PAANO SUPILIN ANG LIHIM NA PAG IBIG
RUBI BOOK 2
"ACE"
BY:EMMZ
CHAPTER 15..,
Sa nasaksihang pagpalo ng baril ng papa ni Yvonne kay Ace na siyang sanhi ng pagkawala nito ng malay tao ay halos magwala sa galit si Yvonne ngunit agad siyang kinaladkad ng kanyang papa sa loob ng bahay at inutusan nalang nito ang kanyang driver na dalhin sa ospital si Ace na agad namang sinunod ng kanyang tauhan....
"Papa bakit mo ginawa iyon kay Ace!...umiiyak na saad ni Yvonne kay Roman...
"Gago siya eh!...alam na nga niyang nobya ka ng kanyang pinsan ay sinulot ka pa!..at ikaw namang babae ka sinabi ko lang noon na boto ako sa kanya ay bumigay kana rin!!...bulyaw ni Roman kay Yvonne..
"Papa mahal ko si Ace at mahal din niya ako!...magnobyo nga kami ni Rhodney ngunit mula ng maging magkasintahan kami ay ni hindi ko man lang naramdaman na mahal niya ako!...hindi ko naramdaman ang pag ibig niya kaya hindi niyo ako masisisi kung napunta ang pagmamahal ko kay Ace dahil siya ang nagparamdam sa akin ng importansiya at tunay na pagmamahal na kahit kailan ay hindi ko naramdaman kay Rhodney!....sagot ni Yvonne sa kanyang ama habang panay ang iyak nito..
"Wala akong pakialam basta ang gusto ko ay makaalis ka ng bansa sa lalong madaling panahon!...muling turan ni Roman kay Yvonne na mas lalaong ikinahagulgol nito..
"No papa!..hindi ako papayag!..ako kong umalis!..ayokong iwan si Ace dahil nangako kaming ipaglalaban namin ang aming pagmamahalan sa kahit kanino man!...,tutol na sabi ni Yvonne sa kanyang ama ngunit nagulat siya ng biglang...
"PAK!..PAK!!...suwail na anak!!!..mag asawang sampal ang dumapo sa pisngi ni Yvonne na siyang nagpatigil sa kanya para umiyak at hinarap nito ang kanyang ama...
"Sige papa magsawa ka sa pananakit sa akin!..ngunit ito ang sasabihin ko sa inyo hinding hindi ninyo kami mapaghihiwalay ni Ace!...tandaan ninyo iyan papa!...ani Yvonne saka nagtatakbong tinungo nito ang kanyang kwarto saka umiyak ng umiyak roon...
.....
Nagising si Ace sa kirot na kanyang nararamdaman sa kanyang katawan lalo na ang kanyang ulo kaya dahan dahan niyang iminulat ang kanyang mga mata at nagulat na lamang siya ng makita niya sa kanyang tabi ang kanyang mommy na si Rubi at ang kanyang dalawa niyang kapatid na kambal at ang kanyang lola na si Donya Liza...
"Mommy!..lola!...sino po ang nagdala sa akin dito sa ospital at kumusta si Yvonne?...may pag aalala sa boses ni Ace ng mga oras na iyon ngunit hindi siya mapalagay dahil kay Yvonne...
"Anak wag mo munang alalahanin si Yvonne dahil alam kong hindi siya mapapahamak!...wika ni Rubi saka niyakap nito ang kanyang pikamamahal na anak...
"Mommy baka saktan siya ng kanyang papa at baka ilalayo nila sa akin si Yvonne...mommy mahal na mahal ko si Yvonne at hindi ko mapapayagang magkalayo kami!....ani Ace na parang nagmamakaawa sa ina kaya't napaluha si Rubi at maging ang kanyang lola...
"Apo wala akong kinakampihan sa inyo ng kuya Rhodney mo dahil apo ko kayong pareho ngunit bakit mo nagawang traydurin si Rhodney?...bakit nagawa mong agawin ang nobya ng pinsan mo?....malumanay na tanong ni donya Liza kay Ace....
"Lola sorry po!...unang tingin ko palang kay Yvonne noong party dito sa bahay noon ay gusto ko na siya....sinubukan kong kalimutan siya dahil may nagmamay ari na sa kanya ngunit hindi ko kaya dahil the more na pinipigilan ko ang aking damdamin mas lalong tumitindi ang aking pagmamahal sa kanya hanggang sa tuluyang nahulog ang damdamin namin sa isa't isa.....pahayag ni Ace habang nakatingin sa malayo dahil ang isip nito ay naka'y Yvonne...
"Apo ko tingnan mo nagkagulo na kayo ng pinsan mo at kami ang naiipit sa sitwasyon ninyong dalawa".....muling saad ni donya Liza...
"Mommy!..lola!..sabi ni ate Rhovelyn sa text ay pupunta raw siya rito.....singit ni Andrea habang nakikipag text kay Rhovelyn..
"Ah ok!....sabay pang sagot ni ni Rubi at donya Liza..
Ilang sandali nga lang ang nakalipas ay dumating na nga si Rhovelyn at ng makita nito ang hitsura ni Ace ay napahagulgol ito at niyakap niya si Ace dahil malapit siya kay Ace at biglang bumalong ang galit ni Rhovelyn sa kanyang kapatid....
"How dare you kuya Rhodney!....bakit hindi nalang niya kayo hinayaan ji Yvonne gayong kayo naman ang nagmamahalan samantalang siya ay kahit noong una palang niyang maging nobya si Yvonne ay hindi na niya minahal dahil ang tanging mahal niya ay si Hassandra at sa katunayan ay buong araw silang magkasama nung isang araw bago nangyari itong insedenteng ito!....ani Rhovelyn dahil sa galit nito sa kapatid ay naibulalas niya ang lihim ng kanyang kuya ng wala sa oras....
"Anong ibig mong sabihin Rhovelyn!.....hindi makapaniwalang sani ni Ace at halos napabangon pa ito mula sa kama...
"Ginamit lang niya si Yvonne to move on ng iwan siya ni Hassandra at ngayong nagbalik na siya ay muli nilang itinuloy ang kanilang relasyon!....muling saad ni Rhovelyn ...
"Huh!!...bulalas na sambit nilang lahat....
"No stupid that bastard!!!....galit na ni Ace saka tumayo at deritsong lumabas ng kwarto at kahit na anong sigaw nila Rubi at donya Liza para pigilan siya'y hindi niya alintana at ipinagpatuloy nito ang paglabas ng ospital....
...
Samantala kahit walang ganang kumain si Yvonne ay wala siyang nagawa ng sunduin siya ng kanyang mama dahil pinapasundo siya ng kanyang papa...
"Halika na kain kana!.....pormal na saad ni Roman kay Yvonne...
"Maghuhugas lang po ako ng kamay!...sagot naman ni Yvonne ngunit ng papunta na siya sa may lababo ay bigla nalang parang umiikot ang kanyang paligid na parang nagdidilim ito hanggang sa tuluyan ng dumilim ang kanyang paningin at ang tanging narinig lang niya ay ang pagtawag sa kanyang pangalan...
"Yvonneeeee!!!....tiling sigaw ni Levy ng makitang bumagsak sa sahig si Yvonne at dali daling binuhat ito ni Roman saka dinala sa kotse...
...abangan ang muling pagtutuos ng magpinsan!!..
ITUTULOY!!...
BINABASA MO ANG
RUBI 2...Paano Supilin ang Lihim na Pag Ibig...by...emalbino
RomancePAANO SUPILIN ANG LIHIM NA PAG IBIG “ACE” …RUBI BOOK 2… BY: EMMZ TEASER….. …Mahiwaga ang pag ibig dahil hindi mo ito natuturuan kusang kakatok at titibok sa puso ninuman walang pinipili basta ang madapuan ay tiyak na tatamaan,.. At kung minsan kahit...