CHAPTER FIFTY-THREE
GUSTO KONG sumabog sa sobrang saya. Finally, I'm one step closer on reaching one of my goals in life: ang maka-graduate ng kolehiyo.
It's already past five when I finished my thesis defense. Kung kanina, halos hindi ako makahinga sa sobrang kaba at excitement; hindi ko naman mapigilan ang puso ngayon na magtatalon-talon sa sobrang tuwa. Nag-paid off na rin ang sunod-sunod na sleepless nights ko para lang sa thesis na 'yon. Ngayon, midterm and final exams na lang ang poproblemahin ko and I'm all set for the upcoming graduation.
Habang ini-imagine ko ang pag-akyat sa stage, suot ang itim na toga, biglang sumagi sa aking isipan sina Maris. I received their messages that they're all done bandang 4:30 p.m. pa lang. Tapos magkita-kita na lang daw kami sa THP para sa little celebration. Kaso hindi naman ako maka-alis-alis dito sa campus because of Eliseo. Kanina ko pa siya kino-contact pero unavailable. E, huling usapan naman namin ay hihintayin niya ako para sabay kaming pupunta sa THP.
One bridge away lang naman ang building namin sa kanila kaya naisipan kong pumunta na lang doon. Baka kasi doon niya ako naisipang hintayin.
Going there, I tried to call him again. Pero gano'n pa rin talaga — unavailable.
Nasaan na kaya ang lalaking—
I both stopped walking and thinking when my phone rang. It was from unregistered number that's why I'm a bit hesitant to answer it. Hindi kasi talaga ako kumportable sa mga unknown calls from unregistered numbers. After a minute of ringing, nawala rin ang tawag. Magpapatuloy na sana ako sa paglalakad nang mag-ring ulit ang aking phone.
That unregistered number again.
"Who's this?" I asked after deciding to accept the call.
"Sorry, na-deadbatt ako," bungad nung nasa kabilang linya. "Wala rin akong dalang powerbank or charger kaya nakitawag na lang ako. Anyway, nasaan ka na ba?"
"Wait, sino 'to—"
"It's me."
"Ely?"
"Yep."
"Kaninong number 'to?"
"Classmate. Actually, nagmamadali na siya kaya kailangan ko ng malaman kung nasaan ka."
"Second floor, building namin. Papunta sana ako sa building mo—"
"Okay, don't move. Diyan ka lang at papunta na ako," he said then ended the call.
Naguguluhan man sa nangyayari, sinunod ko na lang siya. Mabuti na lang at iilan na lang ang tao rito sa second floor. Hindi nakakahiyang tumayo rito sa kalagitnaan ng hallway.
Habang hinihintay si Eliseo, hindi ko mapigilang hindi makinig sa usapan ng dalawang estudyante malapit sa aking gawi.
"Sino kaya ang may pakulo non? Ang sweet, mapapa-sana all ka na lang!"
"Sinabi mo pa! Ang swerte ni ate girl!"
"Anong ate girl? Beks daw 'yong isu-surprise."
"Totoo ba?"
"Oo, sis. May kaibigan kasi akong Psych major at sa kanya ko nalaman ang bagay na 'yon."
"Shet! Iba na talaga ang panahon ngayon. Tinatalo na tayong may mga hiwa—"
BINABASA MO ANG
Roommate Romance
RomansaThis is a story about life and college struggles, friendship, family, romantic relationship, failed expectations, broken promises, one-sided love, wrong timing, playful destiny, unsure decisions, unsteady feelings, and maybe, just maybe, a happy end...