PAANO SUPILIN ANG LIHIM NA PAG IBIG
RUBI BOOK 2
"ACE"
BY;EMMZ
CHAPTER 10....
Hindi napigilan ang damdamin nila Ace at Yvoone sa pilit na pagwawala hanggang sa kapwa na nila inamin ang tunay nilang nararamdaman hanggang sa humantong sa kanilang pagkalimot dahil sa bugso ng kanilang pananabik sa isa't isa at paulit ulit nilang nilasap aang tamis na dulot ng kanilang pagmamahalan at hindi na nila inisip pa ang anumang pwedeng maidudulot sa kanialng kapawa basta ang nais lang nila ay maipahayag nila sa isa't isa ang kanilang nakatagong damdamin sa isa't isa...
Samantala dahil sa angking talino at pakikipagdebate ay nakuha ni Ace ang simpatya ng kanilang kliyente kaya naman napapayag nila ito na sa kanilang kompanya ibenta ang shares nito kaya masayang masaya na ibinalita ito sa kanyang daddy na si Axe at sa papa ni Yvonne na si Roman Martinez...
Dahil isang linggo ang napag usapang paglagi ni Ace at Yvonne sa Baguio kaya sinamantala lang dalawa ang pagkakataon para sa kanilang lihim na relasyon at walang kaalam alam ang lahat tungkol sa namamagitan sa kanilang dalawa partikular na si Rhodney....
"Hmm Ace paano kung malaman ni Rhodney ang tungkol sa ating dalawa ano ang gagawin natin?....walang anu anong tanong ni Yvonne nakaupo sila sa damuhan sa may Mines view park at nakaunan si Ace sa may kandungan ni Yvonne at nilalaro naman ni Yvonne ang mga pinong buhok ni Ace...
"Sweetie don't think about it dahil ako ang haharap sa kanyang galit at kahit kanino ipaglakaban ko ang ating pagmamahalan.,, pangako mahal ko hinding hindi kita iiwan at lalong hindi kita pababayaan dahil ikaw lang ang babaeng pakamamahalin konhabang buhay... madamdaming pahayag ni Ace saka ginagap ang kamay ni Yvonne saka paulit ulit na hinagkan nito...
"I love you too Ace!.,, patawarin ako ni Rhodney ngunit hindi ko naramdaman ang ganitong damdamin sa kanya tanging sayo ko lang ito naramdaman... At sa tuwing nakikita kita ay hindi mapakali ang aking puso nais na kumawala kahit na anong pigil ko at parang kat daming dagang naghahabulan sa aking dibdib sa tuwing papalapit ka sa akin hanggang sa natagpuan ko nalang ang aking sarili na umiibig na sayo at kahit na alam kong bawal dahil sa nobyo ko ang iyong pinsan ay isinugal ko parin dahil hindi ko na kaya pang magkunwari sa aking nararamdaman para sayo kaya sa tuwing hinahagkan mo ako ay hindi ako makatanggi dahil pinanabikan ko ang bawat higpit ng yakap mo at ang mga halik mong kay tamis na siyang nagpapalimot sa aking katinuan... naluluhang pahayag ni Yvonne kay Ace kaya naman bumangon si Ace at saka niyakap ito...
"Mahal na mahal kita Yvonne kaya wag kang mag alala kung ano man ang kahihinatnan ng lahat kung sakaling malaman ng lahat ang ating relasyon tatanggapin ko ang anumang galit at sasabihin ng mga tao magtiwala ka sa akin i love you more sweetie and i can't live without you in my life i will fight for our love.. I Promise you my love.."..madamdaming pahayag ni Ace kay Yvonne habang hawak ng dalawang palad nito ang magandang mukha ng dalaga saka masuyo niyang hinagkan ang labi nito at agad namang tinugon ni Yvonne ang mapagsuyong halik ni Ace hanggang kapwa sila hingal at abot ang hininga ng maghiwalay ang kanilang mga labi saka kinabig ni Ace si Yvonne at niyakap ng buong higpit at isinandal naman ni Yvonne ang sarili sa dibdib ni Ace at payapang nakatingin sa malayo na may ngiti sa kanyang mga labi.....
EUROPE....
Desidido na si Hassandra sa kanyang nabuong pasya kaya agad niyang kinausap ang manager nitong bakla...
"Ano Hassandra aalis kana at iiwan mo na ang pagmomodelo?!... gulat na tanong ng manager nito habang nakataas ang kilay ng bakla..
"Yes mamita and i finalised my decision dahil sa ilang taon kong pagmomodelo ay hindi parin ako masaya.,,?Akala ko noon ay magiging ok ang lahat.,, akala ko ay ang palakpak ng mga tao.,,ang paghiyaw ng mga tao at ang kislap ng kamera ang magpapasaya sa akin kaya ko siya tinalikuran ngunit hindi pala dahil kahit anong gawin ko at kahit pilit ko siyang kalimutan ay hindi ko magawa at mas lalo pa akong nahihirapan lalo na ngayong alam kong may ibang babae nang nagmamahal sa kanya at sa tuwing naiisip ko iyon ay kay bigat ng aking dibdib para akong sinasakal na hindi ako makahinga...
At sa tuwing naalala ko ang pag iwan ko sa kanya ng walang paalam ay nasasaktan ako dahil kung alam lang niya na hindi ako nakakatulog ng gabi sa kakaisip sa kanya..,, kahit anong pilit kong pakalmahin ang aking sarili ay hindi ko magawa sa tuwing naiisip kong magkasama sila ng bago niyang girl friend halos mamatay ako sa selos dahil hanggang ngayon ay mahal na mahal ko parin si Rhodney at umaasa parin ako na magkakaayis kami balang araw at babalik siya sa akin para muling dugtungan ang aming naudlot na pagmamahalan.... lumuluhang salaysay ni Hassandra sa kanyang manager at naintindihan naman siya nito at napaluha pa sa mga sinabi ni Hassandra..
"Ok good luck nalang sayo at sana ay magkatotoo ang iyong sapantaha at hindi ka na muli pang iiyak dahil noon pa man ay nakikita ko na sa iyong mga mata ang labis na kalungkutan at pagsisisi..." turan ng baklang manager ni Hassandra at sa sobrang emosyon nito ay hindi niya napigilang yakapin ito...
"Salamat mamita at naintindihan mo ako!... luhaang saad nito sa kanyang manager at napangiti lang ito sa kanya..
"Walang anuman at masaya ako para sa iyo at sana'y maging masaya sa piling niya at sana ay maging ayos na ang lahat para muli ninyong malasap ang katuparan ng inyong pagmamahalan!.,, ay kailan pala ang uwi mo ng pinas?.... Muling tanong manager ni Hassandra..
"Sa makalawa po sana at naka ready na ang mga gamit ko at pati ang aking tiket..
"Ok good luck at God bless.. wika ng bakla saka tumalikod na si Hassandra at masayang inimpake ang mga gamit..!!
Makalipas ang ilang araw ay masayang binabagtas ni Hassandra ang daang palabas ng Ninoy international airport at parang kay gaan ng kanyang pakiramdam na nakikipagsiksikan siya sa kanyang kapwa Pilipino...
"Rhodney kamusta kana mahal ko?.,, sana may pitak parin ako sa puso mo dahil kahit kailan hindi ka nawaglit sa isip at puso ko lagi kang naririto at nasasabik na akong makita ka mahal ko... maluha luhang bulong ni Hassandra sa isip nito ngunit nakalarawan sa kanyang mukha ang pagkasabik na makita ang dating katipan...
ITUTULOY!!!..,
BINABASA MO ANG
RUBI 2...Paano Supilin ang Lihim na Pag Ibig...by...emalbino
RomancePAANO SUPILIN ANG LIHIM NA PAG IBIG “ACE” …RUBI BOOK 2… BY: EMMZ TEASER….. …Mahiwaga ang pag ibig dahil hindi mo ito natuturuan kusang kakatok at titibok sa puso ninuman walang pinipili basta ang madapuan ay tiyak na tatamaan,.. At kung minsan kahit...