CHAPTER FIFTY-SIX
NANINIWALA NA talaga ako na kapag masyado kang masaya, tahimik ng naghihintay ang kalungkutan sayo. Na sa isang iglap, from the happiest person alive to the saddest one ang iyong magiging transition.
Parang ako nga — sobrang saya ko nitong mga nakaraang araw; pero ngayon, hindi ko na alam kung nag-e-exist pa ba sa aking katawan ang emosyon na 'yon.
At masasabi kong isa sa naging dahilan kung bakit ako nagkakaganito ngayon ay ang break up ni Maris at Paolo. They officially broke up a week after our graduation. Mag-i-isang buwan na pala silang malabo sa isa't isa. At sa aming magkakaibigan, ako na lang pala ang walang ka-alam-alam sa bagay na 'yon. Alam daw kasi nilang may sarili akong pinoproblema sa mga oras na 'yon kaya hindi na muna nila sinabi sa akin. Panigurado raw kasing mag-aalala pa ako.
Malamang! Kaibigan ko sila kaya mag-aalala ako. Feeling ko nga wala akong kwentang kaibigan, e. Kasi hindi ko man lang nahalata na may gano'ng pangyayari na pala sa kanilang dalawa. Saka ang saya-saya pa kaya nila nung birthday ko! Tapos . . . Tapos biglang gano'n.
Mas lalo pa akong nafu-frustrate dahil hindi ko alam ang dahilan ng hiwalayan nila. Actually, wala raw nakakaalam. Hindi ko rin naman kasi sila makausap dahil bigla na lang sila nawala dalawa. Mukhang parehong nagpakalayo-layo.
Tapos dumagdag pa 'yong dalawa.
It's been a month since Victor suddenly showed himself after what he did to me back then. Alam ko namang mangyayari rin ang bagay na 'yon pero hindi ko lang inaasahan na sa mismong graduation ko pa talaga siya makikitang muli. Hinanda ko na nga ang sarili sa muli naming pagkikita pero nung nandiyan na siya sa harap ko — nung nanyari na — I became lost. Bigla akong nawala sa sarili at hindi mapakali. I didn't know what to do that time and I didn't know what to say kaya ginawa ko na lang ang unang bagay na pumasok sa aking isipan nung mga oras na 'yon. I ran away.
Alam kong hindi dapat ako tumakbo nung araw na 'yon. Alam kong dapat hinarap ko siya. Pero ano'ng magagawa ko? Hindi pa talaga ako handa.
Hindi pa ako handang masaktan at makasakit kung saka-sakali. I need a lot of time to think, to fix myself, to ensure my feelings.
"Pero hanggang kailan ba ako tatakbo at magtatago? Isang buwan na rin ang nakalipas, o," I talked to myself . . . again. Dahil wala akong kaibigan na makausap nitong mga nakaraang araw, naging habit ko ng kausapin ang sarili. Medyo weird pero nakasanayan ko na. In that way, nagiging ayos ako kahit papaano. Kasi kahit sa gano'ng paraan, nailalabas ko ang aking mga saloobin. "Handa na ba akong harapin sila? Handa na ba akong harapin siya? Handa na ba akong harapin 'tong nararamdaman ko?"
As I repeatedly asked myself those questions, my phone rang. Isang unregistered number na naman ang nakita kong naka-flash sa screen. Halos ilang araw na rin akong nakakatanggap ng tawag mula sa mga kumpanyang nag-aalok sa akin ng trabaho. Ni hindi ko nga alam kung paano nila nakuha ang number ko. E, wala pa kayo akong pinag-a-apply-an.
I swiped the accept button. "If this about a job, I'm not interested—"
"Chie."
Napatigil ako pagkarinig ng boses sa kabilang linya. Bakit gano'n? Isang taon mahigit din siyang nawala pero bakit kabisado ko pa rin ang boses niya? Bakit gan'to ang nararamdaman ko nang muli niyang sambitin ang aking pangalan? Bakit ako nagkakaganito?
"C-Chie?"
He called my name again. Doon pa lang, nahihirapan na akong huminga.
I shook my head and sat properly. I also took a deep breathe before asking, "S-Sino 'to?"
"It's Victor."
BINABASA MO ANG
Roommate Romance
RomanceThis is a story about life and college struggles, friendship, family, romantic relationship, failed expectations, broken promises, one-sided love, wrong timing, playful destiny, unsure decisions, unsteady feelings, and maybe, just maybe, a happy end...