A/N: It's officia-freakin'-lly done! Walang sawang pasasalamat sa lahat ng nagbasa at nakaabot dito. Super thank you po sa support! Mahal ko kayong lahat.
Enjoy reading!
***
EPILOGUE
I'M HAPPY in my life. I'm genuinely happy with what I have right now . . . again.
And to be honest, I am more contented now than before.
I finally graduated in the course I really like. At nagpapasalamat ako sa lahat ng tumulong sa akin para maka-graduate on time. 'Yong mga kaibigan ko, papa ni Karen, si Ma'am Joy ng Serenitea, mga magulang ko na sigurado akong tahimik lang akong binabantayan at syempre . . . 'yong sarili ko. Yep! I'm also thanking myself because I made it. Marami mang problema ang humadlang sa pagtupad ng pangarap ko, nagawa ko pa ring makamit ito. And I'm talking about the coffee shop that my parents and I dreamed to own before when the right time comes — and that time came already.
Oo at nakapagpatayo na rin ako ng sarili kong coffee shop. I named it Chill on Chie's Café & Bar o mas kilala na ngayon sa tawag na 3C.
Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala na may sarili na akong coffee shop. At hinding-hindi ko makakalimutan ang taong talaga namang tumulong sa akin para magawa ang lahat ng ito.
Si Victor.
And now that I thought of it, dalawang taon na rin pala ang nakalilipas simula nung mangyari ang lahat ng 'yon. Maayos na nga ang pakikisama naming dalawa, e. Hindi ko masasabing bumalik ulit kami sa dati pero masaya ako na naging magkaibigan kaming muli. Actually, we're more than friends pala. Because we're now a business partners. Siya 'yong may pakana ng pagdagdag ng mini bar sa likurang bahagi nitong shop.
Hindi naman siya totally bar na may dance floor and the likes. Katulad ng coffee shop ko, chill lang din ang vibes sa bar na 'yon. They served different kinds of liquors from local to branded. They also served some foods.
Naisip niya ang ideya na 'yon dahil daw sa hilig namin nung college — ang pag-iinom sa bar, sa The Happy Place to be specific.
Napangiti na lang ako nang sumagi sa aking isipan ang THP. We also had so much memories on that place. It's one of our go-to place that witnessed our struggles back in college days. May maganda o masama mang mangyari, doon agad kami tatakbo.
"Mukhang in love na naman ang kaibigan natin."
I stopped reminiscing when I heard a familiar voice.
"Maris!" gulat kong sambit nang nakangiti. "At Karen!" Agad ko silang nilapitan dalawa at binigyan ng yakap. "Himala at early birds kayong dalawa ngayon," natatawa kong komento.
"Huwag kang matuwa diyan kasi mamaya na rin ang flight nitong kaibigan natin pabalik sa New York," ani Karen.
Napasimangot tuloy ako sa sinabi niyang 'yon. "Akala ko ba bukas pa ang balik mo?"
"Akala ko rin, e. Hehe," Maris replied. "Paano, may exam na kami next week kaya busy talaga ako at kailangan ko nang bumalik agad doon."
"'Kay, fine," I said in defeat. "At least nakapunta ka."
"I know right."
Nagpatuloy ang kuwentuhan naming tatlo sa mga pangyayari sa kanya-kanya naming buhay. Kung hindi niyo kasi natatanong, iba-iba kami ng path na tinahak after we graduated in college.
BINABASA MO ANG
Roommate Romance
RomanceThis is a story about life and college struggles, friendship, family, romantic relationship, failed expectations, broken promises, one-sided love, wrong timing, playful destiny, unsure decisions, unsteady feelings, and maybe, just maybe, a happy end...