CHAPTER THIRTY-FOUR
HANGOVER IS a bitch.
Katatapos lang ng first class ko sa Eng 4 (Technical Writing in Business) at may halos kalahating oras pa naman ako bago ang aking susunod na klase; kaya naisipan ko munang dumiretso sa cafeteria para bumili ng tubig at biscuit.
It's already 9:32 AM but I haven't eaten anything yet. Late na rin kasi akong nagising kanina kaya nagmamadali na kong dumiretso rito sa school at hindi na nag-abala pang mag-almusal. Nakakahiya naman kung late na nga akong nag-second sem tapos male-late pa ako sa first day of class.
Kaya kahit masakit din ang aking ulo dahil nga sa hangover kagabi (na wala na akong masyadong matandaan dahil sa sobrang kalasingan) pinilit ko pa rin talagang pumasok ngayong araw.
Nagbuntonghininga ako nang makita ang iilang estudyante na labas-masok sa loob ng cafeteria sa 'di kalayuan. "More than four months lang ako nawala pero parang ang dami ng nangyari rito," bulong ko bago nagpatuloy sa paglalakad.
Ilang lakad na lang at malapit na ko sa pintuan nang may tumawag sa pangalan ko. Paglingon ko sa gawi nito, agad na napakunot ang aking noo.
"Robi?" nagtataka kong sambit nang tuluyan na itong makalapit sa gawi ko. "Dito ka rin pala nag-aaral?"
"Yep! Hindi lang halata pero I'm a Biology student," natatawa niyang sabi sabay pakita ng kanyang ID lace na may tatak ng department nila at course niya.
"Kung dito ka nag-aaral, e 'di dito rin si—" Hindi ko na natapos ang aking sasabihin kasi may umagaw naman ng atensyon niya.
Nang muli niya akong lingunin, nagmamadali niyang inabot sa akin ang hawak-hawak niyang paper bag. "I'm sorry, Richie, but I have to go. See you around!"
"Teka, para saan 'to?!" pahabol na sigaw ko pero mabilis na siyang nawala sa aking paningin.
When I checked it inside, I saw a sticky note.
Hope it'll help to your hangover!
I made this so enjoy. Eat well ;)Ely
"What is this?" tanong ko pagkabasa ng sticky note. Pumasok na muna ako sa cafeteria bago nilabas ang maliit na lalagyan na nasa loob ng paper bag. "Woah," I gasped as I opened it. "Did he cook this porridge for me?"
Pinoproseso ko pa ang lahat nang mag-vibrate naman ang aking cellphone.
From: Eliseo
Quit on staring and start eating, you dumbass! You only have 20 minutes left before your next class hahaha"What the — how did he know?" tanong ko at nagpalinga-linga pa para hanapin siya. But he's nowhere to be found. Kaunti pa lang ang tao rito sa cafeteria kaya madali ko lang siyang makikita kung sakali pero wala.
My phone vibrated one more time. He texted me again.
From: Eliseo
I said, eat that now. Stop finding me haha and I'll see you later! 17 minutes left... ⌚"Creepy weirdo," I uttered as I typed it. Pagkatapos ko itong ma-send, napangiti na lang ako na parang ewan at napailing. "Salamat sa pagkain," pahabol na bulong ko pa bago sinimulang lantakan ang porridge na niluto niya.
Ugh, heaven!
***
"Marketing 10 gives me so much headache right away!" I ranted. "Kahit na nag-advance reading na ako, sumakit pa rin talaga ang ulo ko."
BINABASA MO ANG
Roommate Romance
RomanceThis is a story about life and college struggles, friendship, family, romantic relationship, failed expectations, broken promises, one-sided love, wrong timing, playful destiny, unsure decisions, unsteady feelings, and maybe, just maybe, a happy end...