CHAPTER FORTY-TWO
IT'S CRAZY how fast time flies.
Parang kailan lang, ang dami ko pang iniisip na problema. Ang dami kong pinagdadaanan sa buhay na akala ko wala nang katapusan pa. Tapos ngayon, naging okay na ako. Unti-unti ko nang naibabalik 'yong dating ako na minsan ko na ring sinira. At lahat ng iyon ay hindi magiging posible kung hindi dahil sa tulong ng aking mga kaibigan.
"Matagal pa ba sila? Lalamig na 'yong mga pagkain, o," ani Robi na kanina pa reklamo nang reklamo.
"E 'di, initin mo na lang ulit mamaya," Eliseo said in annoyance. "Saka pwedeng manahimik ka muna kahit ilang segundo lang? Ikaw lang kaya maingay sa ating apat."
Pasimple naman akong natawa sa huli niyang sinabi. Totoo naman kasi, e. Sa aming apat, siya ang kanina pa hindi maubus-ubusan ng sasabihin. Hindi gayahin si Axcel na kung hindi pa tatanungin, hindi magsasalita. Not his usual state though, pero okay na rin 'yon. Kaysa naman dagdagan niya pa ang kadaldalan nitong si Robi.
Nandito kasi kami ngayong apat sa condo ni Eliseo, hinihintay ang pagdating nila Julius at Karen. Today's August 16 which means birthday na nung dalawa — 21st birthday. At dahil natapat na naman ng weekday (Monday) ang mismong araw ng kaarawan nila, we decided to surprise them. Wala kasing balak mag-celebrate si Julius habang si Karen naman, sa darating na Sabado pa.
Mabuti nga at wala pang masyadong ginagawa sa school dahil kasisimula lang din naman ng pasukan, two weeks ago, kaya nagawa pa namin 'to kahit biglaan lang; at medyo kapos pa sa oras.
"Paolo texted me. Kasama niya na raw si Julius," pagsasalita ni Eliseo habang nakatutok sa hawak niyang cellphone.
Sakto namang nag-vibrate din sa bulsa 'yong akin. After I read the text message I received, I faced them. "Gano'n din si Maris. Kasama niya na raw si Karen."
"At last!" komento ni Robi sabay upo sa couch.
Nagpunta naman ako sa may kusina para ihanda na 'yong birthday cakes nilang dalawa. Hindi ko na naman mapigilang mapangiti dahil parang dati, lima lang kaming nagse-celebrate ng mga gan'tong klaseng okasyon; tapos ngayon, walo na at walong birthday celebrations na rin ang kailangan naming pagsamahan.
We're literally growing like a family.
"Are you really that happy?" Nagulat ako nang marinig ang boses ni Eliseo. Sinundan niya pala ako. "Kanina ko pa kasi napapansin na hindi na mabura-bura 'yang mga ngiti mo sa labi."
Mas lalo pa akong napangiti sa sinabi niya. "Because I'm happy right now, Ely," I genuinely replied.
"Did I make you happy?" I creased my forehead by the question he threw to me. "I mean, am I part of your happiness right now?"
"Hindi," mabilis na sagot ko na siyang mukhang ikinagulat niya. "Hindi ka lang parte ng kasiyahan ko ngayon. Ikaw ang tuluyang bumuo nito."
His eyes suddenly widened. "W-What did you just say?"
I chuckled. "Bawal na ulitin. Isang beses ko lang pwedeng sabihin 'yon," sagot ko at saka siya tinalikuran.
"Chie! Huwag kang madaya diyan!" aniya at dali-dali akong sapilitang pinaharap sa kanya. "Just repeat what you exactly said earlier. Kahit isang beses lang, please?"
"Bitawan mo nga ako. Sasapakin kita diyan," pagbabanta ko at pinanlakihan ko pa siya ng mata. Pero ang loko, tinawanan niya na naman ako.
"Stop being cute, Chie."
"FYI, I'm not even trying to be cute, Eliseo!"
Nabigla naman ako nang bigla niyang hawakan ang likurang bahagi ng aking balakang sabay hila papalapit sa kanya. Dahil hindi ko nga ini-expect ang ginawa niyang 'yon, hindi agad ako nakapagsalita.
BINABASA MO ANG
Roommate Romance
RomanceThis is a story about life and college struggles, friendship, family, romantic relationship, failed expectations, broken promises, one-sided love, wrong timing, playful destiny, unsure decisions, unsteady feelings, and maybe, just maybe, a happy end...