PAANO SUPILIN ANG LIHIM NA PAG IBGI
RUBI BOOK 2
"ACE"
BY:EMMZ
CHAPTER 8....
Isang umaga habang nag aalmusal ang pamilya Martinez ay napag usapan nila ang nalalapit na kaarawan ng kanilang bunso na si Jason...
"Oh mahal ano nakapagprepare kana ba sa nalalapit na kaarawan ni Jason?...tanong ni mr.Roman Martinez ang ama ng pamilya sa kanyang asawang si Mrs.Levy
"Oo naman mahal nabigyan ko na lahat ng invitation cards ang mga kaibigan ng ating familya kaya wala ng dapat pang poproblemahin....sagot naman ng aswang su mrs.Levy..
"Ok good!..,ay Yvonne anak kamusta naman ang flowershop na minamanage mo?...baling ni Roman sa kanyang panganay na si Yvonne,..
"Papa ok naman po ang pagpapatakbo at dumarami na nga ang suki ko and nag oorders eh!...masayang sagot ni Yvonne sa kanyang ama..
"Ok good but i want you to take charge on me sa posisyon ko as a assistant manager ng companya na MEIncorp...paglalahad ni Roman sa anak na si Yvonne...
"What papa!.,gulat na bulalas ni Yvonne sa pagkabigla dahil hindi niya inaasahan ang kanyang maririnig..
"Yap that's true anak at kailangang gamitin mo ang iyong pinag aralan para naman sa ganoon ay mapatunayan mo sa sarili mo na deserving ka sa kursong natapos mo... wika ng kanilang ama..
"Pero papa ako na nga ang nagmamanage ng flowershop eh!...protesta ni YVonne sa kanyang ama..
"Just leave the flowershop to your mama at doon ka sa opisina para mas marami kang matutunan at ikaw narin ang sasama kay Ace Meneses sa conference meeting sa Baguio sa lunes kaya't linggo ay bibiyahe na kayo ni Ace...alam mo anak hanga ako sa taong yun napakagaling at very smooth ang pamamalakad niya ng kompanya and i really likes the way he is!... may pagmamalaking wika ni Roman para kay Ace sa harap ng kanilang pagkain..
"Yap mahal totoo yang sinasabi mo at mabait pang bata...segunda naman ni Levy sa asawa..
"Kung hindi lang nobyo ni Yvonne si Rhodney ay papaligawan kita sa kanya tutal maganda ka naman anak pero ok naman si Rhodney dahil mabait din naman but i want more si Ace!...pahayag ni Roman na ikinasamid ni Yvonne...
"Papa kung ano ang pinagsasabi ninyo!...kabadong sita ni Yvonne sa kanyang ama na noon ay biglang sumalakay ang kaba sa kanyang dibdib sa sinabing iyon ng kanyang ama at sa balak nitong pagtatalaga bilang kahalili nito sa kompanya..
Ni hindi pa nga nangyayari ang sinabing iyon ng kanyang ama na siya ang kapalit sa puwesto ay sobrang kaba na ang kanyang dibdib eh mas higit pa pag naroroon na siya at lagi na niyang nakikita si Ace....Kinakabahang wika ni Yvonne sa sarili...
Sumapit ang araw ng kaarawan ng kapatid ni Yvonne na si Jason abala ang lahat sa araw na iyon naka nude long gown si Yvonne na ang V-shape na neckline ay abot sa may dibdib ang awang nito at sa likod ay backless...
Hindi malaman ni Yvonne ang gagawin sa sarili na para bang natataranta siya sa pag aayos at kahit na nakaayos na siya'y parang kulang parin sa kanya at hindi kumbinsido sa kanyang ayos at kung ilang ikot ang ginawa sa harap ng salamin para lang masatisfy ang kanyang sarili...
Samantala ay pasipol sipol pa si Ace habang nagbibihis dahil sa hindi makakasama nag kanyang mga magulang dahil masama ang pakiramdam ni Rubi ay ipinasya nalang ng mag asawa na tanging ang anak nilang su Ace nalang ang dadalo sa birthday party ng kanilang kasosyo sa negosyo..
Muling sinipat ni Ace ang suot nitong black ralph ang laurren na long sleeve at inililis niya ang manggas hanggang sa may baba ng siko at saka pinaulanan ng pabangong HUGO BOSS ang kanyang sarili saka muling tiningnan ang sarili at nilisan ang kanyang kwarto at nadatnan niya sa sala ang kanyang mommy at daddy na mababakas sa mukha ng kanyang mommy ang masama nitong pakiramdam...
BINABASA MO ANG
RUBI 2...Paano Supilin ang Lihim na Pag Ibig...by...emalbino
RomancePAANO SUPILIN ANG LIHIM NA PAG IBIG “ACE” …RUBI BOOK 2… BY: EMMZ TEASER….. …Mahiwaga ang pag ibig dahil hindi mo ito natuturuan kusang kakatok at titibok sa puso ninuman walang pinipili basta ang madapuan ay tiyak na tatamaan,.. At kung minsan kahit...