Chapter 57

1K 58 3
                                    

CHAPTER FIFTY-SEVEN

PAGKATAPOS ILAPAG ang dalawang bulaklak, agad ko namang sinindihan ang aking mga dalang kandila. Tahimik akong umupo sa lapag at pinakiramdaman ang paligid.

"Hello po," panimula ko. "Pasensya na po at ngayon lang ako nakadalaw. Hindi na po ako dumiretso rito matapos ang graduation dahil ang dami pong nangyari."

To be honest, I didn't know how to start. Kanina habang nasa biyahe ako papunta rito, pina-practice ko na ang mga sasabihin ko sa kanila. Ang tagal na rin kasi mula nung huli ko silang nadalaw at talaga namang ang dami ko ng utang na kuwento sa kanilang dalawa. Pero ngayong nandito na ako, hindi ko naman alam kung saan magsisimula. Kung paano sasabihin ang mga nangyari sa buhay ko nitong mga nakalipas na buwan.

"Um . . . 'Ma, 'Pa, twenty-two na po pala ako," mahina kong sambit. "Hindi na nga po ako nakapunta rito nung birthday ko kasi may nangyari po. Saka kahit papaano naman po, I celebrated my birthday — with my friends po. Remember po sila Maris? Kasama ko po ulit sila. Wala nga lang sina Julius at Karen dahil may kaunting problemang nangyari sa kanila."

I cleared my throat. "Hindi ko po alam kung nasabi ko na 'to sa inyo pero naging si Paolo at Maris po. Mahal na mahal nga nila ang isa't isa, e. If you saw them together, 'Ma, 'Pa, paniguradong mapagkakamalan niyong mag-asawa na ang dalawa," I said then softly laughed.

"Pero . . ." When I paused, pinigilan ko ang sarili na maluha. "Pero . . . wala na po sila ngayon, e. Nag-break na po. Hindi po sinabi sa amin 'yong reason dahil bigla na lang din silang nawala dalawa. Nakakalungkot nga po at nakakapanghinayang."

Mas lalong dumoble ang katahimikan sa paligid matapos kong sabihin 'yon. Hindi ko na naman alam kung ano ang sunod na sasabihin. "Si Ely . . ." I tried to compose a sentence but I can't find the right words.

"Napakilala ko naman na sa inyo si Ely, 'di ba po?" pagtatanong ko at umaasang may sasagot sa akin. "Um, ayon po. He asked me last February if he can finally court me and I said yes po. Sino ba naman kasi ako para mag-no, 'di ba?"

Napahawak ako sa dibdib nang medyo nahirapan akong huminga. Ikinalma ko ang sarili at sinubukan ulit magsalita. "Alam niyo po, ang bait ng lalaking 'yon. Maalaga at hindi talaga ako pinapabayaan; napaka-romantic din po. Nang maging mag-roommate po kami, doon ko pa siya mas lubusang nakilala. He's really a good guy," I told them. "That's why when he confessed that he's in love with me, hindi po ako makapaniwala. I thought he was going to play my heart. Kung hindi niyo po kasi natatanong, maloko rin ang isang 'yon. Pero sa paglipas ng bawat araw, talagang namang pinaramdam niya sa akin kung gaano siya ka-sincere sa kanyang nararamdaman."

Telling them those things, made me reminisce the days I'm with him. Those happy and lovely moments we've spent together. Napangiti na lang ako sa mga alaalang awtomatikong nag-flash sa aking isipan.

"Hindi naman po mahirap magustuhan si Ely, e," I continued. "Sa totoo lang po, lahat ng hihilingin mo sa isang tao na magmamahal sayo ay nasa kanya na. He's beyond perfect to your ideal guy. Pero hindi ko po maintindihan ang sarili, e. Hindi ko maintindihan kung bakit hanggang ngayon, hindi ko pa rin masuklian ng buo ang pagmamahal na binibigay niya; bakit naghe-hesitate pa rin ako. Mahal ko siya pero . . ."

"Your heart is still belong with someone else."

I heaved a sigh. Hindi ko na alam kung ilang minuto na ang lumipas bago ako nakapagsalitang muli. "Bumalik na po si Victor. After more than a year, he finally came back. I finally heard his explanation on why he just left me like that before."

"Victor, I'm asking you! Bakit . . . Bakit ka umalis ng gano'n lang? Bakit mo ako iniwan nang wala man lang maayos na paalam? Bakit?"

Roommate RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon