A/N: First, I just want to say sorry for not updating this story for almost a week. Hindi ko lang na-balance 'yong personal at writing life ko nitong mga nakaraang araw kaya nagkaganito. I actually want to take a rest but I also want to keep on writing and updating that's why I'm still doing my best to finish this story. Hoping for your full-blast patience, guys!
Gusto ko lang din pasalamatan (through this one) 'yong kaibigan kong nagpapalakas talaga ng loob ko lagi. Hi, Gian! This chapter is dedicated to you so I hope you'll like it.
Keep on supporting and reading my works! Love y'all~
***
CHAPTER SIXTEEN
I WASN'T in the mood to talk to anyone. Kanina pa nagungulit sila Maris sa akin pero dahil na-badtrip ako kay Amanda at sa napakagaling kong boyfriend kanina, I decided to have an alone time.
Tinamad akong lumabas at gumala kaya nagkulong na lang ako sa apartment at nag-marathon ng mga movie ni Noah Centineo sa Netflix. Mabuti naman at medyo na-divert ang atensyon ko sa kanya kahit papaano.
But I'm in the middle of watching Sierra Burgess is a Loser when I heard a familiar voice behind my front door that caught my attention. Tuloy-tuloy din ang pagkatok nito.
I heaved a sigh and tried to focus on what I'm watching. Ayaw kong magpadala ngayon sa mga salita niya, 'no. Alam niya namang inis na inis ako kay Amanda tapos kakampihan niya pa, e 'di mas lalo lang nadagdagan ang inis ko! Nadamay pa tuloy siya.
"Chie, please, open this door," aniya at patuloy pa rin sa pagkatok. "I don't want to use my spare key, so please . . . just open this door."
I rolled my eyes. Dami niyang alam. May susi naman pala siya tapos may pakatok-katok pa siyang nalalaman.
"Chie, hanggang kailan ba natin pag-aawayan si Amanda?"
Pagkasabi niya non, awtomatikong nagpintig ang tainga ko. I clicked the pause button in the remote control before I stood up and opened the door.
"Exactly," I irritatingly replied. "I also want to know the answer to that question. Hanggang kailan nga ba natin pag-aawayan ang babaeng 'yon?"
"Why are you so worked up, love?"
"E, ikaw Victor, bakit kamping-kampi ka naman sa babaeng 'yon?"
"For pete's sake, love! Amanda has a name. Stop referring her as babaeng 'yon," he said. "At hindi ko siya kinakampihan. Wala akong kinakampihan, love."
"Pero hindi gano'n ang nagiging dating sa akin," huli kong sabi bago siya tinalikuran.
Sa may kusina ako dumiretso para uminom ng tubig. Medyo nanuyo kasi ang laway ko sa pagtaas ng boses ni Victor sa akin.
"Alam mo, Chie, ikaw mismo ang gumagawa ng pag-aawayan natin, e."
Halos mabitawan ko ang hawak-hawak kong baso pagkarinig ng sinabi niyang 'yon. Gulat ko naman siyang hinarap pagkatapos.
"What did you say?" hindi ko makapaniwalang tanong. "Ako? A-Ako talaga?"
"Kasi naman, Chie, walang ginagawa 'yong tao tapos —"
"Oh, fuck off, Victor! Walang ginagawa? Bulag ka ba o nagtatanga-tangahan?" I cut him off. "She's fucking trying to ruin our relationship. Gusto ka niyang agawin sa akin! Tapos, ano? Sinasabi mong wala siyang ginagawa? Really?"
"Ano bang pinagsasabi mo, Chie? Anong inaagaw? Wala namang ginagawang gano'n si Amanda."
"Damn, you're unbelievable," I said in a gritted teeth. "Gusto mo ba talagang isa-isahin ko pa ang mga pinaggagawa niya para sirain tayo bago ka maniwala sa akin?"
BINABASA MO ANG
Roommate Romance
RomanceThis is a story about life and college struggles, friendship, family, romantic relationship, failed expectations, broken promises, one-sided love, wrong timing, playful destiny, unsure decisions, unsteady feelings, and maybe, just maybe, a happy end...