RUBI BOOK 2
PAANO SUPILIN ANG LIHIM NA PAG IBIG
"ACE"
BY:EMMZ
CHAPTER 13...
"Rhodney!...muling bulalas ni Hassandra sa hindi makapaniwalang nakikita sa kanyang harapan...
"Ako nga Hassandra',..pwede bang tumuloy kung iyong mararapatin?...sagot ni Rhodney kay Hassandra na hindi maalis alis ang pagkakatitig nito sa mukha ng dating nobya...
"Tu..tuloy ka!,..pasok ka sa loob"..nauutal na wika ni Hassandra saka isinara ang pinto ng tuluyang makapasok si Rhodney at halos hindi alam ang kanyang gagawin ng mga oras na iyon dahil sa halo halong emosyon ang kanyang nararamdaman,...natatakot siya na marinig ang mga sumbat sa kanya ni Rhodney,...kinakabahan siya dsahil hindi niya alam ang kanyang isasagot sa mga tanong nito at nais niyang maiyak dahil sa tagal na ng panahong hindi niya nakita at nakapiling ang lalaking ngayon ay nasa harap niya ay parang gusto niyang sugurin ito ng yakap dahil sa sobrang pangungulila rito at magpahanggang ngayon ay ito parin ang siyang nagmamay ari ng kanyang puso samantalang siya ay may kapalit na sa puso niya....
Biglang nangilid ang kanyang luha sa isiping iyon at huli ng kanyang pigilan pa dahil nakita mismo ni Rhodney at mga luhang pilit na itinatago ni Hassandra kaya agad itong lumapit sa dalaga saka masuyong pinahid nito gamit ng kanyang daliri na ikinagulat ni Hassandra...
"Para saan ang mga luhang iyan?...malumanay na tanong ni Rhodney kay Hassandra na siyang naging sanhi pa ng pagdaloy ng masagana niyang luha kaya't bigla nalang siyang humagulgol imbis na sagutin ang tanong nang dati niyang nobyo...
"Rhodney im so sorry for my faults!,...please forgive me when i left you with out any words to say",..i thougth everything would be alright but lately i found that i did my very big mistake'...nakuha ko ang simpatya ng mga tao,..nakuha ko ang titulo bilang isa sa pinakasikat na modelo na tinitilian at hinahangaan ng marami,...iba't ibang uri ng camera ang kumikislap sa aking harapan at likuran tuwing rumarampa ako sa entablado ngunit pagkatapos noon,..pagkatapos ng sigawan,..palakpakan ng mga tao ay para akong bilanggo sa aking silid,..parang preso na nag iisa,..nangungulila sa kanyang mahal na iniwan para lang sa kanyang ambisyon at doon ko napatunayan na hindi lang pera ang siyang nakakapagpasaya sa isang tao dahil'...hindi na naituloy ni Hassandra ang sasabihin dahil parang hindi niya kayang sabihin pa ang kanyang nasasaloob dahil wala na namang saysay dahil may ibang nagmamay ari na ng puso ni Rhodney...
"Dahil ano Hassandra ituloy mo ang iyong sasabihin gusto kong marinig!,...ani Rhodney habang nakatitig sa mga mata ni Hassandra...
"No Rhodney hindi na kailangan dahil hindi naman importante ang sasabihin ko at salamat sa pagdalaw mo kaya pwede ka ng umuwi para makapagpahinga at may pasok ka pa bukas....pagtataboy ni Hassandra kay Rhodney...
"Bakit mo ako pinapaalis hindi mo ba ako namiss eh samantalang miss na miss kita kahit iniwan mo akong parang tanga ay naghintay parin ako sa iyong pagbabalik dahil baka sakaling ganon parin sa dati ang iyong damdamin para sa akin".....madamdaming saad ni Rhodney na ang kamay nito ay humawak sa maglabilang pisngi ng dalaga....
"Rhodney!...tanging sambit ni Hassandra kasabay ng paglaglag ng kanyang mga luha dahil hindi niya alam kung nagsasabi ba ito ng totoo..dahil kung alam lang ni Rhodney kung gaano niya ito kamahal at pinanabikang muling mayakap at mahagkan,...
.....Miss na miss na niyang maramdaman ang mahihigpit nitong yakap ang bawat haplos at halik nitong kaysarap sa kanyang pakiramdam at sa tuwing nakasandig siya sa kanyang dibdib at naririnig nito ang bawat pagtibok ng kanyang puso,..Ngunit papaano na mangyayari iyon kung may iba nang babae sa kanyang buhay paniniwalaan pa ba niya ang lalaking ito na siyang tanging laman ng kanyang puso....
BINABASA MO ANG
RUBI 2...Paano Supilin ang Lihim na Pag Ibig...by...emalbino
RomansPAANO SUPILIN ANG LIHIM NA PAG IBIG “ACE” …RUBI BOOK 2… BY: EMMZ TEASER….. …Mahiwaga ang pag ibig dahil hindi mo ito natuturuan kusang kakatok at titibok sa puso ninuman walang pinipili basta ang madapuan ay tiyak na tatamaan,.. At kung minsan kahit...