CHAPTER TWELVE
I WAS still confused why that guy ignored me awhile ago.
Hindi niya ba ako nakita? Hindi niya ba ako napansin? Pero imposible kasi nagtama pa ang mga mata namin, e. Sigurado akong nakita at napansin niya ako. But . . . why he acted that way?
"And why I'm thinking about him? Hindi ba't dapat maging masaya ako na mukhang tinutupad niya na nga ang pangako niya sa akin?" pagkausap ko sa sarili.
Halos isang oras na ang nakalipas simula nang mangyari ang insidenteng 'yon pero hindi ito mawala-wala sa isipan ko. Paano, paulit-ulit na nagpe-play sa utak ko 'yong eksenang 'yon.
"Love," agad akong napalingon kay Victor nang tawagin niya ako. "Ayos ka lang ba? May problema ba?"
I shook my head. "Ah, wala 'to, love. May iniisip lang ako," I said then smiled at him. "Kumusta na pala si Auntie mo?"
"She's already asleep," he replied. "Sabi ng doktor, gisingin siya mayamaya para mainom 'yong gamot niya."
Umusog ako sa upuan para makaupo si Victor. "Bakit hindi ka pa nagpapahinga?" I asked. "You're tired, love. You should take a rest now. Baka mamaya, ikaw pa ang mapaano diyan."
"Paano ako makakapagpahinga kung nandito ka lang sa labas at ayaw mo namang pumasok sa loob?"
Mahina akong natawa sa sinabi niya kaya nahampas ko siya sa braso. "Okay lang naman ako rito, e."
"But I'm not," he retorted. "Love . . . ayaw mo bang mas makilala ka pa ni Auntie?"
"Syempre, gusto."
"Oh, 'yon naman pala, e. Anong problema?"
"I want her to know me but not as your friend or classmate, love." Nang hindi siya magsalita, mahina ko siyang kinurot. "Biro lang, ito naman."
After a minute of silence, medyo kinabahan na ko. He didn't say anything and he's just staring at me na para bang may malalim na iniisip.
"Uy, love. Huwag mo nang isipin 'yong —"
"Hindi naman na kita ipapakilala bilang kaibigan o kaklase ko, e," mahina niyang sambit. I creased my forehead and stared at him confusedly. "And Auntie already knew about us."
"Ha?"
When he chuckled, mas lalo pang kumunot ang noo ko. "Hindi ko pa dapat 'to sasabihin sayo dahil nga gusto kitang i-surprise. Pero mukha kasing pinagdududahan mo na ang pag-ibig ko sayo kaya I think it's time."
"Love, ano bang pinagsasabi mo? I don't get it."
"Chie, matagal ng alam ni Auntie ang tungkol sa relasyon natin," nakangiti niyang sabi. "Actually, gusto ka niya na ring makilala. Naghahanap lang talaga ako ng tamang timing."
Hindi agad ako nakapagsalita matapos marinig ang sinabi niya. I don't know what to react; I don't know what to say. I'm quite . . . speechless.
"Uy, love, 'wag ka namang umiyak dito. Baka mamaya sabihin nila pinapaiyak kita, e."
Dahil sa sinabi niya, hindi ko na napigilan at napaiyak na nga ako habang nakangiti. I know that I'm look like an idiot right now but I don't care. Kakaibang kasiyahan lang talaga ang nararamdaman ko sa mga oras na 'to.
When he pulled me and hugged me, doon lang ako nakapagsalita. "Love naman, e."
"Sshhh," he whispered. "Sorry kung natagalan bago pa 'to mangyari. Nahirapan lang talaga akong mag-come out kay Auntie."
"Hindi mo naman kailangan gawin 'to, e."
"I know."
"Aba, um-agree ka talaga, ah."
BINABASA MO ANG
Roommate Romance
RomanceThis is a story about life and college struggles, friendship, family, romantic relationship, failed expectations, broken promises, one-sided love, wrong timing, playful destiny, unsure decisions, unsteady feelings, and maybe, just maybe, a happy end...