Chapter 4

3.8K 86 2
                                    

PAANO SUPILIN ANG LIHIM NA PAG IBIG

RUBI BOOK 2

"ACE"

BY:EMMZ

CHAPTER 4

Hindi mapalagay si Yvoone habang naglalakad sila ni Ace pabalik sa may pagtitipon dahil lagi itong nakatitig sa kanya na para bang may ibig sabihin ang bawat titig nito lalo pa't ang kanyang mga mata ay kay pungay na para bang laging inaantok at kung ngumiti ay pati mata naman ay parang nakangiti at habang tinitingnan niya kanina ng palihim ay parang may nakakahawig niya pero hindi niya maalala kung sino ang taong kamukha ni Ace kaya napabuntong hininga nalang siya ng hindi niya maalala kung sino yun at ng mapadaan sila sa may kusina dahil umikot sila sa likod ng bahay nila Ace papunta sa may venue ay agad siyang nagpaalam kay Ace na mag toilet lang siya..

"Ok sige kita nalang tayo doon sa venue!,..ani Ace kay Yvonne..

"Ok thanks see you!,..tanging sagot ni Yvonne saka tumuloy sa may toilet at si Ace ay tumuloy sa kinaroroonan ng mga panauhin at nadatnan niya doon ang kanyang pinsan na nakikipag usap sa grupo ng mga kambal niyang kapatid at pinsang si Rhovelyn..

"Oh pinsan akala ko kung saan kana napadpad halika rito ng makipagkulitan naman tayo sa mga pangit na ito!,..ani Rhodney kay Ace saka sinamahan ng biro..

"Excuse me po sinong pangit diyan huh!,..nakapamewang na saad ni Andrea kay Rhodney saka sumegunda naman sina Audrey at Rhovelyn..

"Oo nga cuz Andrea baka kaya iniwan ni Hassandra dahil hindi makatagal sa kapangitan nito....pang aasar ni Rhovelyn sa kanyang kuya ngunit hindi naman ito tinablan ng kanilang biro..

"Sinong pangit ako?,.huh naku pag nakita niyo lang ang syota ko ngayon eh talaga namang mapapanganga kayo sa ganda niya saying nga lang at may dinaluhan silang party kaya hindi siya nakasama ngayon!...pagmamalaking wika ni Rhodney sa mga kasam,a niyang dalaga..

"Hmmp makilatis nga ng malaman ko kung nagsasabi siya ng totoo o hindi,...ani Audrey na tinawanan lang ni Rhoney samantalang nailing nalang na iniwan ni Ace ang mga pinsan at kapatid nitong nag aalaskahan at tinungo ang kinaroroonan ng kanyang mga magulang at nadatnan niya ang kanyang tita Vicky at tito Rhod na kausap nito ang kanyang mga magulang at ang kanyang lola at lolo kaya agad siyang nagmano sa mga ito at pagkaraan ng ilang sandali ay sumunod si Rhodney sa kanya at nakihalo sa kanilang usapan...

"O pinsan inwan mo ang makukulit mong kausap doon ah!...ani Ace habang natatawa ng maalala ang pambubuska nila kay Rhodney..

"Huh! Ang kukulit nila ha ha ha.....tumatawang sagot ni Rhodney ng biglang may napansin ito sa kabilang grupo kaya't dagli niyang iniwan ang kinaroroonan ng kanyang familya...

"Tito,..tita andito pala kayo musta po at good evening po!...agad na bati ni Rhodney sa mag asawang Roman Martinez at Levy Martinez..

"Oh Rhodney iho kamusta andito Karin at sino kasama mo?...sagot ni ginang Levy kay Rhodney..

"Ang mommy ko po at si daddy at pati yung bunso naming!,..ay siyanga pala tita nasaan po si Yvonne?....muling tanong ni Rhodney ng may magsalita sa kanyang likuran..

"Mama what!,..hindi naituloy ni Yvonne ang sasabihin ng Makita nito si Rhodney dahil sa pagkagulat...

"Babe andito pala kayo akala ko kung namamalikmata lang ako kanina ng masulyapan ko sina tito at tita!...natutuwang saad ni Rhodney saka hinawakan nito ang kamay ng nobya..

"akala ko ba nasa party ka at paano mo nalamang nandito kami at kung saang party kami naroroon!...nagtatakang tanong ni Yvonne kay Rhodney...

"Babe kamag anak ko ang may okasyon at yung binigyan nila ng welcome party ay pinsan ko halika babe at ipapakilala kita sa kanya....saka iginiya ni Rhodney si Yvonne sa kinaroroonan ng kanyang mga kamag anak kung saan ay abala si Ace sa pakikipagtext sa kanyang kaibigang si Andrew..

"Excuse po sa lahat mawalang galang na po dahil gusto ko loang pong kunin ang inyong atensiyon para ipakilala ko ang aking nobya,.. she is Yvonne Martinez the daughter of mr.Roman Martinez and mrs.Levy Martinez.....pagpapakilala ni Rhodney sa kanyang nobya sa harapan ng kanyang pamilya...

Nag angat ng paningin si Ace ng marinig nito ang sinabi ng kanyang pinsan na ipakikilala daw niya ang kanyang nobya kaya napatuon ang kanyang paningin sa kinaroroonan ng kanyang pinsan at gayon na lamang ang kanyang pagkamangha at pagkadismaya ng Makita ang babaeng tinutukoy nito ay walang iba kundi si Yvonne ang babaeng bigla nalang umagaw ng kanyang atensiyon na kahit sa ilang oras palang nilang pagkakakilala 'y parang kay gaan na ang kanyang pakiramdam sa dalaga at hindi niya maalis alis ang kanyang mga mata kay Yvonne lalo na pag ngumingiti ito at lalo pang nagpapadagdag ang kanyang maliliit nitong biloy sa magkabilang pisngi na nagpapadagdag sa karisma nito...

"Pinsan meet my girl friend Yvonne Martinez!,..she'e quite beautiful right?...pagmamalaking wika ni Rhodney kay Ace...

"Yes inded!,..but I meet her already when they just arrived here,..anyway nice to meet you again Yvonne!,..wika ni Acena pilit ang ngiting iginawad rito saka kinamayan ang dalaga at ng magdaop ang kanilang palad ay hindi niya napigilan ang sarili na pisilin ang palad ng dalaga habang nakatitig sa magandang mukha nito...

"Same here Ace!...tanging sagot ni Yvonne at napayuko ito ng maramdamang nakatitig si Ace sa kanya at bigla nalang namula ang kanyang mukha ng maramdaman nito ang pagpisil ni Ace sa kanyang palad...

"Ok guys let's enjoy the party and have some drink!....pahayag ni Rhodney saka inakay ang nobya patungo sa bakanteng mesa habang nakamasid si Ace na nasa kanilang likuran at nakikita niya ang paghapit ni Rhodney sa maliit na bewang ni Yvonne

Hindi maipaliwanag ni Ace ang nararamdaman ng mga sandaling iyon dahil sa nakikitang sweetness ng dalawa,..

Pang naninibugho siya na nais niyang magalit ngunit kanino siya magagalit ngayong alam naman na niya ang totoo na ang bbaeng natipuhan ay may nagmamahal na rito at ang masaklap pa ay mismong pinsan pa niya...

At dahil sa nadaramang iyon ay idinaan nalang nito sa alak ang kanyang pagkadismaya at ng Makita siya ni Rhodney na parang tinamaan na ay..

"Pinsan hinay hinay lang don't take to much marami pa diyan kaya wag kang padalos dalos sa pag inom dahil ikaw rin ang malulugi niyan....paalala ni Rhodney kay Ace na tanging tango lang ang sagot nito at bigla nalang pumailanlang ang tugtuging sweet kaya't dahil sa tama ng alak sa katawan ni Ace ay...

"Pinsan do you care if I 'll dance with your beautiful girlfriend?....wika ni Ace kay Rhodney..

"Ok sure pinsan and be happy enjoy your party!...nakangiting sagot ni Rhodney kaya naman agad na inilahad ni Ace ang kamay nito at tinanggap naman ni Yvonne...

Sa saliw ng tugtuging BORN FOR YOU ay buong higpit na nakahawak si Ace sa bewang ni Yvonne at nakatitig sa mukha ng dalaga na,...

"Yvonne bakit ngayon ka lang dumating sana noon pa tayo nagkita noong wala pang nagmamay ari saiyo at sana ay ako ang nasa pwesto ng aking pinsan!...sigaw ng isip ni Ace habang nakatitig sa namumulang mukha ng dalaga!....

ITUTULOY!!

RUBI 2...Paano Supilin ang Lihim na Pag Ibig...by...emalbinoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon