FINALE...

6.7K 135 17
                                    

PAANO SUPILIN ANG LIHIM NA PAG IBG

RUBI BOOK 2

"ACE"

BY; EMMZ

.........FINALE.....

Hindi makapaniwala si Ace sa narinig mula kay Roman ang papa ni Yvonne ng sabihin nito na nagdadalantao ang dalaga ngunit ng maglaon ay napangiti ito sa kasiyahang nadarama dahil nagbunga ang pagmamahalan nila ni Yvonne at ngayon at wala ng makakapagpahiwalay pa sa kanila dahil hindi na niya hahayaan pang magkahiwalay sila ni Yvonne ngayong dinadala na ni Yvonne ang kanyang anak...

"Nasaan po si Yvonne?....malumanay na tanong ni Ace at agad na nabura sa mukha nito ang galit na kanina lang ay halos magliyab na siya sa galit...

"Nasa ospital siya ngayon at gusto kong maayos itong gulong ito sa lalong madaling panahon para magkaintindihan ang lahat at walang samaan ng loob ang bawat isa sa inyo!...turan ni Roman na noon ay humupa na rin ang galit dahil kitang kita nito sa mukha ni Ace ang labis na pagmamahal nito sa kanyang anak..

"Oo nga naman mga apo ngayong alam na ninyo ang katotohanan ay dapat na magkaayos na kayong magpinsan para hindi na tayo malagay sa alanganing sitwasyon dahil pareho lang naman kayong Meneses ni Rhodney"....segunda ni don Miguel kay Roman...

"Oo nga anak kailangan mong ayusin muna ang gulong ito sa pagitan ng kuya Rhodney mo at ibalik ang dating samahan ninyo bilang magpinsan para tahimik ang iyong isipan sa oagbuo mo ng iyong pamilya!...saad naman ni Axe saka inakbayan ang anak nitong si Ace at saka dahan dahang lumapit sa kinaroroonan ni Rhodney na noon ay nakatayo na at yakap yakap ni Vicky ang mommy nito....

Sandaling nagkatitigan ang magpinsan at maya maya ay yumakap kay Ace si Rhodney....

"Ace pinsan im sorry kung nagawa kong lukuhin si Yvonne!...noong nakilala ko siya ay nasa kalungkutan ako siya ang laging kumakausap sa akin,..lagi kong kasa kasama hanggang sa unti unting nawala ang pangungulila ko kay Hassandra dahil lagi niyang akong kinakausap kahit nasa bahay na ako ay tinatawagan niya ako o kaya ay nagtetext kami sa isa't isa hanggang sa ibuyo kami ng aming barkada sa isa't isa kaya niligawan ko siya at sinagot niya ako....akala ko noon ay sapat na ang pagiging malapit namin sa isa't isa ngunit hindi pala,..sinubukan kong mahalin siya gaya ng pagmamahal ko kay Hassandra ngunit hindi ako nagtagumpay dahil pagmamahal bilang kaibigan lang ang kaya kong ibigay sa kanya hanggang sa muling bumalik si Hassandra....

"Kaya ng magkaayos kaming muli ni Hassandra ay ipinasya kong tapusin na ang lahat sa amin ni Yvonne dahil noon ko pa sana ito ginawa ngunit nag aalinlangan ako dahil sa kabaitan sa akin ni Yvonne,...pero ng makita ko kayong magkayakap ni Yvonne ay biglang sumulak ang galit sa aking dibdib hindi dahil nasaktan akong napasayo si Yvonne kundi dahil nasaktan ang pride ko at hindi ko matanggap na ikaw na pinsan ko ay kaya mo akong traydor in....Ngunit kamakailan lang ay narealised ko na mali pala ako dahil kahit ako'y nagtraydor rin kami ni Hassandra ng muli kaming magbalikan kaya hininhingi ko ang inyong pagpapatawad sa akin sa amin ni Hassandra dahil kahit pinaglayo kami ng kapalaran ay still we love each other.....lumuluhang pahayag ni Rhodney kay Ace habang yakap nito ang pinsan...

"Im sorry to kuya dahil nagawa kong kunin sayo si Yvonne dahil noong unang magtagpo ang aming landas ay gusto ko na siya ngunit ng malaman kong nobya mo siya ay iniwasan ko siya,...pinilit kong kalimutan siya ngunit kung kailan ko siya pilit na iwinawaglit sa aking isipan at puso ay mas lalo naman na nagsusumiksik siya sa aking isipan hanggang sa hindi ko na kaya pang labanan ang aking damdamin at ng magkaroon ako ng pagkakataon na ipahayag ang aking damdamin ay sinabi ko sa kanya ang. Nilalaman ng aking puso at natuklasan kong pareho pala kami ng damdamin sa isa't isa kaya pinalaya namin ang aming damdamin kahit alam naming bawal...

RUBI 2...Paano Supilin ang Lihim na Pag Ibig...by...emalbinoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon