CHAPTER FORTY-FOUR
WE CAN'T reached Karen for weeks now.
After Julius revealed about Coreen's pregnancy, tuluyang na siyang hindi nagpakita sa amin. Kung hindi pa nga namin siya sasadyain sa kanila, wala talaga. Kahit sa school, madalang na lang namin siyang makita. Busy pa for her thesis preparation.
Actually, busy na talaga kaming walo ngayon dahil sa thesis. Pero 'yong pagka-busy niya, halatang dahilan lang upang maiwasan si Julius.
Hindi ko rin naman siya masisisi. If I were her, baka gano'n din ang maging reaksyon o gagawin ko.
"Hindi niyo pa rin ba makausap si Julius?" Eliseo asked to us.
Sabay naman kaming napatango ni Paolo bilang tugon.
Isa pa pala 'yon sa pinoproblema namin. Hindi na kasi masyadong nagkwento si Julius tungkol sa bagay na 'yon. Ayaw rin naman naming mamilit dahil we all know that it's a sensitive topic to talk about.
"Maghintay na lang siguro tayo hanggang sa handa na siyang magsabi sa atin," ani Robi.
Apat lang kaming magkakasama ngayon dahil wala na naman si Axcel. Habang si Maris may PE class pa.
"Kumusta pala thesis mo, Chie? Mayroon ka na bang dissertation topic?" pag-iiba ni Eliseo ng usapan.
Sasagot pa lang sana ako nang bigla namang sumingit si Paolo. "Ano ba kayong dalawa? Hanggang dito ba naman thesis pa rin?"
We both laughed by his remark.
"Aral-aral din kasi nang mabuti, Pao," Robi commented. "Puro ka landi, e."
"Nagsalita ang may naka-one night stand na naman last night, ha."
Napapikit na lang ako ng mga mata sa usapan nila. Kung dati, si Maris ang madalas na kabangayan ni Paolo; Ngayon, si Robi na.
Magpapaalam na sana ako sa kanila at kailangan ko nang bumalik para sa next class ko when my phone rang.
Maris calling...
"O, napatawag ka —"
"Kasama mo ba si Paolo?"
"Ah . . . yeah? Why?"
"Loudspeaker mo nga, Chie."
Naguguluhan man, sinunod ko na lang ang kanyang sinabi at nilapag sa mesa ang cellphone. Nakakunot naman ang noo ni Paolo habang tinatanong kung anong problema. Dahil wala akong alam, nagkibit-balikat na lang ako.
"Hoy, Paolo Marasigan!"
"B-Boss babe?"
"Why you're not answering your phone?! I've been calling you for hours already!"
"P-Phone? Nasaan 'yong phone — oh, shit. I think I forgot it in my locker room, boss babe. Sorry —"
"Yari ka talaga sa akin at nasaan na 'yong pinapabali ko?! Kanina pa ko lagkit na lagkit dito!"
Pigil-pigil naming tatlo ang aming mga tawa habang nakatingin sa gawi ni Paolo na kanina pa natataranta.
"Tangina, oo nga pala."
"Minumura mo ba ako?!"
"Hindi, boss babe! You just misheard it. Sige na, sige na. Papunta na kami ni Chie diyan, bye! I love you." Then he ended the call immediately.
BINABASA MO ANG
Roommate Romance
RomanceThis is a story about life and college struggles, friendship, family, romantic relationship, failed expectations, broken promises, one-sided love, wrong timing, playful destiny, unsure decisions, unsteady feelings, and maybe, just maybe, a happy end...