CHAPTER SIX
"LOVE, PANSININ mo naman ako," pangungulit sa akin ni Victor.
"I'm busy, Victor. 'Wag kang makulit," inis na sambit ko. "Mag-aral ka na nga lang din diyan."
After I said that, I heard him uttering, "tsk."
Nandito kasi kami ngayon sa isang café malapit sa apartment ko para mag-aral. Isang linggo na lang kasi at midterms week na namin parehas. That's why we decided to study together again. Since freshman, nakagawian na naming sabay mag-aral bago mag-midterms at finals. Pero hindi katulad nitong mga nakaraan na sa apartment ko kami nag-aaral, naisipan kong sa coffee shop naman this time.
Kapag doon kasi kami sa apartment ko, hindi naman kami nakakapag-aral nang maayos. Lalo na ako. Paano, hindi mapigilan ang kalandian ni Victor. At dahil gusto ko talagang mag-focus ngayong 3rd year na kami, I want to take a break from doing that. Pwede naman kasing after examination.
"Basta 'yong promise mo, ah," pagsasalita niya. "Kapag napasa ko lahat ng subjects ko this upcoming midterm examination, you will do everything I want."
Napa-ikot na lang ako ng mata sa sinabi niya. "As if I have other options. Saka gano'n din naman ako, ah. Gagawin mo rin lahat ng sasabihin ko kapag napasa ko lahat ng subjects ko."
Pagkatapos niyang tawanan ang sinabi ko, bumalik na siya sa pagre-review. After we made that agreement last week, mas lalo akong ginanahang mag-aral. May naisip na kasi akong gustong ipagawa sa kanya.
I'm in the middle of reading my notes in Marketing 5 (Consumer Behavior) when someone interrupted us.
"Hi po," pagsasalita nung babae na mukhang ka-edaran lang namin. "Pinapabigay po ito ng kasama ko," dugtong pa niya sabay abot sa akin nung tissue na mukhang may nakasulat.
Nang makuha ko ito, dali-dali rin 'tong umalis. Nasundan ko pa ito ng tingin at nakaupo lang sila malapit sa amin. Isang lalaki ang kasama niya.
"Ano 'yan?" my boyfriend asked.
I shrugged. Binuklat ko 'yong tissue at tama nga ako na may nakasulat. "Hi, I've been eyeing on you since you entered in the café earlier. My friend and I just want to say hi. If you're a straight guy, I put her number below. But if not and you're interested, here's my number," pagbasa ko. At halos kumunot ang noo ko pagkakita ng dalawang mobile number na nakasulat din sa tissue.
Pagtingin ko kay Victor, nakakunot na rin ang noo niya. Kinuha niya sa akin ang tissue at tahimik itong binasa. Habang napatingin naman ako sa gawi nila at nang magtama ang mga mata namin nung lalaki, nakangiting kumaway ito sa akin. Pagharap ko ulit sa boyfriend ko, ang sama na ng tingin niya sa akin.
Magsasalita pa lang sana ako nang mabigla ako sa pagpunit niya nung tissue. Tapos kunot-noo niyang tiningnan 'yong dalawa na mukhang nagulat sa ginawa niya.
"Victor—" I couldn't continue what I want to say because I suddenly felt his lips on mine.
Halos manlaki ang mga mata ko sa ginawa niya. Did he kiss me on public?!
Huli na nang ma-realize ko ang bagay na 'yon dahil nagulat na lang ako nang nailigpit niya na ang mga gamit namin at walang anu-ano akong hinila palabas ng café.
"Why did you do that?" Hindi ko pa rin makapaniwalang tanong sa kanya paglabas namin ng café.
"I just want to show him that you're not single anymore," he reasoned out.
"Pero bakit kailangan mo pa akong halikan?"
"Bakit, hindi mo nagustuhan 'yong ginawa ko?"
"That's not my point here, Victor. Ang weird lang kasi na dahil doon bigla mo na lang akong hinalikan. In public."
BINABASA MO ANG
Roommate Romance
RomanceThis is a story about life and college struggles, friendship, family, romantic relationship, failed expectations, broken promises, one-sided love, wrong timing, playful destiny, unsure decisions, unsteady feelings, and maybe, just maybe, a happy end...