Chapter 11

3.2K 91 2
                                    

PAANO SUPILIN ANG LIHIM NA PAG IBIG

RUBI BOOK 2

"ACE"

BY:EMMZ

CHAPTER 11....

"Welcome to the Philippines Hassandra!.... bulong ni Hassandra sa sarili saka pinara ang nagdaang taxi sa kanyang harapan at nagpahatid sa kanyang condo unit sa may Alabang at ilang sandali at narating na niya ito saka kinawayan niya ang guardiya na matagal ng nakadestino roon....

"Mam good afternoon po!.. antagal po ninyong nawala mahigit na dalawang taon at ngayon ay bigla din kayong bumalik.., kumusta na po kayo mam parang mas lalo pa kayong gumanda ah!... Nakangiting turan ng guardiya kay Hassandra...

"Good afternoon din manong Nanding!.. andito parin pa pala kayo matagal narin kayo rito ah!... nakangiting sagot ni Hassandra sa guardiya at saka binuksan nito ang kanyang luggage at saka inabot ang dalawang boxes ng chocolate at binigyan nito ng pabango...

"Naku salamat po mam!.. Hmm tiyak na matutuwa nito ang binatilyo ko sa pabango at si bunso sa tsokolate.. salamat pong muli mam!..

"Ah kaya po ba ninyong buhatin ang bagahe ninyo?... saad ni mang Nanding ng makitang medyo malaki ang bagaheng dala ni Hassandra..

"Naku wag na po mang Nanding kasi ipapagulong ko lang naman po ito sige po at tutuloy na po ako at ng makapagpahinga rin po ako sa pagod antagal kasi ng biyahe mula Europe hanggang dito sa Pilipinas....

"Oh siya sige salamat nalang pong muli mam sa mga binigay ninyo!...natutuwang saad ng guardiya kay Hassandra....

Tinalunton ni Hassandra ang papunta sa may lift at ng bumukas ito ay pinindot niya ang level 5 at ilang sandali ay nasa harap na siya ng kanyang unit... sandaling napapikit siya sa harap ng kanyang pinto ng condo at huminga ng napakalalim at muling ninamnam ang mga ala ala ng nakaraan kaya muling nanariwa sa kanyang isipan at alaala ang nakaraan ..., ang mga masasayang mga araw na pinagsaluhan nila ni Rhodney... Ang malalakas na tawa.. hagikgikan at lalong lalo na mga yakap at mga halik na ilang ulit nilang ninamnam sa loob ng unit na ito hanggang sa kapwa sila nakalimot sa isa't isa dulot ng pagmamahal nila na hindi nila napigilan....

Kaya naman hindi na niya napigilan ang pagdaloy ng mga luha nito dahil sa sobrang pangungulila sa dating katipan na kanyang iniwan at ngayon ay pag aari na ng iba...

"Rhodney mahal na mahal kita kaya ako bumalik para itama ang nagawa kong kamalian at sana naman ay hindi pa huli ang lahat,... At sana ay may puwang parin ako sa puso mo dahil kung alam mo lang labis akong nagsisisi sa aking nagawang maling desisyon at kahit na nakamit ko ang kinang ng tagumpay ng aking pinakamimithing pangarap ay hindi pala sapat ang kasiyahang aking nadarama dahil ngayon ko lang napatunayan na ikaw lang pala ang tanging nakapagbibigay ng kasiyahang aking pinapangarap...

I love you so much babe at sana ay mapatawad mo ako at bigyan ng ikalawang pagkakataon para mapatunayan ang aking lubos na pagsisisi at pagmamahal sayo... hindi mapigil ni Hassandra ang mga luhang naglalandas sa kanyang mga mata saka binitbit nito ang bagahe papasok sa loob ng kanyang condo unit...

.......

Samantala gaya ng sinabi ni Mr.Roman Martinez ay si Yvonne na nga ang humalili sa kanyang pwesto sa kompanya nila Ace bilang assistang manager sa kompanya na labis na ikinatuwa ni Ace dahil lagi na niyang makakasama ang kanyang nobya "kuno"....

At kahit nasa opisina ay patago ang kanilang relasyon tanging silang dalawa lang ang nakakaalam ng lahat na namamagitan sa kanila....

"Good morning mahal ko!.... Bati ni Ace kay Yvonne saka isinara ang pinto ng opisina ng dalaga at lumapit ito sa kinaroroonan niya...

RUBI 2...Paano Supilin ang Lihim na Pag Ibig...by...emalbinoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon