Chapter 48

1K 64 2
                                    

CHAPTER FORTY-EIGHT

ILANG ARAW kong pinag-isipan ang mga sinabi sa akin nila Paolo at Maris. And I realized that they're both right.

Eliseo doesn't deserved the pain I might cause to him.

"I'll finally letting him go," I uttered to Maris. Siya lang ang kasama ko ngayon dahil busy ang iba naming kaibigan. "I think this is the right and perfect time to do this."

"Sigurado ka na ba diyan?" I nodded. "Wala nang atrasan 'to, Chie. If you finally decided to let him go, you should do it for real. Panindigan mo. Para sa huli, walang masasaktan."

Sa nakalipas na araw, siya lang ang tumatakbo sa aking isipan. When I thought about him not being beside me anymore, I kinda got scared. Doon ko napagtanto na importante na nga talaga siya sa akin; na hindi ko na rin siya kayang mawala sa aking buhay.

"O siya, tama na ang drama. Let's find a birthday gift to him," ani Maris. "Magpapa-party pa naman 'yon kaya nakakahiya kung wala tayong regalo."

"Hindi ko pa nga alam kung anong ireregalo ko, e."

"Alam mo, Chie, sabi ni Paolo, hindi naman materialistic 'yon si Eliseo. Saka ikaw pa ba? E, kahit tig-pisong candy nga ata ibigay mo roon, ayos lang. Basta galing sayo, ah."

"This is his first birthday na magkasama kami," I said and she suddenly grinned. "I mean, nandito ako. Kasi kakakilala lang naman namin, 'di ba? Kaya gusto ko namang gawing memorable ang birthday gift ko sa kanya."

"As you say so, Chie."

Hindi ko na lang siya pinansin ulit. We just roamed around the mall. Ilang stores na ang pinuntahan namin pero wala pa rin kaming nakita na pwedeng ipanregalo kay Eliseo. Hanggang sa nag-decide na lang si Maris na pabango ang bilhin. Habang ako, wala pa ring maisip.

Nasa kalagitnaan kami ng pag-iikot sa mall nang mag-vibrate ang cellphone ko.

From: Eliseo
What time are you going home?

Agad na kumunot ang aking noo sa nabasa. Nitong mga nakaraang araw, naramdaman kong iniiwasan niya rin ako. Ni hindi na nga kami masyadong nag-uusap lalo na kapag hindi naman kailangan. At dahil 'yon sa huli naming pag-uusap tungkol kay Victor.

Kaya anong meron ngayon at bigla niya naman tinanong ang oras ng pag-uwi ko? Makikipagbati na ba siya?

"Sinong makikipagbati?" sabat ni Maris na siyang ikinagulat ko. Kunot-noo rin siyang nakatingin sa akin. "May kaaway ka ba?"

"Did I voice out my thoughts aloud?"

"Ano pa bang bago, Chie?"

Sinimangutan ko na lang siya bago nag-type ng ire-reply kay Eliseo.

"Sinong ka-text mo?"

"Ely."

"Ah . . . siya 'yong makikipagbati?"

"Hindi."

"E, ano?"

"He just asked me what time I'm going home."

"Ay, taray! Hindi pa kayo pero kailangan updated sa isa't isa, ha."

I glared at her direction. "Tumigil ka nga diyan," sita ko sa kanya. "Ngayon na lang siya ulit nagtanong ng gan'to, 'no. Kaya nga nakakapagtaka kung anong meron."

"Baka kasi nami-miss ka na," she annoyingly uttered. "Ikaw naman kasi, masyadong nagpapa-miss. Daig mo pa talaga ako. Ang haba ng hair mo!"

"Kapag hindi ka tumigil diyan, iiwan kita rito."

Roommate RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon