyang iwaglit sa kanyang isipan ang naganap noon sa kanila ni Yvonne ay hindi niya kayang gawin pilit na sumisiksik si Yvonne sa kanyang isipan....

"Hi sir ito na po yung kakailanganin ninyo na mga papers para sa conference meeting next week with mr.Roman Martinez sa Baguio....ani Bea ang secretary ni Ace...

"Ok thanks Bea paki lapag nalang diyan sa mesa......utos nito sa kanyang secretary at tumalima naman ito at saka nagpaalam na lalabas na ngunit biglang tinawag ni Ace ang kanyang secretary..

"Bakit po sir?....tanong ni Bea sa kanyang amo..

"Bea paki check mo nga ang address ni mr.Roman Martinez at ibigay mo sa akin?...pakiusap nito sa kanyang secretary at tumalima naman si Bea at ilang sandali lang ay nasa kamay na ni Ace ang address na ipinahanap niya sa kanyang secretary at nakalipas ang ilang minuto ay may kausap na ito sa telepono saka nakangiting ibinaba nito ang aparato at tinitigang mabuti ang hawak na papel at sa huli ay itinago niya ito sa kanyang wallet...

Samantala kahit sa tinagal tagal na ng panahon na lumipas ay nagbabakasakali parin si Rhodney na balang araw ay lilitaw sa kanyang laptop screen ang taong matagal na niyang inaaasam na makita at inaabangan halos sa araw araw at kahit mayroon ng ibang umukupa sa pwesto ng taong kanyang hinihintay ay parang kulang parin sa kanya ang sayang nadarama niya noon kesa ngayon....

"Oh kuya sino ba ang nasa harap ng laptop mo at kung makatingin ka sa laptop mo'y parang ayaw mo ng kumurap!...ani Rhovelyn saka lumapit sa kanyang kuya ngunit ng tingnan niya ang laptop ng kanyang kuya ay wala namang tinitingnan bagkus ay nakapatay naman ito....

"Kuya wala ka naman palang tinitingnan eh bakit kung makatingin ka sa laptop mo eh may kausap ka siguro kuya umaasa ka parin na balang araw ay babalik saiyo si Hassandra....walang preno ang bungangang sabi ni Rhovelyn kay Rhodney...

"Sis kung anu ano ang pinagsasabi mo alam mo naman na may girlfriend ako eh bakit nababanggit mo pa si Hassandra eh wala na yung tao rito nasa malayo na nga siya....saway ni Rhodney sa kapatid..

"Yun nga kuya eh nasa malayo na nga yung tao ngunit umaasa ka pa na magkikita kayo!..

"Hindi ah sis!,.. kung anu ano ang pinagsasabi mo riyan baka may makarinig sayo at malaman ni Yvonne ang mga sinasabi mong iyan eh....muling saway ni Rhoney sa kapatid ngunit sadyang makulit si Rhovelyn kaya't kung ano ang nasa kanyang isip ay talagang malalaman ng lahat dahil sa walang preno niyang bunganga...

"Naku kuya don't try to deny it dahil alam ko at nakikita ko kung anong nasa kaloob looban mo!,..kaya wag kang ipokrito sa iyong sarili dahil nababasa ko naman ang iyong saloobin..

Ngayon aminin mo sa akin kuya kung sino ang mas matimbang sa puso mo si Hassandra ba o si Yvonne?....turan ni Rhovelyn saka naiiling na tiningnan niya ang kanyang kuya at aminin man niya o hindi ay nais niyang malaman kung bakit sa tagal ng panahon eh parang umaasa pang magbabalik si Hassandra..

"Rhovelyn please can you leave me alone your talking nonsense!....kunwaring galit galitan na turan ni Rhodney sa kanyang kapatid na kibit balikat itong tumalima sa utos ng kanyang kuya at deritso namnag pinatay ni Rhodney ang kanyang laptop saka huminga ng malalim habang nakamata sa kanyang aparatong nakatiklop...

Abala sa ginagawang pagrereview sa mga files para sa kanilang flowershop si Yvonne ng biglang may mag doorbell dahil nasa sala siya at abala naman sa kusina ang kanilang katulong ay siya na ang pumuntang umasikaso rito at nakita niyang delivery man ito kaya't dahan dahan siyang lumapit sa lalaki sa may gate....

"Mam flower delivery po para kay miss Yvonne Martinez!...nakangiting saad ng lalaki..

"Ah ok thank you,...sagot naman ni Yvonne saka kinuha ang pinapermahang papel at inabot kay Yvonne ang isang dosenang red roses at 3 boxes of ferrero chocolates...

"Sige po mam aalis na po ako....paalam ng lalaki kay Yvonne at tinanguan naman niya ito...

Habang papasok sa bahay ay napangiti si Yvonne dahil simula ng maging sila ni Rhodney ay ngayon lang siya nito pinadalhan ng flowers and chocolate kaya agad niyang tinawagan si Rhodney at sinagot naman agad niya ito...

"Oh babe napatawag ka?...tanong ni Rhodney sa kabilang linya..

"Babe thanks sa flowers and chocolates i like it babe your so sweet thank you!...masayang wika ni Yvonne kay Rhodney na noon ay natahimik sa kabilang linya kaya nagtaka si Yvonne...

"Babe are you still there?....takang tanong ni Yvonne dahil biglang natahimik si Rhodney..

"Yes babe im still here but i didn't send you any flowers and chocolates ....ani Rhodney na parang nalungkot ang boses nito...

"Huh!...nagtatakang bulalas ni Yvonne sa sinabing iyon ni Rhodney kaya palaisipan sa kanya kung sino ang nagbigay niyon sa kanya at ng maya maya ay biglang sumagi sa isip niya si Ace,..

Parang nakaramdam na naman siya ng pagregudon ng kanyang puso,..yun bang kinakabahan siya na wala namang dahilan,..kaba na dulot ng halo halong emosyon at muli na naman niyang naalala ang nangyari noon sa kanila ni Ace sa may music room sa bahay ni Ace...

Biglang napapikit si Yvonne ng maalala ang maiinit na halik na pinagsaluhan nila noon ni Ace,..ang mahihigpit nitong mga yakap at ang paghaplos nito sa kanyang katawan na para bang napapaso ang kanyang balat sa init ng palad nito lalo na ng sakupin ni Ace ang kanyang dibdib sa pamamagitan ng labi nito.....tuloy ay napasinghap si Yvonne ng wala sa oras at ng tingnan niya ang kanyang cellphone ay wala na roon sa kabilang linya si Rhodney kaya agad siyang umakyat sandali sa kanyang kwarto na dala dala ang bulaklak at ang mga chocolates....

Pagpasok ni Yvonne sa kanyang kwarto ay inilocked niya ito saka dahan dahan niyang inilapag ang isang dosenang red roses at ang chocolates at ng ilang sandali ay muli niyang kinuha ng mga bulaklak at inilagay sa may vase at ng alisin ni Yvonne ang pagkakaribbon ng mga chocoltes ay bilang may nahulog sa pagitan ng mga boxes at ng kanyang alamin ay isang maliit na card at may nakasulat roon at ng basahin ni Yvonne ay biglang kumabog ng napakalakas ang kanyang dibdib dahil galing pala ang mga ito kay Ace at may mensahe sa kanya....

MY DEAREST YVONNE,,..

My dear i hope you will like the flowers and chocolates...My dear i miss you so much,..i've been always thinking of you,..your always in my mind in every single minute even though i am on my sleep you're still there on my dreams,.. I really miss you my dear and ILOVEYOU!...

.....always thinking and loving you......ACE...

Mas lalo pang lumakas ang kabog ng dibdib ni Yvonne ng mabasa niya ang mensaheng iyon ni Ace at hindi niya namalayan na nahalikan niya ang munting card na kung saan nakasulat ang mensahe ni Ace para sa kanya at maya maya'y inilagay nito sa tapat ng kanyang dibdib kasabay ng pagtulo ng masagana niyang luha habang nakatingin sa mga padala sa kanya ni Ace....

"Oh Ace bakit mo ba ako pinahihirapan ng ganito,..ayokong magkasala ngunit bakit ganito ang aking pakiramdam sayo sa tuwing naaalala kita......lumuluhang wika ni Yvonne sa sarili habang yakap yakap nito ang munting card na bigay ni Ace...

ITUTULOY!!!

RUBI 2...Paano Supilin ang Lihim na Pag Ibig...by...emalbinoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon